Chapter 13

6.2K 234 0
                                    

Madaming tao ang nagkukumpulan at nagsisigawan dito sa battle field. Ngayon kasi magsisimula lahat. For us beginners ay maglaban-laban muna kami na taga low class tapos kung sino ang mananalo ay ilalaban sa taga E Class. Ganito kasi yan, Z Class is the highest class then X class ay 2nd of the highest class tapos ay Class S ay ang pumapangatlo kasunod ay ang E ang ikaapat lastly is us, the lowest class.

 Kapag napabagsak mo kung sino ang nakakalaban mo sa sumusunod na class it means lelevel up ka na. Tsaka gusto ko ding makamit ang highest class 1M mana ang makakuha mo. Akalain mo yun sobrang yaman ko na hahaha.

"Good evening everyone! So now is the night that we're waiting for! The Battle Field"

   Sigaw ng Emcee sa mic at naghiyawan naman ang lahat ng taga Lowest Class.

"So, the rule in this battle is only use your weapon. Show your skill in fighting. Una ay kapag naglaban ang dalawang beginners kung sino ang mananalo ay pupunta sa next level"

  Biglang may lumabas na puti na usok at lumabas dun ang isang babae na mukhang rakista.

"She's Elaine from E class. Whoever wins will fight Elaine at the next level"

   Maraming naghiyawan at maraming nagsabi ng boo. Umalis na ang babae at umupo sa tabi para manood kung sino ang manalo.

"Whoever will defeat Elaine will replace her place and she will go back in the lowest class"

  Lumingon ako sa bandang kaliwa ko and there I saw Divina who is smirking at me.

'May paganyan-ganyan ka pa ha tingnan lang natin'

"So let us call Divina Mondragon and Yazna Cayne!"

    Narinig ko ang maraming nag che-cheer kay Divina. Marami naman ang nag boo sa'kin iilan lang ang nag-cheer kadalasan ay lalaki.

   Umakyat na ako sa battle ground pati na rin siya.

"So, ready to lose dorky?"

    I just grin at her.

"I ain't gonna lose my dear "

   She rolled her eyes at nag ready sa sarili niya. Nakita kong inilabas niya ang weapon niya na bola na may spikes. Habang ako naman ay inilabas ang libro ko.

"Haha you think matatalo mo ako sa isang libro lang? You kidding right? Hahaha"

   Nagsitawanan naman ang mga tao dito sa paligid. I summoned my escalibur. Bumukas ito at kinuha ang escalibur ko. I saw their reaction and they were shock especially Divina.

"Let the battle begin!"

   Naghiyawan ulit ang mga tao sa paligid. Hindi ako gumalaw I wait for her to move first para pag-aralan ang mga galaw niya.

    When she was about to hit me with her weapon ay kaagad akong nakaiwas. I dodge her attack.

"Ano? Iiwas ka na lang ba? Ganyan kaba takot na takot? Ang weakling mo naman hahaha"

    Malakas ang pwersang binitawan niya galing gamit ang weapon niya pero naiwasan ko ulit ito.

   Nang makakita ako ng lugar upang makalaban ako ay tinamaan ko siya sa braso niya.

    She just grinned like dinidescriminate niya ako. Kita ko sa mga mata niya eh.

'Hindi pa yun bitch'
 
     Mabilis akong pumunta sa gilid at buong pwersa ko siyang tinamaan sa likod. I slashed her back pero hindi ko linaniman. Baka hindi na mabuhay ang babaeng ito. But I know magic users won't die easily.

     Lumuhod ito at tuluyang bumagsak. Maraming dugo ang umagos mula sa kanya.  Maraming taong mukhang hindi makapaniwala sa nangyari pero bumalik ang sigawan ng magsalita ang Emcee.

"Miss Cayne won! Next battle, Elaine vs Yazna!"

 'Siguradong hindi yan mananalo!'

'Go Elaine! Talunin mo ang weakling na yan!'

'Yazna! Wag kang magpapatalo'

    Hindi ko akalain na may fans na din pala ako hahaha. Nah, enough of that. May isa pa akong tatalunin.

    Pumasok na sa battle ground si Elaine. Ngumunguya pa ito nang bubble gum. Parang rakista talaga ang isang 'to hahaha. But hindi dapat siya minamaliit. She's from E class, I know that she's also good.



  

Ain't NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon