Share
"Late ka kasi kanina kaya di mo naabutan nung pinakilala sa klase yung transferee, naku Carey mas gwapo pa din naman ako dun bagong mukha lang kaya mas kapansin pansin" sabi ni Tristan pagkatapos ko syang tanungin sa bagong kaklase namin.
Kanina ko pa inaabangan ang pagbabalik nya sa classroom dahil recess time pa.
"Bwisit na Kevin na yan, takot amp, lalapit pa lang ako para kumprontahin sya, kumaripas na ng takbo ampota" himutok ni Tristan na kanina pa din nag aabang sa pagbabalik ni Kevin.
Hindi ko naman sya susunggaban o mumurahin, gusto ko lang na aminin nya kay Sir na gawa ko yung isang stanza na ginaya nya lang, isang linya lang ambag nya dun at kusa nya pang binigay, hindi naman ako nanghingi ng tulong.
"HOY KEVIN! OH ano? Tatago ka nanaman. Kupal ka , bumalik ka dito " at agad sinunggaban ni Tristan si Kevin.
" Kukuha lang pala ng ideya sa tula ko ha, nagmagandang loob na nga, kinopya mo pa, dinamay mo pa akong likat ka" gigil na sabi ni Tristan habang kunwaring sinasakal sa leeg gamit ang braso si Kevin.
Ganyan na yan si Tristan, kala mo matapang, masyadong mayabang pero malambing yan, di naman yan galit kay Kevin, siguro nainis lang pero mapagpasensya kasi yan at mapagpatawad.
Matatapos na ang recess, hindi pa rin sya bumabalik. Hanggang sa dumating na ang sunod naming teacher wala pa rin sya.
"Ma'am I'm sorry, I'm late" magalang nyang sabi sa teacher.
"Ma'am excuse daw po kay Chavez at Marasigan pinapatawag po sila sa faculty"
may estudyanteng biglang nag salita sa pintuan.Agad na tumayo si Tristan at Kevin.
"Kami lang daw ba?" tanong ni Tristan sa estudyante at tumango ito. Naglakad na palabas si Tristan ng nagtataka.
Siguro hindi na kami sabay na pintawag. Nakabalik na at lahat sina Tristan, wala pa ding tawag para samin. Napasulyap ako sa transferee na nakita kong nakatingin din sa akin. Tinitigan ko sya pabalik, pero ang mokong hindi nahiya at nakatitig pa rin.
Ako nalang ang umiwas ng tingin.Sa unang hudyat pa lang na tapos na ang klase ay agad kong pinuntahan ang transferee. Hindi naman sya nagulat na nasa harap nya ako. Hinintay ko nalang na maubos ang laman ng classroom bago magsalita.
"Bakit mo ginaya ang tula ko?" diretso kong tanong sa kanya.
"It was not my intention. Di ko alam na magkaklase pala tayo"
"Kahit pa, akin pa din yun e"
" My fault, ok I admit it" , sabi nya sabay taas ng dalawang kamay.
"Anong gagawin ko ngayon pag pinatawag ako ni Sir?! Aminin mo nalang sa kanya"
"It's fine already, I settled everything I already talked with the teacher"
" Ibig sabihin, alam nya na ang totoo?"..
"Oo, ok na. Can I go?"
"Bakit ka ba kasi nagpasa agad ng assignment, valid naman na di mo alam kasi papasok ka pa lang"
"Ginawa ko lang, ayoko maging center of attraction dahil lang wala akong maipasa"
At naglakad na sya palabas ng classroom.
Sakbit sa balikat ang bag. Lumalakad sya palayo at hindi na muling lumingon. Nagkaroon ako ng pagkakataon para mas matitigan sya mula rito.Matangkad sya, hindi sya maitim, masasabi mong moreno. Mapupungay ang mata lalo na kapag parang tamad makipag usap, pero ang pinakanapansin ko sa kanya, nung nakita ko pa lang syang nagbabasa ng tula ko sa tabi ng basurahan ay ang labi nya.
Kailanman, hindi ako nakaramdam ng gantong damdamin para sa ibang lalaki. Si Tristan na kapatid ang turing ko at syang pinakamalapit sakin ay hindi ako nakaramdam ng ganto.
Ano ba to? Inis ? Galit, hindi e. Hinangaan ko kung pano nya inamin sa teacher ang mali, paghanga sa kung paano nya ko kinausap, paghanga sa kanya, mismo.
Hindi ko alam, bata pa ko, hindi naman siguro tama ang nararamdaman ko.
Nakita kong lumingon sya pabalik . Mukang tanga pero nginitian ko sya.
BINABASA MO ANG
Trapped since 2017
Teen FictionA story of the one who left but it turns out she's the one left behind.