Plagiarism
"What do you think of me? Do I look like an idiot to you? Tingin nyo sakin hindi ako nagbabasa ng works nyo, don't you dare think that I am just like your other teachers na hindi nagbabasa ng works nyo!" galit na sigaw ng English teacher namin.
Alam ko na to, mukhang may mapapalabas nanaman sa klaseng ito. Kilala si Sir na ayaw na ayaw sa mga students na walang pinapasa at lalong higit sa mga nagkokopyahan.
"Yari nanaman ang nagkopyahan na yan, hindi na natuto" bulong sakin ng katabi kong si Tristan. At tinanguan ko naman sya.
"Aba, at hindi lang isang pares ang nagkopyahan ha, dalawang pares pa! Wala kayong karapatan na mag taas noo sa klase ko!"
Alam naman ng buong klase na ayaw na ayaw ni Sir nito bakit ginagawa pa din nila. 2 weeks ng nagsisimula ang klase at alam na namin nung pangalawang araw pa lang pagkatapos namin magpasa ng assignment na ganto sya. Napapailing nalang ako sa mga kaklase ko sa lakas ng loob.
" Matitikman na nila ang katas ng batas ni Tanda, kumbaga sa mga lola may asim pa, kay Tanda may latak pa." bulong muli sakin ni Tristan.
"Chavez, Marasigan.. Tayo!" sigaw ng teacher namin.
"Ayan na, ayan na, ogag naman kasi nagkopyahan pa" si Tristan ulit
"May iba pa bang Chavez dito?" tanong ko sa kanya.
"Luh ? Syempre ako lang, di ka ba nakikinig pag nag aattendance. Bakit gusto mo din ba maging Chavez ? Wag ha, masyado pa akong bata para magpakasal, madami pa akong pangarap...." natigilan sya ng mapansing nakatingin sa kanya ang lahat.
Nakatayo na si Kevin Marasigan at nakayuko. Natigilan si Tristan.
"Mr. Chavez, baka gusto mong ako na ang humila sayo, kailan ka pa naging si Mabini at hindi ka makatayo jan sa upuan mo?"
"Luh, Sir, hindi ako nanggaya ha, never ako nanggaya sa tanang buhay ko, lalo na sa subject na ito Sir, never" tangging pakamatay ni Tristan.
Natatawa ako sa tabi nya at masama naman nya kong tiningnan.
"Ang lalakas ng loob nyong pumasok sa klase ko gayong parehong pareho ang tula nyo, ano, pareho na kayo ng utak ? Ultimo wrong spelling ginaya! At kayo din Miranda at Sandoval.
Nagulat ako ng marinig ang apelyido ko at nagtatakang napatayo.
"Kahit hindi kayo nagkopyahan ng buong tula may isang stanza kayong parehong pareho, anong tingin nyo sakin uto uto?"
"Opo" mahinang sagot ni Tristan sa tabi ko.
Hinanap ng mata ko ang isa pang pinatayo kasabay ko, bukod kay Tristan na katabi ko, at kay Kevin na nakatayo sa likod namin may isa pang nakatayo sa kabilang banda at sa may pinakadulo malapit sa pintuan.
Inalala ko ang mukha nya. Sumulyap sya sa akin ng isang beses at muling tumingin sa bintana. Parang walang pakialam.
Napasinghap ako ng maalala ang lalaking nakita ko sa tabi ng basurahan kahapon. Sya yung nagbigay sakin ng isang linya sa tula ko.
"At ikaw Mr. Sandoval kabago bago mo sa klase ko ganyan na agad ang asal mo, ewan ko ba at bakit tumatanggap pa ng late enrollee e first week pa lang ini establish na ang rules!"
Napatingin ulit ako sa kanya at nabuo ang konklusyon sa utak ko. There's no way na ginaya nya ang tula kong nabasa nya kahapon! Unfair, masama ko syang tinitigan kahit hindi naman na sya lumilingon sa akin. Hindi ko alam kung guilty ba sya o sadyang wala syang pakialam.
" Pero Sir, gawa ko po yun, nakita nya lang nama-" pinutol nya ko sa pagsasalita ko at sinabing
"Magtungo kayo mamaya sa faculty at kakausapin ko kayo. Ayoko na nasasayang oras sa klase ko dahil sa mga walang kahiyaan nyo"
Tamad na umupo si Tristan at inis na inis at bumubulong bulong pa ng mura para kay Kevin.
Samantalang ako nagpupumilit na tumingin ng masama sa lalaking iyon na para bang matatamaan sya ng patalim sa lupit ng pagkakakatitig ko.
Sumalampak lang sya sa upuan at tamad na pumangalumbaba sa arm chair nya.
"Oy ikaw, isa ka pa din naman pala kung tawa tawanan moko, nanggaya ka pa din kahit isang stanza lang yun!" humarap pa sakin tong epal na Tristan na to habang naglilitanya.
"Patay ka sakin mamaya" bulong ko sa sarili ko dahil sa inis. Manggagaya ang estrangherong yun !!!! Manggagaya !!!!
Buong klase akong nanggigigil at naiinis at wala ng naintindihan sa klase na ito. Hindi matanggal sa isip ko ang nangyari. Ang perfect kong tula nabahiran ng kapalpakan dahil sa panggagaya ng ogag na yun.
Nag lilista na ko ng mag sasabihin at gagawin sa kanya nang marinig ko ang bell, hudyat na tapos na ang klase para sa subject na ito.
"Kayong apat, abangan nyo nalang na ipatawag ko kayo sa mga klase klase nyo! Kakausapin ko kayo mamaya dahil may mga importante pa akong klase!"
At dire diretso na syang lumabas ng pinto. Nilingon ko ang estranghero para sana sugurin at komprontahin pero wala na sya sa upuan nya.
Nagmamadali akong lumabas ng classroom para tanawin sya pero wala. Natakasan ako!
Mamaya ka sa akin, di ko to palalampasin.
BINABASA MO ANG
Trapped since 2017
Teen FictionA story of the one who left but it turns out she's the one left behind.