Pasensya.
Penge ng La Pacita, Pasencia.
Sumasakit ang ulo ko sa mga gahamang ka-grupo ko sa TourRes. Parang gusto ko silang balibagin sa sobrang tagal nilang makabalik dito sa Cafeteria.
Kanina pa kami naghihintay ni Ela sa loob, bahagyang kinakabahan na. Dapat bago mag 2:30 ng hapon, dapat kumpleto na kami. Inutusan namin dalawa sila Victor at Mateo na bumili ng folder dahil sa dahilanang kinulang kami para ibigay sa panelists.
Uminom na lang ako ng milktea na binili ko sa Red Brew. Si Ela, napasapo na sa ulo niya. Nagulat na lang kami ng may tumawag sa phone niya. Si Victor tumatawag.
Sinagot ni Ela ang tawag at tumayo. "Ano?!"
Napakunot ang mga kilay ko. Anong ano?
Napabuntong hininga siya, "Anong na-corrupt yung file? Impossible naman yun! Pinaghirapan natin yun ah! 'Di ba?!" Sumisigaw na siya, madami ng tumitingin sa amin na mga estudyante sa amin.
Tumayo ako at inagaw ang phone ni Ela na hawak niya. "Hoy! Hindi yan nakakatuwa ha! Ang sabi namin bumili kayo ng folder at anong corrupt? Pag tayo na dehado, malilintakan kayo sa-"
Anak ng. Pinatayan kami.
Umiinit ang dugo naming dalawa ni Ela sa kanila. Kung hindi ka man swertehin sa grupo, malas ka naman sa reporting. Mukhang gisado pa mamaya ah?
Bumalik kami sa upuan namin. Iniisip kung anong sasabihin sa panelists mamaya. Paniguradong hindi kami bibigyan ng pangalawang pagkakataon para ayusin at i-reschedule ang defense.
Hinawakan ni Ela ang kamay ko. Naiiyak na rin siya. "Dasal lang talaga, Kj at bawi na lang tayo sa Final exam. Kung alam ko lang na ang napaka gago ng dalawang yun, edi sana tayo na lang dalawa ang magde-defense".
Napailing ako sa kanya. "Huwag na tayo magsisihan. Ano gusto mo bang uminom mamaya?" Pag-aalok ko sa kanya. Tumango siya at pinunasan ang mga tulo ng iyak niya.
"Issa prank!"
Huh? Napalingon kaming sabay ni Ela sa narinig namin. Nandito na pala sila Victor and Mateo at ang yabang pa ng lakad nila. Mukhang success sila sa panloloko nila sa amin.
Binatawan ni Ela ang kamay ko at sinalabungan ng suntok si Victor sa abdomen. Napa-aray siya at tinawanan ni Mateo. Napatigil sa kakatawa si Mateo ng tinignan ng masama siya ni Ela.
Tumayo ako at bumawi ako ng suntok kay Mateo sa tagiliran. Muntik na siyang mapatumba sa kinakatayuan niya. Buti na lang ang nilapag niya ang laptop sa table kanina bago ko siya suntukin.
"Alam mo ba nagbabalak na kaming maglasing mamaya nang dahil sainyong dalawa?!" Pagsusungit ni Ela at kinuha ang folder na hawak ni Victor. Tumingin silang dalawa sa akin, nagtataka at nagtinginan pabalik, sabay tumawa.
"Kayo? Nagbabalak uminom, mamaya? At ano? Walang balak sabihin sa amin?" Tanong ni Mateo. I rolled my eyes, tinalikuran sila at tinulungan si Ela sa pag-aayos ng papel na ilalagay sa folder.
"At bakit namin sasabihin, ha?"
Natawa si Mateo. "Kasi ang hina niyo pa naman pag uminom". Lumapit sa amin at umupo. Nilapag ang laptop na bitbit niya.
Wow, ha. Kami mahina uminom? Pinakyuhan ko siya. Nakasimangot pa rin si Ela at si Victor iniindiyan ang sakit na suntok ni Ela.
"Tama siya, " Umupo naman si Victor sa tabi ni Mateo, hinahawakan pa rin ang sakit. "At mukhang magkakapasa ata ako sa suntok mo, Ela ha? Baka gusto mo pang dagdagan?" Sarkastikong sabi ni Victor.
![](https://img.wattpad.com/cover/223224001-288-k356937.jpg)
YOU ARE READING
When All Lies Fade
Teen FictionDein Wes Ramirez, a College PhilSCAnian student from Pasay who had have his own personal grudges to Krystal Jene Salazar, a Management student from NU-Asia Pacific College. Pero kahit sobrang sama ng loob niya, hindi niya pa rin makayanang kalimutan...