Brent's POV
" yan ba ang pinagmamalaki mo Brent? " nakita ko kung pano namutla ang mukha ni Andi sa sinabi ni daddy.
Hindi ito seryoso at alam kong tinatakot nya lamang ito.
" dad. This is Anesha. Angel, meet my dad " nakangiting sabi ko. Si Mum naman ay tawang tawa sa likod kaya punandidilatan ng mata ni daddy.
" Hi sir. Good afternoon po. " magalang na sagot ni Andi.
Talaga namang tinatakot sya ni daddy jusko. He looked at her from head to toe. Ang isa naman ay halatadong kinakabahan.
" Bryan tigilan mo yan, tinatakot mo ang bata " natatawang sabi ni mum.
" alam mo ma. Minsan nagtataka ako kung bakit walang dinadalang babae dito si Brent. Naisip ko baka siguro takot. Ayun nga takot talaga. Pano ba yan hija? Buntis yang anak ko papanindigan mo ba yan? " loko loko talaga si daddy. Si mum naman ay tawang tawa. Natawa narin ako.
" are you laughing at me, mister? " galit na pinandidilatan ako ni Andi kaya napatingin ang dalawa sa amin.
" No love its just that si dad kase. Daddy! Ma! Wag nga kayo tumawa " takot na saway ko.
" Tiklop din naman pala to eh! Welcome to the family hija" masayang sabi ni daddy. Natatawa pa talaga sya.
Parang nabunutan ng tinik si Andi.
" Anicita, tawagin mo nga si Brianna at kakain na. " tawag ni papa sa isa sa mga katulong.
Andi's POV
Sobtang natakot talaga ako sa Daddy ni Brent.
Nakaupo na kaming lahat sa hapag at hinihintay nalang namin ang bunsong kapatid ni Brent na babae.
" kuya, you're here " dumeretso sya at yumakap kay Brent. Kitang kita ang closeness nilang dalawa.
" Bri, this is your ate Andi. Say hi to her." Pagpapakilala ni Brent. Nawala ang ngiti nito at napalitan ng isang pilit na ngiti.
" Hi Andi " yun lamang ang sinabi nya at umupo na siya sa harapan namin.
Nag umpisa na nga kaming kumain at walang may gustong magsalit ni isa saamin.
" so Andi, how was your OJT in UK? " tanong ng daddy ni Brent.
" It was great tito. Actually, they wanted me to come back as soon as possible for the promotion. " proud na proud kong sagot.
" really? That was indeed great. So when are you coming back? Are you staying here longer? " si tita naman ang sumagot.
" I don't know ma. Brent and I still haven't talk about it " sagot kopa.
Bigla namang tumayo si Brent.
" I'm done. Please excuse me" tatayo na sana ako para sundan sya ng pigilan ako ni Tito.
" sit down Andi, stay " tango lamang ang naisagot ko.
" since mama na rin lang ang tawag mo kay Athena. Papa narin ang itawag mo sakin. " dagdag pa ni tito kaya tumango lang ako.
" Nako, ganyan talaga yan si Brent. Ayaw nun na bumalik ka pa sa UK. " sabi ni mama Athena
" and besides, we have a big company here. Why won't you work with Brent? " sabi ni Papa.
" with all due respect po ayoko po na sakin nalang umikot ang mundo ni Brent. Kailangan po sya ng company nyo and kapag nandon po ako ay hindi po makakapag focus yun. Alam mo ma, pa, masyadong OA yang anak nyu eh. Ayaw nga ako pag trabahuhin nyan. Mabilis akong tatanda sa ginagawa nya " sagot ko naman na ikinatawa nila
" may point kadin naman hija. Pero depende parin yan sainyo. Pag usapan nyo nalang ng maayos okay? " sabi ni mama Athena.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa living room at marami pa kaming pinag usapan. Si Brianna naman ay dumeretso sa kwarto nya. Hindi sya masyadong nagsasalita at parang takot sa tao or ayaw lang talaga sakin?
" nga pala Andi, thank you sa desserts. Paborito ni Brianna yun. " nakangiting sabi ni tita.
" hayaan nyo po pag bumalik ako dito bibili ulit ako " sagot kopa.
Lumabas si Brent sa kwarto ni Brianna na may dalang maliit na box.
" love, pinapabigay ni Brianna. She was thanking you about the pastries you bought " sabay abot nya sakin ng box. Ng nakita ako ni Brianna na tumingin sa kwarto nya ay agad itong nagsara ng pinto.
" pakisabi kay Brianna thank you so much " nakangiting sabi ko.
" nako pagpasensyahan mona si Brianna. Di sanay sa tao yan eh " sabi ni papa ni Brent.
" okay lang po pa" ako
Maya't maya ay nagpaalam narin kami ni Brent sapagkat dadaan pa kami kay ninang para mangamusta.
YOU ARE READING
Lost Star
General Fiction" Mrs. Willis, we're very sorry about what happened to your husband. Kahit kami po ay nabigla sa nangyari " Sabi ni Engr. Edward. Isa sa mga kasamahan at matalik na kaibigan nga aking asawa. Kasabay ng pagguho ng aking mundo ay ang pagkawalan ko ng...