Chapter 3

7 1 0
                                    

Maaga akong nagising sapagkat ay ngayon darating si Brent. Naghilamos ako at sinikap na takpan nga concealer cream ang namumugto kong mata.

Nagsaing ako at nagluto ng scrambled eggs  hotdog at bacon. Dito kase mag-aagahan sila Ninang Jessy, Jessia at Brent.

Maya't maya pa ay narinig ko ang busina sa labas nga bahay kaya agad akong lumabas at sinalubong si Ninang.

" magandang umaga po Ninang, Jessia at Brent " bati ko ng nakangiti. Sinuklian din nila ito ng pagbati at pagbeso. " Jessia, dalaga kana ah " sambit ko sa dalagang nasa harapan ko.

" ikaw talaga ate, hindi naman pwedeng bumata tayo ng bumata eh " pabirong sabi nya. Ginulo ko na lamang ang buhok niya tsaka tumawa.

Dumiretso na kami sa loob at pagkatapos nilang ayusin ang gamit ni Brent ay tinawag kona sila para kumain.

" sya nga pala anak, magkakilala naman na kayo ni Brent. Ikaw na bahala sakanya dito nak ah? Tsaka pag may problema tawagan nyu lang ako " sabi ni tita sa gitna ng almusal.

" it's okay tita. You don't have to worry about us. I'll start working na po Tomorrow " sagot ni Brent

" oo nga naman po tsaka may pasok rin po ako bukas " dagdag ko pa

Pagkatapos namin kumain ay agad din namang nagpaalam sila tita kase kailangan pa nilang bumalik sa school ni Jessia para kumuha ng schedule.

Naiwan kami ni Brent na medyo may hiyaan pa sa isa't-isa. Tumayo si Brent  at niligpit ang aming pinagkainan.

" ah Brent. Lagay mona jan. Magbihis kana muna tsaka magpahinga. Alam kong pagod ka sa biyahe. " sabi ko habang kinukuha sakanya ang mga pinagkainan.

" Is it okay with you Ands? Pwede ko ring gawin naman " natatawa ako sa pagkakasabi ni Brent. Hindi pa kasi sya sanay talaga magtagalog kahit na palagi naman syang umuuwi dito para magbakasyon.

Sa London lumaki at nanirahan si Brent at doon na rin nag-aral. Natuto siyang magtagalog sapagkat ilang beses sa isang taon yan kung umuwi dito sa maynila sa kadahilanang nandito ang kanyang pamilya. At madami silang negosyo. Ang tanging kasama niya sa London ay ang kapatid ng kanyang ama.

" yup " yun lamang ang sinagot ko at nag thumbs up sakanya. Tumango lang sya at tumalikod na.

Pagkatapos kong maghugas ay kinatok ko si Brent at agad naman nitong binuksan ang pinto ng kanyang silid.

" Brent? Anong gusto mo for lunch? " tanong ko

" I'm still full. And I already ate breakfast. Ayaw na tanghalian siguro ako " nag aalinlangang sabi niya.

" Hahahaha wag kana ngang magtagalog hindi naman bagay sayo hahaha at sure ka ba kase para di na ako magluto  " natatawang sabi ko

" yeah, yeah " sabi niya. Tawa lamang ang naisagot ko at pumasok na ako nga kwarto.

Inayos ko ang aking gamit para hindi na ako mahirapan kinabukasan.

Bandang alas tres ay nagtimpla ako ng kape at lumabas para magpahangin. Tahimik kase sa ganitong oras dito.

" this place is really peaceful " nagulat ako sa biglang pagsulpot nya. Umupo sya sa bandang  gilid ko

" uhmm, natutulog ang mga tao kaya ganon. Nga pala saan ka ba magtatrabaho? " sabi ko

" Willis Corporation? " natatawang sabi nya.

" ay oo nga pala may kompanya pala kayo pero bat dito mo naisipang manirahan like, pwede ka namang bumili nga
condo. Di naman sa ano ah. Pero iba ang buhay dito " sabi

" you know what? Ever since, I grew up having everything. Just one call away and there would be a lot of nannies attending my needs in which I hated as I grew up. Gusto nga ni Mommy I will stay in the house malapit sa company but I preferred  here. More Convenient for me. What about you? " balik tanong nya sakin

" ako? I don't know either. Nandito siguro ako coz no one wants me. Only Ninang cares. Sya nga pala ano gusto mong ulam? " agad kong pag- iba ng topic kase naman ayokong umiyak sa harap nya. Ganon ako kababaw.

" change topic, hmm. I'll spare you this time. By the way gusto ako luto later, what do you want? " natatawa talaga ako every time nagtatagalog sya HAHAHA para syang ugol😂

" HAHAHA pwede ba Brent, just speak in english nalang, para kang baliw eh " natatawang sabi ko

" you really find my tagalog funny huh? " galit na sabi nya kaya bigla akong natahimik

" hindi naman kase yun. Dapat kase * gusto ko, ako magluluto later * "

-   -   -  -

Padilim na ng pumasok kami ni Brent. Tawang tawa ako sakanya. Para siyang timang. Ang taas ng confidence eh mali-mali naman ang tagalog.

At gaya nga ng sinabi niya siya ang nagluto ng pagkain namin. At shemayyy! Ang sarap nya este ang sarap nyang magluto.

Hanggang sa natapos na akong magligpit ay agad kaming nagsipasok sa aming mga kwarto sapagkat may pasok na kinabukasan.

Pagkahiga ko ay dinalaw agad ako ng antok.

Lost StarWhere stories live. Discover now