Kabanata 7

18 0 0
                                    

Baby Boy

"Baby booooooy...."
I was shocked to see how Ms. Ria approached Kean. Para syang nakakita ng cute na bata.

"Ano ba, Ria naman e." sabay iwas nya sa kamay nito sa pisngi nya.

"Ria nanaman. Kelan mo ba ko ulit tatawagin ng Ateng ha ? O , hi.  May kasama ka nga pala. Hi, it's nice meeting you, again hehe"

Ibang iba ang atmosphere nung ininterview ko sya sa opisina nya kahapon. Mejo strict ang ambiance siguro nga dahil office hours. Ganito pala sya, jolly.

"Hi, Ma'am. I'm sorry po at maaabala ko po kayo ulit.".

"Oh, don't worry. That's ok basta request ng baby boy sa Ateng" sabay sulyap nya kay Kean na nakasalampak na sa sofa at nanunuod ng TV.

"San mo ba gusto, ok na ba na dito nalang sa sala? I wanna see Kean kasi, bihira kasi umuwi kaya susulitin ko lang" bulong sakin ni Ms. Ria.

Itinanong kong muli ang mga questions na niprepare ko para  sa kanya. She answered again. Buong interview at nakatitig sya sa kapatid nya. At ito namang si Kean nakatutok lang sa TV.

"Salamat ha, dahil sayo umuwi ulit si Kean. Wala na kaming maging dahilan para umuwi yan e." sabi ni Ms. Ria pagkatapos ng interview.

"Naku, mas salamat po sa inyo, naka abala pa po ako ulit"

"Ok lang. Kaklase mo ba sya?"

"Yes po at ka Club din"

"Buti ka pa mas madalas mo sya nakikita at nakakasama, ako kailangan ko pa magnakaw ng mga oras at tingin para makita lang sya, Carey, pakitingnan tingnan nalang sya ha. Kung pwede wag sana sya mag isa para hindi sya malungkot."

"Ok Ms. Ria" ngumiti ako sa kanya. Gusto ko sana magtanong pero natabunan ito ng hiya ko para sa sarili.

"Tapos ka na?" tanong sakin ni Kean ng makita nyang nagkukwentuhan nalang kami ng Ate nya.

"Ah, oo."

"Tara na"

"Ah, wait lang. Mama..." si Ms. Ria

Lumabas naman ang isang maganda at may katandaan ng babae.

"Naku, pasensya na at ngayon ko lang kayo naharap. Nagprepare ako ng pagkain. Iho, kain ka muna tsaka ang kasama mo" nagmadaling lumapit ang Mama nya at humalik kay Kean.

"Hindi po. Aalis na ako. Sa bahay na ako kakain."

"ah, kahit magbaon ka sana baby"-Ms. Ria

"Hindi na." at tumalikod na sya at umalis.

Nagpaalam na ako sa mag ina at sumunod na kay Kean.

"Kean,"

Lumingon sya

"Hmm?"

"Salamat ha"

Ngumiti lang sya. Sumakay na sya sa kanyang sasakyan at ganun din naman ako sa amin.

Bago ako natulog, inalala ko kung paano sya makitungo sa family nya. Ano kaya ang naging problema.

Pero ...

Tinawag syang Baby Boy ni Ms. Ria ang I find it cool. He's...... adorable. I think I like Zzzzzzzz 

Trapped since 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon