Chapter 11

90 9 0
                                    


Isang malamig at sariwang hangin ang humampas sa aking buong katawan pagkalabas ko ng Van. Ang sarap talagang malanghap ang sariwang hangin ng dagat. I miss Batangas. Lumilipad at tumatama ang ilang hibla ng aking buhok sa mukha ko.

Napangiti ako kay Luis nang abutan niya ako ng panali sa buhok. Kinuha ko ito at itinali sa buhok ko.

Umalis na siya sa harap ko at bumalik sa Van, aayusin niya na raw kasi 'yung mga gamit namin.

Inilibot ko ang paningin hanggang sa may isang babae akong nakita na gumuguhit sa buhanginan gamit ang isang kahoy. Napangiti ako at tumakbo papalapit sa kanya.

"Ashleng!!!" Napalingon siya sa sakin dahil sa sigaw ko.

"Waaahhh Luxeng!!!"

Tumakbo na rin siya papalapit sakin at dinamba ako ng mahigpit na yakap.

"Super namiss kita Luxeng! Huhuhu 'buti at dumalaw ulit kayo dito." Lumayo na kami sa isa't isa, nakangiti rin siyang tumingin sakin.

"I miss you too, Ashleng."

"Halika! Doon tayo sa kubo ko, magkuwentuhan tayo, andami mong kailangan ikuwento sakin." Hihilahin niya na sana ako paalis pero pinigilan ko siya. "Bakit?"

"Wait lang, may kasama kasi ako, ipapakilala ko sila sayo. Mga kaibigan ko, wait me here."

"Uhm okay!"

Bumalik ako sa Van namin at lumapit kay Kris. Kinalibit ko siya sa balikat dahilan para mapalingon siya sakin.

"Bakit Rich?"

"I have someone to introduce, she's my cousin."

"Babae?"

"Yep!"

"Sige sige! Hoy G, Thea, Luis. May ipapakilala raw si Rich, pinsan niya tara puntahan natin!" Lumapit naman samin si G.

"Lalaki? Gwapo ba?" Natawa na lang ako sa kanya, kumikinang pa kasi ang mata niya.

"Babae! Haha 'wag ka ng malungkot G, maghahanap naman tayo mamaya ng lalaki! Madami dyan!"

"Talaga?"

"Oo, kaya tara na! Puntahan na natin 'yung pinsan ni Rich!'

"Hi! Ako nga pala si Ashley, pinsan ni Zurich."

"Hi, Ashley! I'm Kristen you can call me Kris."

"Geisha, G for short. Ako nga pala ang pinaka maganda saming tatlo pag wala si Zurich." Binatukan siya nina Kris at Thea dahil sa sinabi niya. "Biro lang. Nice to meet you Ash."

"Hi Ashley, I'm Althea, Thea for short. Pag pasensyahan mo na itong si G ha, may saltik kasi 'yan."

"Haha! Gusto ko nga 'yung mga katulad niya. Nice to meet you all!"

Siniko ko si Luis na tahimik lang sa tabi ko, hindi man lang nagpakilala. Nagulat kami nung sumigaw bigla si Ashleng at niyakap si Luis.

"Luan!" Damn. Agad kong hinila si Ashleng pagkakita ko sa reaction ni Luis.

"Ashleng, ito pala si Luis, best friend ko." Pagpapakilala ko kay Luis, nanlaki ang mata ni Ashleng sa sinabi ko.

"A-akala ko...sorry! Nakasalamin ka kase kaya kala ko ikaw 'yung kakilala ko sorry talaga!"

"Okay lang..."

Nakakatuwa lang na mabilis na naging close ang apat. Sa sobrang close nga nila parang mas matagal na silang magkakilala kaysa sakin.

"Nagulat talaga ako na nakauwi na si Laxus, hindi naman kasi nila sinabi na nakauwi na siya." Pagmamaktol ni Ashleng.

"Ako nga rin eh! Pagkapasok ko pa lang ba naman ng Van makikita ko na lang si crush? Kyaaahh ang lapit pa namin whahaa! Kinikilig parin ako!" Halata nga. Knikilig talaga si G sa siraulong Laxus na 'yun.

Ms. Perfect Meets Mr. Nerd GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon