Kabanata 33&34: Malayang Kaisipan at Ang Pananghalian

19.2K 84 9
                                    

Kabanata 33:

Malayang Kaisipan


Panauhin ni Ibarra si Elias.  Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya.  Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya.  Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway. Batas ng buhay ang di pagkakasundo.  Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan, pagdidiin pa ni Elias.

Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan.  Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw.  Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabinghindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo.

Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho.  Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan.  Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kanya.  Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao.  Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.

Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi.  Ang sagot ni Elias ay:Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito.  Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

Kabanata 34:

Ang Pananghalian


Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag.  Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang Alkalde.  Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang Eskribano.  Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga Prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.  Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis.  Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.

Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.  Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain.  Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.  Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra.  Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa kopa.  Nahalata ng Alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang Pari sa pagsasaring.  Walang kibo na lamang si Ibarra.  Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak ang dugo ni Ibarra.  Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib.  Pero, pinigilan siya ni Maria.  Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

Ang Buod ng "Noli Me Tangere"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon