Chapter 2

10 1 0
                                    

Nagising akong namumugto at mabibigat ang talukip ng aking mga mata. Dumiretso ako sa CR para maghilamos at mag toothbrush.

Hindi ako nasanay kumain ng agahan kaya ay nagkape na lamang ako.

-   -   -   -   -

Natapos ang aking araw ng walang ginawa kundi ang maglinis ng maglinis.

Pagkatapos ko maligo ay pumasok na ako sa aking kwarto para magpahinga. Habang hinihintay ko ang aking antok ay naisipan kong tawagan si mama.

Ringggggg *

" Ma, kamu - - "

" Bat tumawag kapa? Ang sarap ng buhay namin na wala ka tsaka intindihin mo nlang buhay mo jan. Wag kana tumawag nakaka isturbo ka " talak ni mama

Napahinga nlang ako ng malalim  bago sumagot.

" sorr -  - - tot * tot * hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at agad din naman akong binabaan. Mapakla akong napatawa. Bakit ko pa nga ba sila iniisturbo eh hindi naman nila ako kailangan. Haysss.

Matutulog nanaman akong mabigat ang dibdib. Bakit nga ba ang unfair ng mundo sakin? Bakit hindi niya ako binigyan nga masayang pamilya gaya ng iba jan? Hinayaan kung isa-isang pumatak ang aking mga luha.

Sana hindi nalang naghiwalay si mama at papa. Sana masaya ako ngayon.

May iba na ring pamilya si papa sa Singapore at masaya narin sya don. Si Mama naman siguro ngayong wala na ako sa bahay eh nagsasama na sila ni Tito Carlo, ang papa ni Kieno. Mahal ni Mama at ni Tito Carlo ang isa't-isa. Nakikita ko yun sa kanilang kilos at kung paano nila alagaan ang bawat isa.

Galit si mama saakin sapagkat iniisip niyang ako ang hadlang sa kasiyahan nya. Simula ng isilang at nagkaisip ako , hindi ako nakaramdam na masaya ang pamilya ko. Lalo pa ng ipinagbuntis ni mama si Kieno. Doon nag-umpisang dumilim ang buhay ko, nung iwan ako, kami ni Papa.

Tanging kay papa ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang. Kahit ganoon ay masaya narin ako kahit papaano.

Sa sobrang bigat ng aking nararamdaman ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

-   -    -    -

Nagising ako kinabukasan na walang pagbabago. Nasanay na ako. Pagkatapos kong magtimpla nga kape ay dinala ko iyon sa labas para magpahangin. Masaya akong makakita ng mga taong naglalakad sa labas ng bahay. Bago pa lamang ako sa subdivision na yon kaya wala akong kilala.

Beep *

Jessia ,

     Ate Andi  pinapasabi pala ni mama na jan na din titira ang pinsan ko, si Brent. Jan daw sa kabilang kwarto ate. Dadating po sya bukas. Okay lang po ba ate?

* Oo naman Jes, walang problema yun. Ako ng bahala. Aalagaan ko sya dito. Paki sabi kay tita wag kamo siyang mag-alala at Salamat!🙂.

-   -    -    -

Pagkatapos kong ubusin ang aking kape ay pumasok na ako at nagsaing para sa tanghalian.

Nilinis ko ang magiging kwarto ni Brent. Si Brent ay pinsan ni Jessia. Nakilala ko rin ito dati at napakabait nito at matulungin din.

Alas singko na ng hapon nga matapos ako kaya hindi na ko nakapag tanghalian. Kinuha ko ang marinated beef sa Ref para lutuin.

Ng matapos kong lutuin ang beef steak ay agad akong kumain at nagligpit. Hinugasan ko ang aking pinagkainan at tsaka naligo.

Saktong pasok ko ng kwarto ay tumunog ang aking cellphone. Agad ko din namang sinagot ng nakitang si papa amg tumatawag.

" papa, I miss you " malungkot kong sabi

" miss na miss kana rin ni papa anak ko. Sana kung pumayag kang magbakasyon muna rito eh. Tsaka anak gustong gusto kang makilala ni Mama Amelia. Palaging ikaw ang bukang bibig niya kung ano daw ba mga hilig mo " masayang sambit ni papa

Kahit papaano eh natanggalan ang tinik sa dibdib ko. May mga tao rin palang gusto akong makilala at handa akong tanggapin.

" talaga po pa? Masaya po akong malaman yan " nakangiti kong sambit. " hayaan nyo po sa susunod na bakasyon eh pupunta na ako jan " dagdag ko pa.

" mabuti naman kung ganoon anak, magiging masaya ang Mama Amelia mo niyan " * talaga ba sweetheart, pumayag na si Andi? " rinig ko sa kabilang linya. Ramdam na ramdam ko kung gaano ka excited si tita Amelia na makilala ako. Sana katulad rin nya si mama.
" at sya nga pala anak, nakuha na ni Ninong Rico mo ang ATM Card mo at pinabigay ko narin kay Jessy para dalhin sayo jan. Mag iingat ka palagi anak. Mahal na Mahal ka namin ng Mama Amelia mo " sabi ni papa

" thank you po pa, mahal na mahal ko rin po kayo ni Tita Amelia. Ingat po kayo lagi " yun na lamang ang sinabi ko bago ko ibinaba ang tawag.

Hindi lang dahil sa kalungkutan bumibigat ang dibdib ko, bumibigat din ito sa kasiyahan dahil may mga tao parin palang tanggap at mahal ako kahit hindi naman ako kapamilya.

Hinayaan kong lunurin ako ng aking mga luha. Ramdam ko ang pagbigat ng mga talukip nga aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.

Lost StarWhere stories live. Discover now