Chapter 16

55 8 0
                                    

Habang nakaupo at nakain katabi si Joshua ay hindi maalis ang tingin ko kay Keil na mag isang nakain. Kanina pa daldal nang daldal si Joshua pero hindi ko naman siya naiintindihan.

"Hoy Zurich, pansin ko kanina mo pa tinititigan yang Mercadejas na yan, kilala mo ba?" Nagulat ako sa biglaang tanong ni Joshua kaya iniwas ko ang tingin kay Keil at nilingon siya.

"What do you mean? Wala naman akong tinitingnan." Inosenteng sabi ko saka sumubo ng kinakain.

Nanliit ang mata niya, "wag mo nga akong niloloko Zurich, kanina pa 'ko nakatingin sayo at kanina ka pa rin nakatingin sa kanya." mapaglaro siyang ngumisi pagkatapos sabihin 'yon.

Tumayo siya sa pagkakaupo at kinuha ang pagkain niya.

"Where are you going? Iiwan mo 'ko rito!?"

He chuckled.

"Wait ka lang, tatawagin kita pag okay na."

"Huh?" Hindi niya ako sinagot at naglakad na siya paalis. Nanlaki ang mata ko nung lumapit siya kay Keil. Shit what is he trying to do!

Malawak ang ngiti ni Joshua na kinakausap si Keil habang ang reaction naman ni Keil ay halatang naiinis sa presensya niya, kunot kase ang noo nito ngunit wala paring emosyon ang mukha.

Umupo sa tabi ni Keil si Joshua at bahagyang kumunot ang noo ko nung sumenyas siya sakin. Pinapalapit niya ba ako sa kanila!?

Umiling iling ako at sinamaan lang siya nang tingin. Nung mag angat ng tingin si Keil ay napansin niya ang ginagawang pag senyas sakin si Joshua at napalingon narin siya sakin kaya wala nakong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Umupo ako sa katapat nilang upuan, pareho silang nakatingin lang sakin kaya medyo na-ilang ako. Tumikhim ako at sabay silang nag iwas ng tingin saka tinuloy ang pagkain.

"Nga pala, siya si Zurich kaibigan ko, eto naman si Kiel," naputol ang pagsasalita ni Joshua nung sumabat si Keil.

"It's Keil, not Kiel."

"Sabi ko nga, haha Keil nga." Nakahawak sa batok niyang sabi, natawa ako sa reaksyon ni Joshua, agad kong kinagat ang pang ibabang labi para tigilan ang pagtawa nung nilingon ako ni Keil.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Magkaibigan ba kayo?"

"Oo naman! Kaibigan ko kaya to si Mercadejas, 'di ba pre?" Inakbayan niya pa si Keil matapos sabihin 'yon. Mukhang naiirita na si Keil kay Joshua dahil tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya.

"We're not friends, I don't need friends." Bigla nalang sumakit ang ulo ko pagkarinig ko sa sinabi niya. May bigla nalang pumasok na eksena sa utak ko, malabo ito at hindi ko makita ang mukha nila pero halatang mga bata ito, isang babae at lalaki.

"We're friends right?"

"I don't need friends."

"But I want to be your friend, I like you..."

"W-what?"

"I like you to be my friend, please please please be my friend?"

"Ah...ayoko. Wag kana ulit lumapit sakin."

"Oy Zurich ayos kalang?" para akong nagising sa isang panaginip nung biglang may tumapik sakin,"anong nangyari sayo?" tanong ni Joshua.

"W-wala..." What the hell just happened earlier? Nananaginip ba ako ng gising?

Pabagsak akong humiga sa kama ko nung makauwi ako. Hindi naalis sa isip ko ang nangyari kanina, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nangyari talaga 'yon.

Ms. Perfect Meets Mr. Nerd GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon