Kabanata 5

39 0 0
                                    

Traitor

I admit, I love literature pero hindi ko kailanman naisip na sumali sa club o organization ng kahit ano about writing, lalo na sa official publication ng school.

"Every year, nagvivisit kami sa mga rooms para mag invite ng mga aspiring journalists. You can just submit your work to the office so we can decide if you can proceed to the qualifying round, bago maging official na member. If you still have questions, you can just go directly to the office.  Thanks Sir and thank you all for listening" at umalis na ang EIC ata ng official publication. Anyway, I'm not interested.

Nag sstart na din ang pag oopen ng mga clubs at orgs. I was a member of the volleyball team pero hindi na ako pinasali pang muli ni Mommy dahil sa nangyari sakin last time. At ayoko na din lang maalala. Anyway, I've decided to just enjoy everything since it's the last year before I enter the real world. Yeah, college is a real thing to me.

It's friday, at ilang araw pa bago mapagdesisyunan ni Tristan na sumali sa swimming team since he was worried na mawalan ako ng kasama every time na may training sya. Unlike last year na busy din ako kung busy sya.

Nasa tabi nya lang ako habang nag fifill up sya ng form. And then I noticed that some are busy looking at the bulletin boards.

"Oh, I got the chance huh?" sabi ni Luke pagkatapos makita ata ang pangalan nya sa bulletin at napatingin sakin. Nagsimula syang umalis at humiwalay sa iilang taong naroroon.

"You got the chance too Carey" Luke said, he smiled and walked away.

"Nagpasa ka pala ng entry?" biglang litaw ni  Tristan sa likod ko.

"As far as I can remember, I did not"

Nauna pa si Tristan sa paglapit at agad lumingon sakin.

"May iba pa bang Carey Joshan Miranda sa school nato?"

And there I found my name. But how? I didn't even plan on passing an entry.

It's Monday and today is the scheduled qualifying round for the aspiring journalists but I don't have any plan to go.

Luke approached me and told me to go there with him. Pero tinanggihan ko dahil hindi naman talaga ko interesado.

Mas maaga akong pumasok kinabukasan. May hindi kasi ako nagawang assignment at plano kong sa school tapusin.

Pumasok ako sa classroom at akala ko ako lang ang tao ng makita ko si Kean sa upuan nya na may dalang camera at mukang may tinititigan doon.

Napaangat sya ng tingin sakin at agad ifinocus ang camera nya sakin.

Nalito ako sa gagawin at bago pa ako makapagsalita naibaba nya na ang camera at mukang tapos na akong kuhanan.

Nakanganga siguro ako dun. Di ko na tinanong kung bakit nya ko kinuhanan pwede din naman kasing nag aassume lang ako.

Umupo ako sa upuan ko at nilabas ang notebook para makapagsimula.

"Anong club mo?"

Napatingin ako sa kanya at nakafocus lang sya sa camera nya. 

"Wala e."

" You look smart for me. Academic Club? Debate team?"

" I'm not interested"

Tumango lang sya kaya naisip ko din magtanong.

" Ikaw?"

"I think I would like photojourn"

"Did you join already?"

"Sana makapasok" He smiled at me. Iniwas ko ang tingin ko at agad nagsimula sa assignment.

Nagdatingan na din naman ang mga kaklase ko since 20 minutes na lang at mag sstart na sa class.

"Care, pinapatawag ka nga pala ng EIC. Napadaan ako sa office kaya napag utusan akong ipatawag ka" sabi ni Lucy.

Sinamahan naman ako ni Tristan pero ako lang ang pumasok sa loob ng office.

"Good morning. Hindi ka nag entry kahapon?" bungad nya sa akin habang minwestra akong umupo.

"Ah, hindi kasi talaga ako sasali sana. "

"Then, bakit ka nagpasa ng entry mo?"

Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi naman talaga ako nagpasa.

"Ahm, hindi po ako nagpasa. Baka po mali lang o pangalan o kaya kagaya ko lang.

"Here, check this."

May inabot sya saking gusot na papel at tinignan ko ang nakasulat na isang essay.

Sa penmanship pa lang. Naconfirm ko na na akin nga iyon. Binasa ko ang nakasulat at naalala ko na isinulat ko lang yun out of boredom at masyado akong nainspire sa napanuod kong movie kaya nag bigay din ako ng same experience about doon.

"Pero wala akong maalala na nagpasa ako nito, at hindi ko to ginawa para dito"

"Personal kong binabasa ang entry ng mga aspirants. Actually, na disappoint ako ng may makita akong mukang naitapon na sa basurahan at pinulot lang muli. Hahaha. No offense meant ha" ngumiti sya sakin.

"Pero bilang isang writer, hindi ako nagjajudge ng article dahil lang hindi maganda ang penmanship o dahil maganda o pangit ang sinulatan, I read the content and it is really good Carey"

"Thank you"

"So, are you going to join or not?"

"I'm sorry pero di po talaga ako interested e"

"Do you have any clubs or orgs ?"

"Ah, wala pa as of now e"

"Carey, it's a good choice to join. Dito, lahat pantay pantay. See? I'm just grade 11 and I became the EIC already. Dito, you have your own ideas and creative juices na hindi pwedeng husgahan ng iba. We know poetic license very much. Haha"

"What do I need to do to officially join?" sagot ko ng sa wakas ay makapagdecide since wala din naman nga akong ibang sasalihan.

"I can excuse you for the first class since later after class igagather ko na ang official members. Actually, ayoko na sana bigyan ka ng qualifying round pero sabi ko nga fair ang lahat dito, I need to let you take it first.

Inutusan nalang ng EIC si Tristan na bumalik sa klase at ipagpaalam ako dala ang letter na galing sa kanya to excuse me.
Sumilip muna sakin sa Tristan at kumaway sya bago umalis.

Binasa ng EIC ang papel at ngumiti sakin. "Intro pa lang I know it's a good one. You're also good din pala sa editorial ha. Congratulations, see you later for the first meeting" 

Bumalik ako sa classroom at kinwento kay Tristan ang nangyari. He's so happy that I will be having an org now.

"Pano? Kita na lang tayo Care mamaya ? "

"Sige, Tristan. " ngiti lang ang sinukli sakin.

Dumiretso naman ako sa isang room na katabi ng office at nakita ko ang maraming upuan doon at mahabang mesa sa git na nito. May mga nakaupo na kaya humanap ako ng available seat.

May mga ngumiti naman sa akin. Nakita ko rin si Luke na kakarating lang.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin talaga ako kung paano ako nagka entry at paano nakarating yung papel na yun dito na malamang ay naitapon ko na nga dahil hindi ko naman kailangan ipasa para sa subject ko.

Napaangat ako ng tingin nang may umupo sa harap ko suot ang camera nya sa leeg. Nakatingin lang din sakin si Kean.

Bumalik bigla sa alaala ko na nakita ko sya na hawakan ang gusot kong papel galing sa basurahan.

Imposible pero siya nga kaya ang dahilan kung bakit ako nandito?

Iniikot na nya ang camera at kumukuha ng mga litrato sa paligid habang nakaupo. Muli nyang tinutok sakin ang camera at muli akong kinuhanan ng picture.

Nagulat ako at hindi na nakapagreact.

"Hindi ka marunong ngumiti kahit sa camera?" ngumingiti sya habang sinasabi sa akin iyon.

Trapped since 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon