Hinatid ako ni Zarferey sa classroom ko. He bid goodbye at ngumiti lang ako sa kanya. Pumasok na ako sa room ko, pero sa pagpasok ko ay sobrang tahimik ng paligid.
'Mukhang napaaga ata ako ah'
Nagkibit-balikat ako at napansin ko ang isang lalaki na nakahood sa bandang unahan. Kung ako ang panghulihan na katabi nila Mea at Allissa. Siya naman ay ka row ko pero malayo mula sa pinagmulan ko. Nakapatong ang ulo nito sa mesa niya at mukhang natutulog. Hindi ko na lang pinansin at tumingala na lang ako sa buwan na nasa kalangitan. The moon is so peaceful and it also shines so bright.
'It's beautiful'
"Yes, it's really beautiful"
Nagulat ako ng may nagsabi nun lumingon-lingon ako sa paligid pero wala namang tao sa tabi ko. Tsaka kita ko din na natutulog pa din yung lalaki. Gaga minumulto na ata ako eh.
Nagdatingan na ang mga kaklase ko. Nagulat nga silang Mea at Allissa nang makita nila ako.
"Waaaahhhh!!! Yaznaaaaa! Namiss ka talaga namin ng sobra!"
"Tama si Allissa! Dapat ililibre mo kami huh"
Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Wala akong budget"
"Sigeeee naaaa"
Sigaw nilang dalawa kaya napa 'oo' na lang ako sa kanila dahil sa kakulitan. Inayos ng mga kaklase ko ang pagkakaupo nila pati na din sila Mea at Allissa dahil sa biglaang pagpasok ng boar.May idinikit ito sa wall katabi ng whiteboard at umalis na siya pagkatapos. Dali-dali namang nagtungo dun ang mga kaklase ko.
"Anong meron?"
"May magical festival na magaganap dito sa school"
Sabi ni Mea na ikinatango ko lang. Napatingin naman ako kay Allissa dahil sa biglaan niyang paghampas niya ng mahina sa braso ko.
"Tsaka excited na ulit ako makakita ng maraming fireworks kapag 12 midnight na! Ito ang pinakahihintay ko eh"
Naguguluhan ko silang tiningnan.
"Basta! Masaya yun! Tsaka wag mong kalimutan yung libre mo sa'min ahhh. Sa festival mo na lang kami ililibre"
"Nauubos budget ko sa inyo eh. May mana din naman kayo ah"
Imbes na sagutin ako ay kumindat lang ang mga ito sa'kin. Langya! Magiging pulubi na ako pag nagkataon na wala na akong mana hayst.Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin nalang sa mga kaklase ko na nagkukulitan at nagpaplano para sa festival. Wala akong planong pumunta diyan. Mauubos lang ang mana ko diyan. Tsk.
Lumabas na lang ako dahil wala namang teacher na pumasok eh. Naglakad-lakad lang ako ng mahagip ng mata ko ang hallway papuntang Grazia ng may maalala ako.
Nararamdaman ko na may presensiya na sumusunod sa'kin. I was about to turn my head nang may biglang umakbay sa'kin. Napatingala ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya sa'kin.
Ngumiti na lang din ako ng pabalik sa kanya at narinig ko na may sumabog na pader na nanggagaling sa likuran namin pero hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko ang braso niyang nakaakbay sa'kin and slowly breaking his muscles.
"Aray! Aray! Yazna! Ang sakit!"
"May paakbay-akbay ka pang nalalaman hayop ka!"
"A-Aray! Sorry na Yazna. Please bitaw"
Pagmamakaawa niya sa'kin kaya agad ko namang binitawan.
"Ano bang ginagawa mo dito Zarferey?"
"Galing ako sa pagbabantay ng gate ng makita kita dito kaya sinadya kong gulatin ka sana. Kaso epic fail, hindi ka pala matakutin haha"
"Ewan ko sa'yo"
I ignored him at nagpatuloy sa paglalakad pero hindi patungo sa Grazia."May alam akong lugar kung saan pampawala ng stress"
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. I just gave him a questioned look.
"Take my hand at dadalhin kita doon"
He lend his hand for me while he was smiling so sweetly. Kung isa mang lang akong ordinaryong babae ay malamang nahuhulog na ako sa lalaking ito. Mabulaklak masyado eh. Padabog akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Pumasok kami sa portal at pagmulat ko ay narito kami sa isang malaparaisong lugar. A lot of flowers na may iba't-ibang kulay, marami ding butterflies dito.
"Pretty right?"
Tumango-tango lang ako at tumingin sa kanya.
"Not bad"
Maya-maya ay unti-unting may lumapit sa'kin na mga paru-paro. Hanggang sa dumami sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/223692395-288-k641175.jpg)
BINABASA MO ANG
Ain't Nobody
FantasyYazna came from the mortal world and found herself in a world that everything is IMPOSSIBLE. In a world where she accepts her true fate. She thought by herself that she's NOBODY but she make her world realize that she AIN'T NOBODY. A girl who posses...