Kabanata 8

18 1 0
                                    

Sakit

Sandali akong nagising sa pagkakaidlip. Literal na naramdaman ko ulit ang sakit sa dibdib ko. Naalala ko na pinapatapos nga pala sakin ni Clo ang article na ito.

Nabasa ang papel ko. Naalala ko nanaman ang lahat. Totoo nga pala, literal na magkakaroon ng kirot sa puso kapag nasaktan ka ng dahil sa pag ibig.

Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagsusulat sa ngayon. Humahapdi ang mata ko, hinigop ko na ang lumamig kong kape.

Humiga ako at nagpatuloy sa pag iyak. Alam kong hindi pa to nauubos. Isang taon na pero ang sakit sakit pa. Parang kahapon lang, parang kahapon lang nya ko iniwan.

Ang sakit ng gantong pakiramdam, may masakit hindi mo alam kung paano maaalis. Kinagat ko ang unan ko para hindi marinig ang mga hikbi ko.....



"Kean, salamat nga pala sa pagsama sakin kahapon sa ate mo, pakisabi na din salamat ha" agad kong sabi sa kanya ng makita ko syang pumasok at sinundan sa kanyang upuan.

Tumango lamang sya. Ngumiti ako at umupo na ulit sa upunan.

Dahil malapit na ang competition, madalas na rin kaming ini excuse sa mga klase namin. Lagi na kaming magkakasama sa headquarters.

"Sasabay ka na mag lunch?" si Luke.

Hindi ko na namalayan ang oras.

"Mamaya na ko Luke, tatapusin ko na to" At umalis na sya.

Naramdaman kong may pumasok sa pinto. Napaangat ako ng tingin at nakita kong si Kean yung pumasok. Napatingin sya sakin.

"Hindi ka kakain?"

"Mamaya na pagkatapos, baka mawala ako sa momentum e" ngiti kong sagot sa kanya.

Umalis ulit sya. Nagpatuloy ako sa pagsusulat.

I'm at the last part of the article I am currently writing nang makita kong may nakalapag na food sa harap ko.

Napaangat ako at nakita ko si Kean na naglalakad na paupo sa upuan sa harapan ko.

"Eat your lunch, you'll produce more creative juices" he winked at me.

I just said thank you.

The day went well actually. I finished all the article.  I was so ready to sleep.
I heard a beep of my phone and saw an unknown number.

From: 09xxxxxxxxx

Hi.

Madami nakong messages na natanggap from unknown persons. Pero di ko alam kasi kinakabahan ako dito. HAHA. It's weird.

Another message arrived from the same number.

From: 09xxxxxxxxx

Good night. It's Kean.

Hindi ko alam kung anong irereply ko kaya nagmessage nalang ako.

To: 09xxxxxxxxx

Hi, Good night din. See you tomorow.

Actually, it's weird. Bakit nya ko tinext ? San nya nakuha number ko ?
It's a new number since I got a new phone. I need to return his phone nga pala.

Maaga akong pumasok kinabukasan.

Hindi ko alam kung bakit excited ako. Pagkababa ko ng kotse, narinig ko din ang pagsara ng kotse mula sa tabi ko.

"Hey" bati ni Kean.

"Hey" sagot ko din.

Hindi na kami nag usap pero sabay kaming naglakad papasok sa quarters namin. We are excused naman na sa class kaya we are allowed to go to the office directly.

It's always the same everyday. Training, editing of articles, and producing articles.

The EIC assigned me to edit one of the article because according to her she saw that I can still use creative words for a certain piece.

Naiwan ulit ako for that day.

"Care, di ka pa uuwi?" tanong sakin ng EIC, lagi kasi sya nahuhuli.

" Ah, tatapusin ko lang ito para wala nakong gagawin sa bahay"

"Ok then, I'll leave first."

Nagpatuloy ako. Nagtext na ako sa bahay na late ako makakauwi, nasa parking lot naman ang driver ko.

Narinig ko nalang na may kaluskos sa labas ng pinto.

Napatitig ako sa pinto at alam kong may kakatok na anytime.

"Hi, bukas kasi ang ilaw, mag isa ka lang?"

Bumungad sakin ang isang lalaki, nakauniform pa ng varsity team.

"Ah oo e. May tinatapos lang"

Lumingon sya labas at nagsalita.

"Oy pre, mag isa, samahan ko lang. Jan na kayo"

Biglang akong kinabahan nung pumasok na sya. Diretso lang ang tingin nya at nakangisi sa akin.

Ayoko syang husgahan pero hindi ko sya kilala kaya di ako sigurado.

Umupo sya sa harap ko.

"busy ka?"

"Ah, hindi. Patapos na" nag ayos ako ng gamit at kahit hindi po tapos nagbabalak na ko umuwi.

" Ah, teka lang. Kwentuhan muna tayo " sabay kindat nya.

Kinabahan ako. Alam kong may mali na. Natanaw ko pa ang dalawang lalaki sa labas. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa labas pero nakabihis din sila ng varsity uniform.

Tumayo na ako at agad nagdial ng numero sa phone pero bago pa yun. Tinapik nya ang kamay ko kaya tumalsik ang phone ko.

"Hala, wag ka muna umuwi, sino ba tatawagan mo?"

Nanginig ako at agad napalayo sa kanya.

Kumatok ang mga kasama nya at dumungaw.

"Pre, bilisan mo lang. Baka mamaya mag ikot na guard e. " at sinara nya na ulit ang pinto.

"Miss, saglit lang naman to. Ang ganda mo kasi. Saglit lang tas ihahatid din kita sa guard"

"Gago! Tulongggggggg!!!!!!" sigaw ko. Alam kong delikado, pero kailangan ko sumugal.

Tinakpan nya bibig ko at bumulong.

"Trip ko talaga palaban, pero wag ngayon babe, nasa school tayo baka may makarinig"

Napaiyak nako. Hindi ko na alam gagawin ko.

Nilapit nya mukha nya sakin. Napapikit ako.

"Tang ina!" napadilat ako ng may marinig akong sigaw.

Napahinga ako ng maluwag. Kumalas na ang lalaki sakin at umatras sa kabilang bahagi.

Tumingin si Kean sakin at tinitigan ako bago muling bumaling sa lalaki at sinapak ito ng malakas.

Natumba ang lalaki at napasapo sa mukha nya.

"Gago!" sabay tadyak nya sa lalaki ulit.

Trapped since 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon