Kabanata 23:
Ang Piknik
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba’t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa, akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Maria. Si Albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga .
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.
Habang hinihintay na maluto ang agahan, si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni Iday ang kumuha ng panalok. Isinalok ito. Ngunit, wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa ay dahil sa buwaya. Agad na lumundag si Elias. Sigawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. nLumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punongkahoy na tumutunghay sa batisan.
Kabanata 24:
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipinahanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan.
Sa may di–kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kay Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi at Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa Kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagkat magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang. Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kay Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa paglalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Pari Salvi. Walang sabi-sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang Kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.
Dumating naman ang apat na Sibil at ang Sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga Sibil at Sarhento ang gubat upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa Alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.
Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.
BINABASA MO ANG
Ang Buod ng "Noli Me Tangere"
ClassicsAng Buod ng “Noli Me Tangere” I'm not a writer but i just want to help myself. Di po ako ang nagbuod nito. Chapters are taken from http://kapitbisig.com/ and http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan_ng_mga_kabanata_sa_Noli_me_Tangere Gusto ko lang maka...