Chapter 13

4 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng katok sa kwarto. Ngayon lang ulit ako nakauwi dito sa Merville.

Sa pagdalaw kay ninang ay wala run kaming nakuhang balita kay mama at Keino.

" sandali nandiyan na " inayos ko ang aking tali at lumabas na.

" good morning love! " bati ni Brent sakin tsaka kiniss ako sa forehead.

" good morning love " bati ko rin sa kanya.

Kahit naman mahigit isang taon na kami ni Brent. Never kami nagtabi matulog. Malaki ang respeto ni Brent sakin kaya naman kampante ako don.

" kain na tayo. I cooked your favorite buttered garlic chicken " nakangiting sabi ni Brent.

" thank you love " nilagyan ako ni Brent ng konting kanin and 2 pieces chicken. Di na kase ako masyadong nag rarice.

" so what are your plans? " pag uumpisa ni Brent.

" let's talk about it after breakfast love, okay? Eat first " saway ko sa kanya. Tumango lamang ito.

Pagkatapos namin kumain at maghugas ay lumabas kami ni Brent.

" Love. Nag - usap kami ni ninang. Ibebenta nya daw tong bahay and she's asking me kung kukunin nlang daw ba natin? What do you think? " tanong ni Brent sakin.

" I don't know, Love. It depends on you. " sagot ko

" for the near future. Do you think this would be okay? " tanong nya ulit.

" Kung sakin Love, okay na din naman kaya lang pag pinarenovate natin to kukulangin tayo sa space tsaka masyadong masikip dito." Sabi ko

" so what are your plans? Love, I don't want you to go back sa UK. You can stay here. Dodoblihin ko sahod mo don. " sabi ni Brent.

" Brent, I don't need your money. Just tell me to stay then I won't go back. Pwede din namang dito ako mag trabaho ". Paliwanag ko.

" pero ayokong magtrabaho ka. Mag-aalala lang ako. Tsaka ayokong palaging nag iisip kung anong ginagawa mo" sabi ni Brent. Naiintindihan ko naman sya it's just that, ayoko maging palamunin dito.

" Okay. Then I'll stay here. I'll do the household chores, cleaning and everything. In return, ikaw bahala sa stocks natin then we would be quits. " sabi ko kay Brent.

" okay. okay. Then I'll give you, how much do you want? 300 thousand? 500 thousand? " konti nalang talaga magagalit nako kay Brent.

" Brent, as what I've told you, I DON'T NEED YOUR MONEY " . diniinan ko ang bawat pagbigkas ko.

" Calm down love. I'm sorry okay? Ayokong magtrabaho ka kase kaya ko naman ibigay lahat ng needs mo. Ayokong napapagod ka okay? Just relax and I will spoil you with everything that I have" paliwanag nya. Bigla naman akong nanlambot. How I loved this man so much.

" you know what love? Simula ng pumasok ka sa buhay ko, andaming nagbago. You brought light to my dark world Brent. You gave me another chance to hope and to live. Thank you so much Brent. Without you, I am nothing. " tumayo ako tsaka niyakap ko si Brent.

" I should be the one thanking you love. Nang dahil sayo andami kong natutunan. Kaya thank you Anesha Diline Amadorio. I love you so much love, with all my life. I'm the most luckiest person living here on earth amd it is because I have you. "

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakayakap lang ako kay Brent. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Napaka swerte ko.

Brent' POV

Ringgg *

Agad kong sinagot ang tawag ng nakita kong papa iyon ni Andi.

" Hello pa? "

*  *  *  *

" Thank you po "

Agad kong binaba ang tawag. Natutulog si Andi sa kanyang silid. Siguro ay napagod ito sa kaiiyak kanina.

Mag aalauna ng hapon.

* tok * tok

Agad din naman binuksan ni Andi ang pinto ng kanyang kwarto.

" Love, I needed to go. May meeting akong pupuntahan. Susunduin ka ni Papu dito mamaya. May pupuntahan tayong event. Tsaka yung damit na binili ko for you to wear later. Pinaayos ko na. Dadalhin nlang mamaya. Lock the doors okay? Wag ka lalabas mg bahay at wag magbubukas ng pinto. I love you, I have to go now. " nagmamadaling sabi ko then I kissed her on her lips. Just a peck.

" okay. Take care sweety! I love you! " yun lamang at umalis na ako.

Nakarating ako sa Amplia Hotel kung saan gaganapin ang event "daw" mamaya.

" Hello pa, Good Afternoon. " bati ko kay papa ni Andi. Yes nandito talaga siya.

" kamusta si Andi Brent? " tanong nya.

"Ayun po natutulog ng umalis ako. " sagot ko

Marami pa kaming pinag usapan na kung anu - ano. Ito ang meeting na sinasabi ko.

We've been very busy the whole afternoon for the preparation. Nandon narin ang buong pamilya ko. Sila tita Jessy at Jessia at kanyang Ama. Yung papa ni Andi at si Tita Amelia, yung stepmom niya.

Si andi na lamang ang hinihintay namin at si Papu.

Lost StarWhere stories live. Discover now