Kabanata 55&56: Ang Pagkakagulo at Ang Mga Sabi at Kuro-kuro

13.7K 57 7
                                    


Kabanata 55: Ang Pagkakagulo


Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang “multong” si Pari Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…Si Tiya Isabal ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.

Tinawag ni Tiya isabel, si Padre salvi dahil sabi ng alperes ay gusto nitong magumpisal. Umalis si Padre Salvi Mula sa kanyang pinagtataguan sa may haligi. Takot na takot din si Tiya Isabel para kay Crisostomo dahil Gustong lumabas nito, ngunit ayaw nito ito mahintulutan dahil hindi pa ito nangungumpisal sa kura.

Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malaks na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag… isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.

Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Kabanata 56: Ang Mga Sabi at Kuro-kuro


Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.

Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

Ang Buod ng "Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon