Chapter 5

6 0 0
                                    

Pagkalabas ko nga University ay agad kong nakita si Brent na nakasandal sa kanyang sasakyan.

" Brent mag KKTV pala kami, okay lang ba kung mauna kana? " nahihiyang sabi ko. Pano ba naman eh sinabi kong wag ako sunduin eh nagpumilit.

" okay " yun lamang ang sagot niya

" ingat ka Brent " masayang sabi.

" tawagin mo friends mo, sabay sila atin " nag- uumpisa nanaman si Brent sa pagiging monggoloid.

" sige na Andi, isabay mona sya para naman may service " kahit kailan talaga eh ang kakapal ng mga mukha ng kaibigan ko. Wala na kong nagawa kaya naman charan. Pinagbuksan ako nga pinto ni Brent at agad ding pumasok sa loob.

" to where? " tanong ni Brent na wala namang sumagot.

" hoy saan daw? " sigaw ko na ikinagulat naman nila

" Nako Andi sabihin mo sa Music 21 Plaza tayo. Tsaka ayoko mag salita baka maubos english ko at dumugo pa ilong ko no " natatawang sabi ni Chandee. Kahit kailan talaga loka- loka to.

" kami rin naman no " sabat ng dalawa

"Baliw! Nagtatagalog din naman yan " singhal ko.

Ilang minuto lang ay nakarating agad kami. Pagpasok namin ay agad kaming binati at binigyan ng card sapagkat kilala na kami dito.

" Oh tara! Hahaha Umorder na kayo ng foods ajah! " masiglang sigaw ni Joylyn.

Nag order nga sila ng foods at Brent naman ay tahimik na naupo sa aking tabi.

" you okay? Sabi ko mauna kana eh " pwede ng ipasok sa loob ng kabaong si Brent sa sobrang walang kabuhay buhay niyang itsura

" yeah, it's just I'm new to this place and this seems to be annoying " wala sa sariling sabi niya

" oh? Di naman kita pinilit diba? Ikaw ang nag pumulit kaya magdusa ka " singhal ko sakanya

" I didn't mean that way, it's just yo-  -   -

" Brent kanta kana bilisssss " pagpupumilit ni Nichole.

Sa aming apat, si Nichole ang pinaka tahimik. Minsan lang ito magsalita and most of the time, sya ay palaging seryoso at nawawala wala na mood. Kaya naman kailangan talaga itong intindihin at sabayan dahil bigla bigla itong nagagalit.

" No, ,no. Save me for later guys "  biglang nabuhayan si Brent. Aba malanding to! Hmmm

Kumuha ako ng slice ng pizza at nilagay iyon sa isang plate. Nilagyan ko rin ito ng crunchy fried potatoes at binigay kay Brent.

" Kainin mo yan, masarap pagkain nila dito " nakangiti kong sabi sakanya. Agad din naman nya itong tinanggap at kinain.

Nagulat ako nga bigla nya akong sinubuan kaya napanganga nalang ako.

" you should eat too. You're not eating very well. " tango lang ang naisagot ko

Pagkatapos ng ilang kanta ay saktong pagkaubos ng aming pagkain. Nagligpit na kami para umuwi. Ganyan ang tambay nga barkada. Masaya na kami kapag busog kami. Pagdating sa cashier ay binalik namin ang card para malaman kung ilan ang aming babayaran.

Bago pa magsalita si Trisha, ang cashier, ay naglagay ng limang libo si Brent doon.

" keep the change " sabi pa niya

" No, Hindi! Sayang yun Brent " giit ko.

Napasinghap naman ang aking mga kasama pati ang babae sa counter.

Hinila ako ni Brent kaya bago pa kami makalayo ang kinuha ko ang dalawang libo.

" kunin kona to ha salamatttt " sabi ko at tumakbo na. Tumawa na lamang si Trisha at Jepoy sa aking inasta.

Ibinalik ko ang Dalawang libo kay Brent.

" ayan oh. parang dalawang libo lang ang bill namin kanina eh " pagdadabog ko sakanya.

" I don't need that " pagsisinuplado niya

" bahala ka, igogroceries ko nlang to " sabi ko sa kanya at agad nilagay ang pera sa bag ko. Baka magbago isip niya eh haha

" nga pala Andi, di na kami sasabay tutal malapit nlang din naman tsaka may bihilhin pa sila jan eh. Ingat kayo! Salamat Brent!" At umalis na sila.

Hinila nanaman ako ni Brent papasok sa Max.

At yun nga kumain kami libre nya naman HAHAHA

Pagkatapos dun ay nag-grocery kami at ni centimo ay hindi nya ako panagbayad.
Pagdating ng bahay ay agad ko inayos ang aming mga dala.

Si Brent naman ay dumeretso ng banyo para maligo. Pagkatapos ko ay naghalf bath narin ako at pumasok na ng kwarto. Walang nagsalita saamin simula nong umalis ang mga kaibigan ko.

Nakaramdam nanaman ako ng bigat sa pakiramdam.

Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaang bumagsak ang butil ng aking mga luha.

Sana may taong takot na mawala ako. Sana may nagmamahal saking totoo. Sana magbago ang takbo ng buhay ko. Yun ang huling mga sana ko bago bumigat ang talukip ng aking mga mata.

Lost StarWhere stories live. Discover now