Chapter 15

52 7 0
                                    

Nagsimula na ang first semester. Nakakalungkot lang dahil magkakaiba ang section namin. Iba iba rin naman kase ang course na pinili nila, ang kapareho kong course ay si Luis at Ken pero hindi kami naging magkaklase, sa ilang subject lang.

Si Thea at Kris ay nag BSA, si G ay biglang nag Med, malayo sa strand na pinili niya nung senior high. Kaming tatlo ni Ken at Luis ay Business add ang kinuha habang si Joshua ay Civil Engineering.

First year college, I can do this!

"I'm Zurich Lux Velasco, studying The Bachelor of Science in Business Administration, I will be the next CEO in Velasco corporation, please be nice with me." Ilang bulungan ang narinig ko at ang kinaiinis ko ay kumakalat na naman ang miss perfect na bansag sa'kin.

Sa second class pa kami magkaklase ni Luis, wala akong kilala dito at mukhang lahat sila ay gusto akong kaibiganin.

Nagulat ako nung malaman na sa isang subject ay magkakaklase kami nang barkada.

"Sino ang makakapagsabi sa akin nang buong pangalan ni Rizal? Sige Miss Cristobal."

"Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda Miss."

"Magaling! Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal Mr. Yatok." Ngiting tagumpay na umupo si Thea.

"M-miss? Ano po... Paumanhin ngunit hindi ko alam ang sagot miss." Nakatungong aniya. Kung napapansin niyo, tagalog ang salita nila dahil tagalog ang subject namin sa History.

"Hala sige upo! Miss Dela Cruz tayo!" Natatarantang tumayo si Kris."Kailan ipinanganak si Dr. Rizal!" Mabilis na nag iinit ang ulo ni Miss Caluag sa mga students na walang maisagot.

"June---"

"Tagalog!"

"Hunyo 19, 1861 Miss."

"Magaling, upo! Mr. Smith tayo! Saan siya ipinanganak!?"

"Sinong siya po ba miss?" Natawa ang iba sa inosenteng tanong ni Liam Smith.

"Aba't. Saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal!"

"Sa bayan ng Calamba sa lalawigan ng Laguna miss."

"Upo! Miss Huevos! Tulala ka na naman! Ikaw ang sumagot ng sunod kong tanong."

"P-po?"

"Anong po? Sino ang mga magulang ni Rizal?"

"Eh? Miss... si Zurich po." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni G. Ba’t nadamay ako?

"Anong si Miss Velasco? Hindi siya ina---"

"Ang ibig ko pong sabihin ay si Zurich po ang sasagot ng tanong niyo miss." Nakatungo nitong sabi. Natawa naman ang mga kaklase ko pati narin itong katabi ko. Napailing na lang ako nang tumingin sakin si Miss Caluag.

"Miss Velasco?" I stand straight with a frown face, pasimple ko namang sinamaan ng tingin si G.

"Ang kanyang ama ay si Francisco Mercado at si Teodora Alonzo naman ang kanyang ina." Uupo na sana ako nung pigilin niya ako.

"Hindi pa ako tapos magtanong, hija. Ano ang dalawang storya na pinaka sumikat ang ginawa niya?"

"Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Miss."

"Upo! Mr Gastelier, tayo! Kailan nakulong sa Fort Santiago si Rizal?"

"Ah..." He looks nervous, his head were bent down and he keep on biting his lower lips. Hindi niya alam ang sagot?

"July 6 1892." Bulong ko. Parang nagliwanag ang mukha niyang nag angat ng tingin.

"J-july---"

"Sabi ng tagalog! Tagalog ang asignatura natin!"

Ms. Perfect Meets Mr. Nerd GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon