Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang aking pakiramdam. Ayokong pumasok dahil wala pa naman kaming gagawin sa school.
Naghilamos ako at nagtoothbrush bago nagsaing. Naisipan kong magluto ng agahan ng sa ganon kay makakain si Brent bago umalis.
* beep
For Keeps,
Di ako papasok HAHA gala nalang tayo.
- JoylynKami dennn🤣
- ChandeeSo san tayo guys?
- AndsMalling nalang tayo mga pangit tas kain, dating gawi. See yah! 11 sharp. Bawal late.
- NicholeDi na ako nagreply at tinapos ko nalang ang aking ginagawa. Pagkaluto ng aking sinaing ay agad din akong nagprito nga hotdog at chicken.
* tok * tok
Bumungad sakit ang maamong mukha ni Brent.
" Brent kain na tayo. Kain kana muna bago pumasok " alok ko sakanya. Tumango lang sya at lumabas na.
" Hindi ka papasok? " nakakagulat naman to hahaha himala atang tama ang pagkakasambit nya ng tagalog
" Hindi eh. Wala pa namang formal class tsaka wala rin akong gana pumasok at nagyaya silang lumabas " nakangiting sagot ko.
Tumango lamang sya at tinapos ang kinakain. Pagkatapos non ay pumasok sya nga banyo para magtoothbrush. Pagakalabas niya,
" I forgot to give your card " sabay abot nya saakin ng ATM card ko
" thank you Brent " tanging nasagot ko.
" I can't drive you for I'm going to be late. I'm sorry but I promise to fetch you later. Please take care Ands , I gotta go " yun lamang ang sinabi nya at lumabas na kaya sinundan ko sya.
Nong nakasakay na syaay binaba nya ang bintana ng kanyang sasakyan.
" ingat ka Brent " at kumaway nako sa
kanya.
Nung nawala na ang sasakyan nya sa paningin ko ay agad din naman akong pumasok at nagligpit ng aming pinagkainan.Naligo narin ako at nagbihis. Sinuot ko ang regalong bigay ni Tita Amelia, ang Crop top na hanging na kulay stripes blue at white at shorts na high waist na kulay black at sandals.
Nilagay ko ang aking mga gamit sa little sling bag ko. Hinunot ko lahat ng nalasaksak at nilock ko ang mga pintuan bago lumabas. Saktong pagkalabas ko ay may taxi kaya pinara ko ito.
" mam may pasahero pa po akong ihahatid jan, kung okay po sainyo ay balikan ko nalang kayo " magalang na sabi ni Kuya Driver.
" ahh sige po. Hintayin ko nalang kayo dito " buti na lamang ay hindi kinuha ni Brent ang 2thousand kahapon hihi kahit pampamasahe lang.
Maya't maya ay bumalik din ang driver.
" kuya may dadaanan po tayo sa 7eleven malapit sa UST tsaka papahatid po kami sa Stylescapes sa Ayala "
Dinaan namin ang mga loka loka kung kaibigan at dumiretso na kami sa Ayala. Binigyan ko ng buong isang libo ang driver.
" kuya keep the change po " nakangiti kong sabi sakanya.
" maraming salamat po mam " kinamot ng driver ang kanyang ulo kaya napatawa nalang ako.
" buti sana kung ganyan palagi ano? HAHA libre lahat. Yumayaman kana ah . Magkano ba sinasahod mo sa Englisherong yun? " bungad ni Chandee. Kahit kailan talaga ang kupal nito.
" mukha ba akong yaya ni Brent? " singhal ko pabalik
" ay hindi ba? Hahaha joke lang " tawang tawa niyang sabi
" alam mo? Kung hindi lang kita mahal eh pinatapon na kita sa Ilog Pasig " pagtataray ko sakanya
" ipatapon nlang kaya natin yan? Wala namang magandang sinabi yan eh " nagulat kami sa sinagot ni Nichole lalo pa ay sobrang seryoso ng mukha nya.
" HAHAHAHA jokeeee " tawang tawa pa talaga siya. As in sya lang talaga ang nasayahan sa joke niya🥴
Binatukan naman ng dalawa kaya natawa na lamang ako hahaha. Pabago bago kase talaga mood ni Nichole, hindi mo masasabi kung seryoso ba ito oh ano kase palaging walang emosyon ang itsura.
Ilang oras kaming paikot ikot. Tingin dito, tingin doon pero wala naman atang balak mamili ang mga to haha.
" sandali ah, babalik ako agad " nagpalaam na muna ako sakanila at nagwithdraw nga konting pera. Mabuti nalang at malaki ang binibigay ni papa na pera buwan buwan.
Bumalik din agad ako sa kanila.
" Sa Cafè na tayo kumain guys. Mag aalas dos narin " sabi ko
" tara na nga kanina pa tayo ikot ng ikot eh " reklamo ni Joylyn
Pumasok na kami sa Cafè Heart Beats. Isa itong tambayan kung saan mag rerenta kayo ng isang room and oras ang bayad dito. Masasarap din mga pagkain nila dito kaya lang limited kase mostly sa sineserve nila ay sweets and syempre mga kape ahaha cafè nga diba?
Umorder kami at kumain na. Nagkape lang ako at isang slice ng chocolate cake.
Mag aalas tres narin ng natapos kami. Nagsipaalam narin sila at nagpaiwan ako para hintayin si Brent.
* * * *
YOU ARE READING
Lost Star
General Fiction" Mrs. Willis, we're very sorry about what happened to your husband. Kahit kami po ay nabigla sa nangyari " Sabi ni Engr. Edward. Isa sa mga kasamahan at matalik na kaibigan nga aking asawa. Kasabay ng pagguho ng aking mundo ay ang pagkawalan ko ng...