Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Pagkaupo ko sa higaan ay parang pinukpok ang ulo ko sa sakit. Napahawak nalang ako sa sentido saka minamasahe ito. Minulat ko ang mata ko at nalaman ko na nandito na ako sa kwarto ko.
"Ugh! My head hurts...masyado bang marami ang nainom ko kahapon tsk." Nakapikit ko pang sabi, natigil ako sa paghilot ng sentido dahil sa mga senaryong bigla kong naalala na ginawa ko kahapon.
"Shit! What the fuck Lux!" Napamulat ako pero biglang napasapo ako sa ulo nung maramdaman na naman ang kirot nito, napasabunot nalang ako sa buhok habang inaalala ang ginawa ko kahapon.
"Fuck. Totoo ba 'yon? Sinabi ko ba talaga 'yon sakanya? Why would I do that! I don't know him that well. Damn it." He's now my boyfriend?
Pwede ko naman siguro ipaliwanag sakanya na lasing ako, hindi ko alam ang ginawa ko, or 'di kaya ay magpanggap nalang ako na walang maalala?
Gaano ba ako kalasing para mawala sa sarili, alam ko ang ginagawa ko kahapon pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Nakakainis!
Ano nang mukhang maihaharap ko nito sa Keil na 'yan! Baka ngayon ay iniisip niyang kami na talaga, nakakahiya ka Lux! Shame on me!
Buong maghapon akong nag isip kung anong dapat kong gawin bukas kung sakaling magkita kami sa university. Hindi ko alam kung sineryoso niya ang sinabi ko pero meron sa loob loob ko na parang natutuwa. Hindi ko na alam! This is frustrating.
Pagkapasok ko sa university ay para akong ninja na palingon lingon sa paligid, sinisigurado ko lang na hindi kami magkasalubong ni Keil. Hindi pa ako handa. Nakatago ako sa isang pader habang nililibot ang paningin sa buong paligid.
"What are you doing?"
"Ay Keil!" Nagulat ako sa taong bigla nalang nagsalita sa likod ko. Agad akong napatakip sa bibig nang ma-realize ang sinabi. Nilingon ko siya at kita ko ang nakakunot niyang noo.
"L-luis...ano, kase, nag aano..." Napapikit ako sa naramdamang frustration.
"Tsk tara na, ihahatid na kita sa room mo." Hinawakan niya ako sa braso saka hinila palabas sa pinag tataguan kong pader. Nakayuko lang ako habang sumasabay sa lakad niya. Napatigil ako nung may humarang sa daraanan ko kaya napatigil din si Luis. Napasinghap ako nung maamoy ko ang familiar na pabango, nakatungo ako kaya hindi ko makita ang nasa harap ko. Nagsitaasan ang balahibo ko sa batok nung bigla niyang hawakan ang baba ko at unti-unti itong inangat.
Nasampal ko si Joshua nung mukha niya ang bumungad sakin, napa-aray pa siya at napasapo sa kanyang pisngi habang malakas na tumawa naman sa gilid ko si Luis.
"Grabe ka naman Zurich! Babatiin kalang ng good morning nananampal ka bigla!" Aniya.
"S-sorry...bakit kase 'yan ang gamit mong pabango! Hindi naman ganyan ang amoy ng pabango mo ah!" Inis na sigaw ko. Nagulat ang dalawa sa naging reaksyon ko. Huminga ako ng malalim saka sineryoso ang mukha.
Napakamot sa ulo niya si Joshua habang nakatingin kay Luis at para silang nag uusap gamit lang ang mata, nagtanguan ang dalawa bago lumipat sakin ang paningin ni Joshua.
"Ano kase Zurich, naubos 'yung pabango ko tapos ito namang pabango ko ay bigay lang, binigay kase sakin ni Keil 'yung pabango niya dahil may bago na siyang bili kahapon." Kaya ako kinabahan kanina dahil 'yon nga ang amoy ni Keil, nagulat ako sa mukha ni Joshua kanina kaya bigla ko siyang nasampal.
Hinatid ako ng dalawa sa room ko saka sila umalis at nagpunta sa sarili nilang room schedule.
Malakas akong nabuntong hininga at napasapo nalang sa noo. I'm too paranoid, nakakainis naman kasi, sana ay hindi ko talaga siya makita.