Althea's POV
Nakaka-bwisit! Ang sarap sapakin ng ulupong na 'yun. Ba't sa dinarami-rami ng tao sa mundo pinsan pa ni Luis ang ulupong na humalik sakin! Magka-ibang magkaiba sila ng ugali, sobra. Parang walang parehas na dugo ang dumadaloy sakanya, nakapa bastos na nga napaka hangin pa!
Pagkalabas ko nang cubicle ay pumunta ako sa sink. Naglalagay ng make up si Rich nung tumunog ang cellphone niya.
"Hello—"
"Sa wakas! Hello Luxeng!!!" Sa lakas ng boses nung tumawag sakanya ay narinig ko, natawa ako sa reaction ni Lux.
"Ouch. Masyadong malakas ang boses mo Ashleng."
"Hihi sorry! I miss you na Luxeng!"
"I miss you too. So kamusta? How's my twin?" Nasa batangas kase si Laxus, don daw niya gusto mag college kasama si Chelsea sabi samin ni Lux.
"Ahh ayos naman ako, maganda parin HAHA! Pero 'yang twinny mo problemado."
"Ha? Why? What happened?"
"Nagalit si Chels, nakita kasing may kasamang ibang babae."
"Si Zoren Laxus? May kasamang ibang babae? Wow, that's new hahaha."
"Maiba tayo, ikaw, kayo kamusta na?"
"Well, ayos lang kaming lahat may konting problem—"
"What i mean is, kamusta na kayo ni Hidden?" Natigilan ako sa narinig. Nilingon ko si Zurich na lumingon din sakin.
"Huh? Kami...w-we're fine. Going strong—"
"Kyaaahh sabi na nga ba! My god kinikilig talaga ako, sa wakas nalaman niyo na ring gusto niyo ang isa't—"
"Wait. Ano bang sinasabi mo Ashleng..."
"Kayo na diba!? Kyaaaah"
"What?! We're not. Friends lang kami ni Luis."
"Huh? Anong friends? Ano yun? Walang development?!"
Tumikhim ako bago naglakad palabas ng restroom. Hindi naman ako chismosa pero na-curious ako bigla kung ano ba talagang meron kay Hide at Rich.
Kristen's POV
"Momshieeee!!! I'm home!" Pabagsak akong umupo sa sofa at humilata.
"Good afternoon Tenten." Napangiwi ako nung tawagin ako ni manang sa palayaw ko.
"Good afternoon din po manang..hihi nasan po si Momshie?" Momshie kasi ang tawag ko sa mother ko.
"Nasa kusina kasama ang—" Napalingon ako sakanya, nakahawak siya sa kanyang bibig.
"Kasama ang?"
"A-ang bisita niyo." Tumango ako, ang weird niya ngayon.
"Kenneth! Nandito na ang ate Tenten!"
Napapikit ako at napa-buntong hininga. Kung kailan ayokong marinig ang pangalan na 'yon, 'saka ko naman naririnig.
"H-hello ate Tenten!" Nakangiti siyang lumapit sakin. Anak siya ng kapit-bahay namin, palagi siyang nandito dahil naglalaro sila nang kapatid ko. A Six years old kid.
"Hello K-ken...where's Topher?" Topher is my lil brother. Christopher Dela Cruz.
"He's in the kitchen po!"
"Oh, let's go to the kitchen then."
Pumunta kami sa kitchen at dinig ko ang malakas na tawa nang isang lalaki. Halos manlaki ang mata ko doon. That voice...I haven't heard that for a long time... Almost five months!