Kabanata 6

24 0 0
                                    

Connection

It's been months since I started joining the team. After weeks of workshop, we are now busy preparing for our entry for schools press conference.

Binigyan ako ng task to finish a feature article about a person who also graduated in our school na ngayong malayo na ang narating ay tumutulong at nagdodonate sa school.

I interviewed her yesterday, kahapon lang kasi sya may free time kaya kahapon ko lang sya napuntahan sa office nya. Kasama ko si Luke na syang nagtake ng pictures.

Tomorrow is the deadline of this article, rush na din kasi dahil nagmamadali na kami para sa final output kaya after class dumiretso na ako sa office para magsimula ng sumulat. Naisip ko na ang concept na gagamitin ko.

Hindi ako sanay ng nagmamadali pero dahil wala rin talaga kong time kahapon dahil sa marami naming quiz kanina, ngayon ko to gagawin.

That's when I realized that my phone is missing. I went back to classroom to check on it pero wala, huli ko yung ginamit nung lunch para balikan ang record ng interview ko kay Ms. Ria. Nagtanong ako sa lost and found station. Pati sa guard. Kinapalan ko na mukha ko at nagtanong sa faculty.

Bumalik ako sa office para hanapin ulit sa bag ko. 5:00 pm na at nagsisimula na umalis ang ibang journalist at nagpapaalam na sa akin, hindi rin daw nila nakitang may dala akong phone pagkadating.

Ang mawala ang cellphone ko ay ok lang pero yung record ng interview hindi. Sure, nagtake down notes ako pero sa hiya ko sa kanya hindi ko pinapatagal ang pagsusulat at umasa sa record ko. At ngayon naiwala ko yun.

It's already 5:30 at tulad ng sinabi ko, hindi ako sanay mag cram kaya naluluha luha na ako dahil wala pa akong nasisimulan. Mag isa nalang ako sa office. Bukas ang deadline nito at wala akong pwedeng ipalusot sa EIC, she's kind pero pagdating sa deadline she's strict.

Nakayuko nalang ako sa table at kinakalma ang sarili ko ng may maramdaman akong pumasok sa pinto. Umayos ako ng upo lalo na ng makita kong si Kean pala ang pumasok.

Umupo sya sa upuan sa tapat ko at nagsimulang tingnan ang kanyang camera. Tititigan ko sana sya ng maalala ko muli ang aking problema.

Sinulat ko muna ang naisip kong pamagat at nag isip kung pano ko na sisimulan.

"You haven't written anything yet?" nagulat ako sa agad nyang pagsasalita.

Tumango lang ako.

"Ano nga ulit assignment mo?"

"Feature, para kay Ma'am Ria"

Tumango sya at tumitig sakin. Hindi ko alam pero lagi akong naiilang. Si Kean yung tipong hindi naman nagbibigay ng pansin sa paligid.  Ewan ko ba kung napapansin nya ang tingin sa kanya ng mga babae sa school na ito. Lagi syang nakaka agaw ng atensyon. Hindi ko pa din sya nakitang bumati pabalik sa mga umaagaw ng atensyon nya.

"Ah, may nakita ka bang cellphone kanina sa classroom, naiwala ko kasi" lakas loob ko ng tanong.

"You lost your phone?"

"Oo e, nandun pa naman yung record ko ng interview"

Nilabas nya ang phone nya at may tinipa roon.

"Wala ding nakakita sa mga classmates natin, nagtanong ako sa group chat"

At lalo lang akong nastress.

"Give me your number"

Binigay ko sa kanya at agad nyang tinawagan.

"Nakapatay, kelan mo huling nagamit?"

"Lunch sa cafeteria"

"Tara" sabi nya sabay tayo. 

"Saan?"

"Hindi mo pwedeng ubusin oras mo sa paghahanap ng phone, kailangan makapagsulat ka na ng article mo"

Nakatingala lang ako sa kanya at nagtataka kung ano ba ang gusto nyang mangyari.

"Ano, sasama ka ba?"

"Saan ba tayo pupunta?"

"Kay Ria"

"What?"

"Yung iinterviewhin mo. Tara na"  Dumiretso na sya at lumabas ng pinto.

"Kilala mo sya?"

Di nya ako pinansin at sumunod nalang ako kasi kailangang kailangan ko ang tulong nya kung kilala nya nga. I need his connection.

"Kuya Allen, kina Mama"

"Uuwi kayo sa mansyon Sir?"

"Hindi, may sasamahan lang ako tapos uuwi na rin ako bahay ko"

Hindi ko sya maintindihan pero nagpaalam muna ko sa kanya para magpaalam sa driver ko.

"Kuya Nolo, pacontact sa bahay, pakisabi po may pupuntahan ako para sa article ko."

"Ma'am ihahatid ko na kayo"

"Sasabay po ako sa kaklase ko e"

"Ma'am sundan ko nalang po kayo, malalagot ako kay Sir nito pag naiwala ko kayo e. Tatawag na rin po ako para alam nila kung bakit mali late ka ng uwi"

"Sige Kuya, naiwala ko phone ko e. Tell them na rin po"

Bumalik ako sa sasakyan ni Kean. Naghihintay lang sya dun habang may kausap sa phone. Iminuwestra nya lang na pumasok ako sa loob.

" Oo Ma, pero saglit lang ako. Sasamahan ko nga lang sya." sagot nya sa kausap at pumasok na din sa loob. Pareho kaming sa likod umupo.

"Just tell Ria na magready, saglit lang naman." si Kean ulit na parang naiinis na.

" Oo Ma, ayoko nga magstay, ge na, inatayin nyo nalang kami" agad nyang pinatay ang phone.

"Nasa bahay si Ria" bumaling sya sa akin.

" You know her? "

" Unfortunately, yeah"

"Sir, saglit lang nagpapabili si Ate Ria mo" singit ng driver nya at pumarada saglit.

" Ate mo sya?"

Tumango lang sya at agad nagfocus sa phone nya.

That's why. He's a Sandoval nga pala. Bakit di ko agad naisip yun.

Should I say na swerte ako kasi masisave nya ko sa problema ko o swerte ako kasi kasama ko sya ngayon ?

"Ah, eto, gamitin mo pag nag record ka na"

Inabot nya sakin ang isang cellphone

"Spare phone ko yan, madalas din akong mawalan ng phone kaya may extra ako dto sa kotse."

Ampotek, mayaman. 



Trapped since 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon