Chapter 5

120 10 1
                                    


Nagsimula na akong maglakad patungong gate ng school ng may humarang na motor sa harap ko. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang lalaking nakasakay dito.

"Sabay na tayo." Umirap ako. Pumunta ako sa gilid at nagpatuloy sa paglalakad. Nakarinig ako ng yabag ng mga paang tumatakbo.

"Ang bilis mo mag lakad, sabi ko—"

"Kyaaaahhhh!!!!"

"Nandyan na silaaa Huwaaaa!!!"

"ZurDen for the win!"

"ZurDen! ZurDen! ZurDen!"

Nagulat ako nang nasa gate na kami ng school ay sumigaw ang mga students na naghihintay sa gilid. Nagtaka ako sa sinisigaw nilang pangalan. Ano daw, Zurden? Lumingon ako sa lalaking katabi ko na pa-cool na nag lalakad. Tss feeling heartthrob, nerdy style naman. Kinalabit ko siya at tinanong.

"Anong nangyayari? Ano daw yun, Zurden? Anong ibig sabihin nun?" Medyo nilakasan ko ang boses at tumapat sa tenga niya. Ang ingay kasi ng mga students.

"Kyaahhh ang lapit ng mukha nila!"

"Kiligzz!"

Hindi ko sila pinansin at itinuon ko lang ang atensiyon kay Hidden. Tumingin siya sakin kaya nagtama ang ilong namin.

"OH MY GOSH!! LOOK!? Magki-kiss sila!"

"Kyaahhhh~"

Lumayo ako sakanya ng bahagya. Nanlalaki ang mata niya. "Hoy. Tinatanong kita, sagutin mo." Kumurap kurap siya at nag iwas ng tingin.

"Dunno."

"Kyaahhh~ ZurDen na talaga!"

Ano ba kasing ibig sabihin ng Zurden na yan?! Kainis na 'di na ako relate. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nasa gilid ko lang si Hidden. Walang imik.

Taas noo lang akong naglakad ng panay ang sulyap ng mga students sakin, i mean samin.

Nang nasa room na kami ay hindi kona pinansin ang usapan ng mga kaklase ko. Pumunta ako sa puwesto ko at ganun din ang seatmate kong si Hidden. Umupo ako at kinuha ang librong binabasa ko kahapon. Nagbabasa ako ng marinig ko ang bulungan ng nasa likuran ko. Kaya mas nilapit ko pa ang tenga ko para marinig.

"Ano ba kasing ibig sabihin ng Zurden, Zurden na yan? Curious natalaga ako ha, ang daming may alam niyan."

"Kawawa ka naman girl, nag open kaba ng Facebook kagabi?"

"Hindi eh. Sayang, nakatulog ako ng maaga e."

"Naku! Ang daming nag share nung picture nila sa Cafeteria lalo na yung comment ni Hidden sa post ni Zurich." Comment? Isa lang naman ang comment niya sa post ko, yung good night na dinilete niya.

"Talaga?! Woaah, so ano nga ibig sabihin ng Zurden?"

"Hihi, Zurich plus  Hidden equals ZurDen! 'Di ba ang ganda ng love team nila, perfect!" What!? Mixing name!?

"OMG. Pinaghalong name pala yun!"

Napasapo ako sa noo ko. Napa-frustrate na naman ako sa bagong pakulo ng mga students dito sa University na 'to! Grabe ang mga utak! Sinilip ko ang katabi ko na nakatungo sa ibabaw ng desk at nakasalampak ang earphone sa magkabilang tenga.

"CLASS LISTEN!" Nagsalita agad ang kararating lang naming prof sa PE kaya tinabig ko ang nasa tabi ko pero hindi man lang ito gumalaw. Tinangal ko ang isang earphone niya at bumulong.

"Si Prof nandyan na." Napaangat siya nang tingin at tinanggal ang isang earphone sa kabilang tenga. Namumungay pa ang mata niyang bumaling kay prof.

"Tomorrow, We will have this match game. Basketball. Walang hindi pwedeng kasali, okay?" Nagsi-angalan ang mga babae habang natutuwa ang mga lalaki sa announce ni prof about tomorrow. Wala naman akong angal dahil marunong at magaling ako sa basketball.

Ms. Perfect Meets Mr. Nerd GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon