Kabanata 19&20: Mga Suliranin ng Isang Guro at Ang Pulong sa Tribunal

44.6K 125 34
                                    

Kabanata 19:

Mga Suliranin ng Isang Guro

Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag.  Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok.  Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.  Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.  Sang –ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay.  Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob nito kay Don Rafael.  Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo.  Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan.  Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito.  Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng Kura.  Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas.  Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang Kastila.  Pero siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang Kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang.  Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay Tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante.  Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso.  Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila para sa kanyang pansariling interes.

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo, siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo.  Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo.  Dahil sa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro.  Nang ito ay gumaling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan.  Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong Kura. Hindi na si Pari Damaso.  Nabuhayan siay ng pag-asa.  Sinikap niyang isalin sa wikang Tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang Kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas.  Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon, ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro.  Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng Tinyente Mayor.

Kabanata 20:

Ang Pulong sa Tribunal


Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan ng mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.  Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong.  May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa.  Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan.  Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda.  Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan.  Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo.  Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego.  May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na.  Tinuligsa ni Don Felipo ang Tinyente Mayor at Kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong.  Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael.  Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya.  Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos.  Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad.  Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi.  Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000.  Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito.

Sumunod na nagpananukala naman ay ang Kabesa na siyang puno ng mga matatanda.  Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng Kabesa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na tapos na ang pasya ng Kura na tungkol sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo.  Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

Ang Buod ng "Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon