Kabanata 9

19 1 0
                                    

Safe

Pumito ang guard mula sa malayo at napatayo bigla ang lalaking nasuntok ni Kean.

Hindi ko na din naisip kung bakit nandun si Kean gayong gabi na at alam kong ako nalang ang naiwan sa office.

Lumingon sya sa akin at lumapit.

"Ayos ka lang ?"

Akmang tatakbo na ang lalaki pero hinigit ni Kean ang jersey nito at napaatras pabalik.

"Sinong duwag ang tatakas pagkatapos gumawa ng kabalastugan, Rayos?"

Mukhang binasa nya ang nakasulat sa jersey nito.

Nakita kong kumaripas na ng takbo ang dalawa pang kasama nito. Nagpipilit pumiglas ang lalaki pero nasasakal lang sya sa higpit ng hawak ni Kean sa damit nito.

"Kuya, tingnan mo binubugbog ako" sumbong ng lalaki sa guard na nasa harapan na niya.

"Talagang bubugbugin kita kung wala lang babae dito. Kuya, ikaw na po bahala dyan, pakireport nalang po sa Discipline Office"

Nakita kong binitawan nya ang lalaki at hinawakan naman ng guard. May dinial sya sa kanyang cp at tumawag.

"Yes, Tito it's me. May lalaki dito nag attempt mang rape." Mukang may kausap sya sa cellphone.

"Ako nakakita To, sinapak ko." He listened and look at me parang tinitingnan kung may pasa o sugat man ako.

"Thanks To, kayo na bahala. Ihahatid ko muna". Sagot nya at binaba ang cellphone.

"Kuya, papunta na dito ang mga pulis, ihahatid ko muna si Carey sa bahay nila".

Nagmamakaawa pa ang lalaki sa amin ngunit hinila na ako ni Kean at dinala sa parking lot. Nanginginig pa din ako sa mga pangyayari.

"Ma'am, ok ka lang?"
Nag aalalang tanong ng driver ng mapansin niyang iba ang reaksyon ko.

"Kuya, sama ako sa paghatid sa bahay nila. May nangyari lang po at ako na ang magpapaliwanag sa kanila"

Tumingin lang si Kuya sa akin na parang tinatantya ang reaksyon ko. Tumango ako sa kanya.

"Kuya, sunod ka sa sasakyan nila" kinausap ni Kean ang kanyang driver.

Pumasok kami sa sasakyan at magkatabi kami sa likod. Hindi nya binibitawan ang kamay ko. Ramdam nya pa din siguro ang kaba at nerbyos ko.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at nakaabang sa pintuan si Mommy, nag aalala kasi gabi na akong umuwi kahit nagpaalam naman.

Naunang bumaba si Kuya at lumapit kay Mom, inalalayan ako ni Kean.

"Good evening po, sinamahan ko po si Carey kasi may mga lalaki pong nagtangka sa kanya sa school at ......."

"What ? Anong nangyari sayo anak?"

Agad lumapit sakin si Mama at niyakap ako.

"As of now po, nasa presinto na daw po ang tatlo at kinakausap nila Tito"

"Yaya, call our Attorney, anak, saglit lang at tatawagan ko ang Daddy mo"

Agad nagdial si Mommy at pumasok ako sa loob ng bahay, niyaya ko si Kean at umupo kami sa sala.

"Salamat Kean"

Tumango lang sya at inabangan ang sasabihin ni Mommy. 

"Anak, your Daddy is on his way to the police station na, we should go there too"

"I'll come with you po"

"Salamat iho, pero kung nakakaabala na kami ay pwede ka ng umuwi."

"No worries po. Nasa station po ang Tito ko as of now. "

Tumango si Mommy at naglakad na kami palabas ng bahay.

Sa harap umupo si Mommy, sa likod kami ni Kean.

Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko ulit.

"I can feel your nervousness here. I will not say that you should keep calm because that's inappropriate, but please feel free to feel safe, I'm with you"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped since 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon