Chapter 9

74 7 0
                                    


"Hindi nga? Nakulong talaga kayo? You mean ikaw at si Hidden?" Tumango ako sa tanong ni Geisha. Nandito kami sa school garden habang kumakain at nagkukwentuhan. Lunch time ngayon at wala akong kasama kumain kaya sumama sila. Absent kasi si Nerd kaya walang parang asong sumusunod sakin.

Pero bakit nga kaya absent ang lalaking 'yun?

"Oh my god."

"Kyaaaahhhh!!!!!" Napatakip ako sa tenga nang tumili silang tatlo.

"The heck? Ba't kayo sumisigaw!?" Natahimik naman sila sa sinabi ko at nagkatinginan.

"Hihi kinikilig kasi kami sa inyong dalawa." Halata nga, kinikilig nga si Althea habang sinasabi 'yun eh.

"Hoy 'wag niyo nga asarin si Zurich," napangiti ako nang suwayin ni Kristen ang dalawa, thanks to her, "so anong nangyari? Kyaaah! Baka kiniss-an ka niya!" Nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Kristen. I thought may kakampi na ako pero mas hype pa pala siya sa dalawa.

"Walang nangyari, ahm...right! Kumanta lang kami at kumain."

"Kumanta kayo?"

"Paanong may pagkain kayong dala?"

"Prepared talaga sa pagkain?"

Napangiwi ako nang sabay sabay silang nagtanong. Gosh, so this is the feeling for having a talkative friends? Ugh, this sucks! I thought my eardrums just broke. This is so new.

"Wait, wait. Can you please stop asking about what happened yesterday? Ang malisyosa niyo kasing tatlo eh!" Napasimangot naman silang tatlo dahil sa sinabi ko.

"Damot, kwento lang e." I heard Geisha murmured. Right, she like rumors.

"Pero nagkiss ba kayo?" Sinamaan ko nang tingin si Kristen. The heck!? Why would I kiss that nerd? No! Hes not worth it to be my first kiss, mas gusto ko pa na si Jerome ang first kiss ko haha

Gosh! Baliw na yata ako kay Jerome!

Nakakapagtaka, simula nang pumasok dito si Hidden ay hindi pa siya na le-late. Pero ngayon? Grabe, super late na siya! Absent na nga siya kahapon tapos late na agad? Like what the hell 'di ba?

"I will group you by six, so magkakaroon tayo nang 5 groups sa gagawin niyong reporting about Practicum Office Internship, don't worry madali lang 'to at pag-aarala niyo 'to sa college."

"Group one. Blah blah blah......" Hindi na ako nakinig sa prof namin imbes ay palihim kong sinusulyapan si Hidden. This is new. He's so nosy before but now, he's not saying anything. Tapos nakapoker face lang siya, para bang may pinagdadaanan dahil sa lamig ng mata niya. What the hell happened to him? Kaya ba siya absent dahil may nangyari?

"So anim na lang ang hindi natatawag, obviously, sila ang magkakagrupo. Velasco, Gastelier, Alarcon, Rosete, Lath, Dela Cruz.  Sa ngayon dismiss na muna tayo, sa friday ang reporting!" Ang daming umangal sa sinabi ni prof pero hindi niya ito pinansin.

Agad na lumapit sa pwesto namin ni Hidden sina Kristen, kasama din nila ang boyfriend ni Kristen na si Kenneth.

"Kyaaah! Sis! Magkakagroup tayong anim! Ang galing!" I looked at Geisha and Althea with a frown face.

"What?" I asked.

"Magkagroup tayong anim! Ikaw, ako, si Kristen, si Kenneth, si Geisha at si Hidden! Kyaaahh this is amazing!"

"Oh, tayo pala ang magkakagrupo. Hindi kasi ako nakinig."

Pumunta kami nang cafeteria para umorder ng pagkain pero hindi naman kami doon kakain, sa garden kami kakain para tahimik.

Pasulyap sulyap lang ako kay Hidden kasi kanina pa siya tahimik, kung magsasalita man siya ay pag tinatanong lang siya. That's odd.

"Restroom lang ako." Napalingon kaming lima kay Hidden ng magsalita siya.

Ms. Perfect Meets Mr. Nerd GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon