" Andi nak, mas mabuti siguro kung dun ka muna magstay sa Merville. Malapit naman school mo dun tsaka ako na bahala sa tubig at kuryente mo buwan-buwan. " sambit ni Ninang Jessy
" Talaga Ninang? Okay sana eh kaya lang baka di ako payagan. " sagot ko naman
" Nako naman eh inayos ko na nga yung gamit mo eh. Kung gusto mo pwede ka ng lumipat bukas. " sabat ni mama.
Kahit kailan talaga hindi ko naramdamang naging parte ako ng pamilyang to. Palaging pinaparamdan sakit ni mama na parang pabigat lang ako.
Ngumiti na lamang ako at pumasok sa kwarto. Inayos ko ang iba ko pang gamit na pwedeng dalhin.
* tok *tok
Agad kong pinahiran ang luhang gustong kumawala sa aking mata.
" Pasok po " pagka bukas ng pinto ay agad bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Ninang.
" Nak, ayos kalang ba? Wag mo na masyadong intindihin yung mama mo okay? Hindi kita pababayaan. " sambit ni ninang ng nakangiti kaya tumawa nlang ako ng mahina.
" Ninang sanay na po ako don, wag po kayo mag-alala. Hindi po ako magiging pabigat at aalagaan ko po ng maayos ang bahay nyu dun. Thank you so much po Ninang " lumapit ako para yakapin siya. Sana siya nlang ang naging ina ko.
" Oh sya tapusin mo na yan at bukas ako na maghahatid sayo okay ba yun anak? " ninang.
" thank you po talaga! I don't know what to do kung wala po kayo ni papa " malungkot na sambit ko. Tanging sila lang ni papa ang may pakialam sakin.
" pagkatapos nyan magpahinga na nak. Mahaba haba byahe natin bukas. Good Night anak, uwi na si ninang " yun lamang ang sinabi nya at lumabas na ng kwarto.
Kinabukasan . . .
Nagising ako sa ingay sa loob ng aking kwarto. Nandito si mama at si Kieno, ang aking kapatid. Linalabas nila ang aking mga gamit at pinapasok naman ang gamit ni Kieno.
" Gising kana pala Andi, maligo kana at papunta na dito si Tita Jessy para sunduin at ihatid ka. " walang emosyong sabi ni Kienno. Sa tanang bubay ko, hindi ko pa naririnig na tinawag ako nitong ate.
Ringggggggg *
Papa, yun ang nakalagay sa screen ko at agad ko itong sinagot,
" Pa, I missed you! " malungkot kong sabi.
" Andi sweety, bakit hindi mo sinabi kay papa na lilipat ka sa bahay ni Jessy sa Merville? Nak naman. " alalang sabi ni papa
" Pa, this is for me naman po, tsaka para narin matuto ako mamuhay mag-isa at hindi na ako dumipende sa inyo ni Mama. " sagot ko naman
" pero naman nak wala kang kasama don. Mag-isa kalang don. Malulungkot ka tsaka sino mag-aalaga sayo dun? Sino magluluto ng pagkain mo dun? " papa
" Pa, 20 nako. Tsaka magiging okay po ako dun I promise. By the way pa, I needed to take a bath na po. Maya-maya nandito na si ninang para ihatid ako " ako
" Okay. Okay. I love you Andi, anak. Mag iingat kayo tsaka tawagan ko nalang ninang mo. " sabi ni papa. Hindi manlang ako pinasagot bago pinatay ang tawag.
Naligo na ako't nagbihis. Saktong pagkalabas ko ay nandun na si Ninang.
" Ma alis na po kami " lumapit ako sa kanya para sana magbeso kaya lang tumalikod na ito at pumasok ng bahay.
" nak, alis na tayo? " tango lang ang naisagot ko tsaka sumakay na. Sila na ang nagkarga nga gamit ko sa sasakyan.
Habang nasa byahe ay natulog muna ako. Ilang oras pa ay nakarating narin kami.
" Nak lahat nga gamit dito ay okay na tsaka pinalinis kona to kahapon. Lagi kang maglock ng pintuan okay? Tsaka tawagan moko pag may problema okay? At nga pala anak, di ako pwedeng magtagal kasi may sakit si Jessia " nagmamadaling sabi ni Ninang.
" ako na po bahala dito ninang. Don't worry po. Tsaka pakisabi po kay Jessia pagaling sya agad. Thank you po talaga ninang " nakangiting sagot ko. Hinatid ko si ninang sa labas ng bahay .
Pagkaalis niya ay agad ako bumalik sa loob at inayos ang aking mga gamit. Sakto lang ang laki ng mga bahay dito sa subdivision. May dalawang kwarto at isang isang CR, may maliit rin na sala kaya lang walang TV dito buti na ngalang ay may dala akong laptop and speaker para kahit papano hindi boring.
Padilim na ng natapos ako kaya naman nagsaing na ako at nagluto ng ulam. Buti nalang ay may mga stocks na iniwan sakin si ninang para kahit papaano hindi ako magutom rito.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagligpit at naligo para para makapagpahinga na.
I played my playlist as I closed my eyes.
Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you,
I can just look up
and know that stars are holdin' you,
holdin' you, holding you ....
Tonight 🎶Hinayaan kong pumatak ang aking mga luha hanggang sa lunurin ako ng antok.
YOU ARE READING
Lost Star
General Fiction" Mrs. Willis, we're very sorry about what happened to your husband. Kahit kami po ay nabigla sa nangyari " Sabi ni Engr. Edward. Isa sa mga kasamahan at matalik na kaibigan nga aking asawa. Kasabay ng pagguho ng aking mundo ay ang pagkawalan ko ng...