Chapter 17

6.3K 234 0
                                        

"Just take your seat"

     Sabi ng teacher namin na pareho nung una ay boar din. Naglakad na ako patungo sa upuan ko I mean upan pala ni Elaine noon. Nakita kong may paa sa dadaanan ko sana.

'May plano ata itong mapahiya ako ah. Tingnan lang natin'

    Makinis sana ang paa niya kaya lang goodbye. Blo-blockingan mo pa ako eh. I stepped on her foot. Sinigurado kong malakas ang pagkatapak ko.

"Aray!"
 
"What happened Miss Gordon?"

    Napangisi na lang ako at umupo sa upuan ko. Tiningnan naman ako ng masama nung bruha. Akala niya huh.

"She just stepped on my foot!"

   Agad niya naman akong itinuro. Nakita kong papalapit na ang boar sa'kin.

"Is it right Miss Cayne?"

"Hindi po"

 "At talagang-----"

    Hindi naman natapos ang pagsalita sa babaeng yun dahil sa nagagalit na ang boar. Patay tayo niyan. Tumingin ito ng masama sa babae at nakita ko ang pagkatakot nito.

"Enough with it Miss Gordon! Go to the detention room right now!"

    Nangsinghapan ang mga tao dito sa room. Habang ako ay chill lang na nanood sa kanila. Sobrang samang tumingin ang babae sa'kin na ikinangisi ko lang. Padabog itong umalis at lumabas ng classroom. Sumunod naman sa kanya si Madam boar.

    Nag-ingay naman ang lahat ng mga tao dito. Ganito talaga pag walang teacher.

"Hoy! Nakita namin na ikaw ang tumapak sa paa ni Shasha!"

     Dalawang babae ang nasa harapan ko ngayon. Chill ko lang silang tinignan at ipinatong ang paa ko sa mesa ko.

"And so?"

"Waaaaahhhhhhhhh!!!!! Idol ka na namin!"

"Tama si Mea! Nakakairita kasi ang babaeng yun dito"

   Akala ko pa naman bagong gulo na. Pinagitnaan ako ng dalawa at sobrang kulit pala nito.

'Gulo na nga ito'

"Ako nga pala si Mea Demetrio"

   Sabi ng naka lugay na buhok na color blue.

"She's actually my sister Miss. By the way, I'm Allissa Demetrio"

    The girl with a red colored hair said. Nakakatawa noh para silang watawat ng Pilipinas dagdagan mo pa ang suot kong Yellow na T-shirt. Yeah perfect combination haha.

"Yazna"

    They suddenly change their seats at lumipat ito sa pwesto ko. Ghad! Kailan ba tatahimik ang buhay ko? Tumayo ako pati din sila ay tumayo.

"Mag C-CR lang ako"

"Sama kami!"

     Sabay nilang sabi at blangko ko silang tinignan. Napailing na lang ako at lumabas ng classroom habang sila ay sumunod naman sa'kin.

  

Ain't NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon