Busy ang lahat ng students ngayon. Syempre exam na at kailangan nilang mag-aral para tumaas ang grade. Kung noong Elementary at High School e puro chill lang kayo at wala ng review-review. Iba na ngayon sa senior high, kailangan talaga ng matinding aral para makapasa, punong puno rin ang library kaya nahihirapan ang iba sa pagiisip kung saan mag aaral ng tahimik.Kaming barkada? 'Eto nasa tambayan namin sa dulo ng garden. Kumpleto rin kami ngayon dito at nag gu-group study kami. Mas maganda kasi kung may kasama ka, para pag 'di mo alam ang isang tanong ay pwede kang humingi ng tulong.
Pero imbes na mag review itong katabi ko, ay naglalaro siya sa cellphone ko. Anong nilalaro? ML. Natatawa na lang ako dito dahil sa napa-frustrate niyang mukha.
"Putangina!" Nagulat ako nang magmura si Luis sa tabi ko kaya nakuha ng barkada ang atensyon niya.
"Hoy bro! Ano na naman 'yang minumura-mura mo dyan?" Kunot noong tanong ni Ken. Kibit balikat na ipinakita ni Luis ang phone ko sa kanila.
"Naglalaro ka Hide? Hala ka! Bakit hindi ka nag re-review?" Sabay na sabi naman ni Kris at Geisha na nagkatinginan pa. Tumingin lang si Althea samin at nagpatuloy na sa pag-aaral. Grade conscious si ateng.
"Akin na nga 'yan!" Kukuhanin ko na sana sa kanya ang cellphone ng ilayo niya ito at gamit ang isa niya pang kamay at hinuli niya ang kamay ko na ipangkukuha ko sana ng phone.
At dahil sa ginawa niya ay nahila niya ako papalapit sa kanya, natigilan ako nang biglang lumapat ang labi ko,
...sa labi niya.
Parehong nanlaki ang mata namin dahil don. Mabilis ko siyang tinulak para makalayo sa kanya, halos mawalan ako ng hininga dahil sa nangyari, sobrang lakas din ng kalabog nang dibdib ko.
Katahimikan...halos walang nagsalita sa barkada ng dahil sa nangyari. At sa mahabang katahimikan na 'yun, isang boses ang bumasag.
"Oh my God." and she's Althea who's silently studying a while ago.
Mabilis kong kinuha ang gamit ko at tumakbo papalayo sa kanila. This is a....mistake! Fuck. Dapat pala hindi ko sinubukan kuhanin 'yung cellphone sa kanya. Speaking of cellphone--hindi ko nga pala nakuha 'yung phone ko!
What to do now!? Ano iiwasan ko ba siya? Kakausapin? Nakakahiya! And, and he's my first kiss! Gosh, why so stupid Luis? Bakit mo kasi hinila ang kamay ko!
Pumunta ako sa restroom at pumasok sa isang cubicle. Napa-frustrate na umupo ako toilet bowl at napasabunot sa buhok.
"Dapat talaga hindi ko na kinuha 'yung phone ko eh..."
Siguro, hindi muna ako magiisip nang kung ano. Focus in study. Kahit ngayong week na 'to. Focus muna sa study, gosh, exam na at ngayon pa talaga nangyari ang ganito! I feel upset. Big time.
Questioned looked. 'Yan ang tingin nang barkada sa akin. They'll questioning looked.
Sino ba namang hindi maguguluhan or magtataka sa akin? Lalo na at audience namin ni Luis ang barkada. Yesterday, aksidente lang naman na nahalikan ko si Luis--nahalikan ko? No! I mean, we both accidentally kissed each other, it wasn't me.
So back to the topic. Sinong hindi maguguluhan sa inasal ko gayong kahapon lang ay halos ma-frustrate na ako tapos ngayon ay umasal ako na parang walang nangyari na nakakagulat kahapon.
I used my usual expression, my big smile, my proudly posture. Lumapit pa ako kay Luis at bumeso sakanya na nakasanayan ko na, natigilan pa nga siya ng salubungin ko siya nang ngiti. At nakita 'yon ng barkada. Kahit awkward sa feeling ko ay umarte lang ako na wala lang, parang usual lang ang ganap. Focus din ako sa study dahil bukas na ang exam.