Chapter 7

5 1 0
                                    

Umupo ako sa bandang sulok ng kwarto nirentahan namin sa Cafè kung saan makikita ang mga ganap sa labas.

Andaming tao, lahat sila masasaya. Ako? Hanggang kailan ako magpapanggap na okay ako? Kailan ako magkakaroon ng pamilyang tanggap ako?

Sino ang magpupuna sa mga pagkukulang sa puso ko?

Hinayaan kong pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Simula nong bata pa lamang ako, walang araw na hindi pinaparamdam ni mama sakin kung gaano ako ka walang silbi sa kanya. Kung gaano ako kabobo kahit naman consistent first honor student ako. Ni hindi nga yan pumunta kahit isang beses sa mga recognitions at graduation ko. Palagi akong mag-isa. Palagi rin tinatanong sakin kung nasan yung mga magulang ko bakit ako lang? Sinasabi ko nalang na nagtatrabaho.

Hinding hindi ko malilimutan ay ang mga naging graduation ko. Alam nyu yung masakit? I was the Valedictorian, primary and secondary level. Lahat ng naging speech ko was all about the sacrifices of my parents for me "kuno". All of it was sugar coated. Praises. Ang sakit kase kailangan ko silang pagtakpan para hindi masira image nila sa iba. Ako nagsasabit ng mga medals ko sa sarili ko. But they never appreciated all of my efforts. Kahit nga magtanong kung kamusta pag-aaral ko wala eh haha.  Si papa naman, tumatawag lang kapag nangangamusta, hindi ko rin maisturbo kase may trabaho daw kaya ayun. Pero kahit kailan di ako nagtanim ng sama nga loob sa kanila. Pinilit kong intindihin ang sitwasyon ko kahit mahirap at masakit sakin. Wala din naman akong choice.

Minsan din naiisip ko parang gusto ko ng magpahinga pero naiisip ko si mama at papa. Pano sila? Minsan tinatanong ko rin sa sarili ko kung naging masaya ba sila na naging anak nila ako? Kung iniisip din ba nila ako? Kung okay ako? Kahit papano anak din naman nila ako. Kaya lang alam ko naman na walang sagot na oo sa mga katanungan ko.

Mapakla akong napatawa. Tumayo ako para maghilamos sa CR. Wrong timing wala akong dalang concealer para takpan ang namumugto kong mata. Naglagay nalang ako ng pulbo at magpapanggap nlang akong nakatulog pagdating ni Brent hahaha. Sakto naman pagkalabas ko sa Cr ay tumunog ang cellphone ko at agad din namang sinagot ng nakita kong si Brent ang tumatawag.

" Brent nandito ako sa Cafè Heart Beats. Sabihan mo nalang ang crew na mag-aassist sayo na room 107 " okay mang din ang sinagot nya tyaka binaba ang tawag.

Maya't maya pa ay may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at sinalubong ako ng lukot na mukha ni Brent.

" what happened to you? " nag aalalang tanong nya.

" ah wala to. Napuwing kase ako eh. " sabi ko na ikinatahimik nya. Tumango na lamang siya ay pinatong ang kanyang case sa maliit na kama.

" would you like us to stay here a little bit more?" Tanong nya

" depende sayo. Ako okay ako kahit san mo gusto " pilit kong ngiti sakanya.

* tok * tok

Agad tumayo si Brent para pagbuksan ang pintuan. Isa isa namang pumasok ang mga crew at nilapag ang mga pagkain sa mesa.

"Did you order this foods Brent? " tanong ko sakanya

" uhmm. You didn't eat lunch that's why you need to sit here now and we'll eat together " masyadong naman akong masunurin para sundin ang sinabi nya.

Fast forward . . .

Gabi na nong nakauwi kami ni Brent. Tumambay lang kami sa Cafè at nag-usap ng kung ano-ano. Kwinento nya sakin ang naging buhay nya sa London at yung tungkul sa kanila ni Valerie.

Si Valerie ang ex-girldfriend ni Brent. He loved her so much kaya lang mas pinili ni Val ang career niya. She wanted to enjoy her life, her career and her freedom. Feeling daw kase nya eh nasasakal sya sa relasyon nila ni Brent.

Kitang - kita sa mata ni Brent ang pangingulila at sobrang pagmamahal nya kay Valerie. Ramdam ko yun pero pilit niyang tinatanggi.

Saktong pagkalabas ko ng CR ay bumukas ang pinto sa kwarto ni Brent.

" hindi kapa ba matutulog? " tanong ko

" matuwtuwlog na rin. I'll just get some water. Good night Andi! " sabi nya ng nakangiti

" good night Brent! " yun lamang ang nasagot ko bagi isara ang kwarto. Pagkatapos ko maglotion  at maglagay ng kung ano ano pa ay nahiga na ako.

Napagod ako kanina kaya mabilis akong dinapuan ng antok. Pinikit ko ang aking mga mata hanggang sa di namalayamg nakatulog na ako.

Lost StarWhere stories live. Discover now