"Yaya, let's go! Baka ma-late na kami sa school!" Sigaw ko kay yaya saka tumakbo na palabas ng mansion, nakabukas ang pinto nito at nakita kong nasa loob na si Laxus, ang kambal ko.
Pumasok ako sa loob at tumabi sakanya sa may backseat, nakita ko naring naglalakad si yaya papunta sa kotse kaya sinara ko ang pinto ng kotse namin. Natawa ako ng umasim ang mukha ni yaya sa ginawa ko, binuksan nya ulit ang pinto saka tumabi sakin.
"Ang kulit mo talagang bata ka, maayos na ba ang gamit mo? Ang uniform mo, patingin nga baka mamaya ay wala kang facetowel sa likod." Tumalikod ako sakanya at ipinakita ang facetowel ko sa likod
"Hindi naman po ako pagpapawisan yaya, may aircon naman sa bago kong school."
"Kahit na, mabuti nang sigurado at baka pagpawisan ka pa."
Umandar na ang kotse papuntang Valencia Elementary School. Nakabukas ang malaking gate pagdating namin sa school. Tumigil ang kotse namin sa gilid at bumaba na kami.
Hila-hila ni yaya ang bag kong may gulong at ang bag ni Laxus. Naglakad na kami papuntang classroom namin. Pagdating sa room ay pinaupo kami ni yaya sa harap, magkatabi kami ng kambal ko.
"Mag-aral kayong mabuti ha, para makakuha kayo ng star, nandon lang ako sa labas at nagbabantay sainyo."
"Star! I want star!" Masaya kong sabi.
Lumabas na si yaya at dumating narin ang teacher namin. Nagpakilala siya samin at nagkaron din kami ng introduce yourself.
Nung ako na ang magpapakilala ay nakangiti akong lumapit sa harapan.
"Hello everyone! I'm Zurich Lux Velasco, but you can call me Lux, I'm 6 years old and I like ice cream and anime and manga! I like reading and watching thank you!" Pagkatapos kong sabihin yon ay pinalakpakan nila ako.
Sumunod naman ang kapatid kong nakatungong pumunta sa harap. Mahiyain kase si Laxus at tahimik lang, ayaw niya na nagsasalita at nagagalit siya sakin pag kinakausap ko siya hmp.
"Hi. I'm Zorenn Laxus Velasco, 6 years old. I hate talking, so stop bothering me." Walang pumalakpak sa sinabi niya, maging ang teacher ay bahagyang nagulat. Pilit pa itong ngumiti saka pinaupo ang kambal ko.
Nagpatuloy ang introduce yourself hanggang sa mapansin kong parang pamilyar ang lalaking naka salamin na papunta sa harap para magpakilala.
"Uhh...hello, I'm Keilluan Mercadejas 6 years old, I like reading manga and watching anime, I don't need friends so don't befriend with me." Pumalakpak ako sa sinabi niya. Siya yung bata sa park! Si Luan!
Napatingin sakin ang lahat dahil sa ginawa kong pagpalakpak, malapad ang ngiti ko nang tingnan din ako ni Luan pero agad din niyang inalis ang tingin sakin.
"Oh, well, take your seat Keilluan. So good morning kids, kilala niyo na ang isa't isa. I hope maging magkaibigan kayong lahat dito."
Sinundan ko lang ng tingin si Luan hanggang sa makaupo siya sa dulong upuan. Lumingon siya sakin kaya nagtama ang paningin namin, ngumiti ako sakanya at kumaway pero iniwas niya lang ang tingin. Bumalik ako sa pakikinig kay teacher nung magsimula na siyang magturo.
Nung mag break time ay binigyan kami ni yaya nang pagkain. Nakita kong tahimik lang na kumakain sa dulo si Luan kaya napagpasyahan kong lapitan sana siya, friends na kami diba?
Kaso hindi pa ako nakakalapit ng tuluyan sakanya ay may tatlong batang lalaki ang lumapit sakanya. Mataba ang nasa gitna at dalawang payat sa gilid niya, matangkad silang tatlo. Kung tutuusin ay halos kasing payat lang nung dalawa si Luan, pero di hamak na mas matangkad yung tatlo.
Kumunot ang noo ko nang kunin nung mga bata yung kinakain ni Luan, nakita ko pang may inabot si Luan sakanila, nung nakuha yung inabot ni Luan ay isa isa nila siyang binatukan sa ulo saka umalis. Nagulo ang soot niyang salamin kaya inayos niya ito, tinungo niya ang ulo sa desk.