CHAPTER 14

3K 54 2
                                    

MATTEO's POV~

2 YEARS AGO 🌸

"You know matteo you already have own house, own car but look your getting too old but you still not married! my gosh"

Pangungutya ni shane, isa syang model ng isang maliit na company at ako ang Photographer nya 25 years old na sya at may asawa na pero maganda padin ang katawan nya hindi halatang may 2 nang anak.

Dalawang taon na ang nakakalipas mag mula nung layuan ko sila liza.
Hanggang ngayun wala padin akong girlfriend, si shane ang lagi kong sandala nung mga panahon na sobrang stressed ako hindi ako umuwi sa magulang ko, gusto ko mag pakalayo layo kaya ito ngayun nandito ako sa cebu at nag trabaho bilang Photographer padin ng model kahit mababa ang sahod ay nakaipon ako para makabili ng bahay at sasakyan ulit dahil hindi ko dinala ang kotse ko na nasa manila ay naisip ko bumili muli ng bago na galing sa dalawang taon kong naipon, sa totoo lang madami akong pera sa banko pero hindi ko ginagalaw iyun gusto ko maging busy at maituon ang atensyon ko sa trabaho kaya ang ginawa ko ay nag kunwaring mahirap pero si shane alam ang buhay ko dahil halos bestfriend ko na sya, sya at ang asawa nya ang tumulong sakin dati nung mapadpad ako dito sa cebu at ngayun ay may sarili na akong bahay dito sa cebu.

Binabalak ko ngayung taon na bumalik sa manila at bisitahin sila mommy dahil mula ng mapunta ako dit9 ay hindi ko na sila nakausap dahil tinapon ako ang cellphone ko pati na ang laptop ko na may mga contact sa manila at sa lahat ng nakakakilala sakin.

Sinadya ko iyun para hindi ako mahirapan sa pag layo ko, pero mahirap padin lalo na pag napapanuod ko si Liza sa TV at balita ko engaged na sya kay Prince Wiston at sa manila na sila naniniharan, sobrang sakit para akong tinusok ng libong karayom ng makita ko ang kamay nya na may singsing at ipalabas sa TV na engaged na sila.

Nabalitaan korin na may anak na ai fei at si lan ay kakakasal pa lang.
Si kenjie at keneth ay wala akong balita dahil hindi naman sila sikat, pero si Shaun ay sobrang ganda na ng career nya sobrang sikat nya na at kita ko pa sa TV ay may concert sya sa Mall Of Asia.

Si Liza padin ang laman ng isip at puso ko kahit na busy ako, hindi ko maiwasang isipin sya lalo na pag may shoots kami naiisip ko yung mga araw na sya pa ang kinukuhanan ko ng litrato, Yung matatamis nyang ngiti at mga nakakabaliw nyang galaw.
Pero nawala iyun sa kasalanang pinag sisihan ko ng sobra.

"Hoy lutang ka nanaman si liza nanaman iniisip mo"

Natauhan ako ng itulak ako ni shane.

"Ano ba kasi yun, uuwi na nga ako dahil balak ko bumisita sa parents ko"

Paalam ko kay shane.
Nandito ako ngayun sa bahay nya Birthday kasi ng Asawa nya at inimbitahan ako ng asawa nya kaya hindi naman na ako nakatanggi, napainum ng kaunti at ngayun ay 7:00 na ng gabi.

"Nice, miss mo na si liza no?"
Pang aasar nya ni shane.

"Oo miss ko sya araw araw, at pwedi ba hindi sya ang pupuntahan ko alam mo namang engaged na sya eh"

Asar kong sabi.

"Engaged palang naman hindi pa naman kasal, at kasabihan nga nila asawa nga naaagaw girlfriend o fiance pa kaya?"

MY PHOTOGRAPHER (My first story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon