Chapter 34

5.1K 207 0
                                    

Now is the day of magical festival. Dinig na dinig ko din ang nagkakasiyahang mga tao sa labas. Pagkalabas ko ng dormitory house ay agad na may humila sa'kin at walang iba kun'di ang kambal.

"Uy! Yung libre namin!"

"Aish!"

   Kahit labag sa kalooban ko ay nag pahila na lang ako sa kanila at napunta kami sa mga iba't-ibang mga pagkainan.

"Yazna! Yung chicken wings yung amin"

 
   Mga walangyang mga babaeng ito ako pa ang ginawang financer nila. May iba pang mga tao na nag-aayos sa mga stalls. Hindi pa kasi fully opened ang lahat kasi mas maganda kapag gabi.

   Iniwan ko ang dalawa na busy sa pagkain ng chicken wings. Binayaran ko muna bago ko sila iwan dun. I also bought some chicken saucy wings for me. Alangan namang sila lang ang kumain, that would be unfair you know. Nagpasya na akong mag teleport at nag punta sa barn. Parang gusto kong kausapin ang mga creatures.

   Pumasok na ako sa barn at bumungad nanaman sa'kin ang nanggagandahang mga creatures. Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa napadpad ako sa  harap ng nakakulong na half salamander and half pegasus wherein it's color is black and lava like creature.

  Tumingin ito sa'kin pero imbes na matakot ay namangha ako sa ganda nito. It's quite unique.

"Hello there"

   Hindi ako pinansin nito bagkus ay tumingin lamang siya sa dala ko. Inilahad ko sa kanya ang hawak kong pagkain.

"You want some? Halika"

   Tumayo ito. Ghad! This creature is so huge. Kasing laki nito ang demon ko. Kinuha ko ang paper bag na nakabalot sa chicke wings at ibinigay sa kanya. Sarap na sarap naman siya nito habang kumakain.

"Hindi ka ba kumakain dito ng ilang araw?"

   The creature just breath heavily. It means ay hindi talaga. Nakaramdam agad ako ng awa sa creature na 'to.

"Kung ganun araw-araw na kitang dadalhan ng pagkain dito"

   Nakita kong iwinawagaysay ng creature ang buntot niya. It means that he is happy. Napangiti na lang ako sa kaniya. Akala ko ba ay dangerous 'to. Hindi naman ah. Binantayan ko ang creature hanggang sa mag gabi.

   

Ain't NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon