Kabanata 17&18: Si Basilio at Mga Kaluluwang Naghihirap

43.7K 138 10
                                    

Kabanata 17:

Si Basilio


Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo.  Dumadaloy ang masaganang dugo.  Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat.  Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad.  Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel.  Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril.  Dinaplisan siya ng punglo sa ulo.  Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin.  Nakahinga ng maluwag si Sisa.  Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo.  At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin.  Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin.  Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng Sakristan Mayor.  Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak.  Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay.  Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio.  Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama.  Alam niyang pagdumarating ang ama tumitikim ng bugbog ang ina nito.  Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang.  Hitsa puwera ang ama.  Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot.  Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao.  Dahil sa kanyang malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa.  Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito.  Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay.  Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit.  Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan.  Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Kabanata 18:

Mga Kaluluwang Naghihirap


Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan.  Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan.  Si Pari Damaso ba?  Pari Martin o ang coordinator?  Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon.  Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo.  Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana.  Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan.  Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng Kura.  Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit.  Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento.  Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin.  Ngunit hindi niya ito marinig.  Binati niya ang mga sakristan at kawasi sa kumbento.  Hindi siya napansin ng mga ito.  Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang Pari.  Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito.  Tinanong niya ang tagapagluto, kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at ng pagkawala ng makapatid.  Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel.  Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Nangatal si Sisa.  Naumid ang labi.  Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento.  Gulong-gulo ang isip.

Ang Buod ng "Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon