~~~
"Maligayang pagbabalik"
Napatingin ako sa nagsalita at Nakita ko si Goddess Eurice. She smiled at me pero hindi ako ngumiti pabalik sa kanya.
"Bakit? Anong nangyari? Ba't andaming lumalabas sa'kin na kapangyarihan?"
"Balang araw ay mahahanap mo din ang kasagutan sa lahat"
Hanggang sa nakita ko siyang unti-unting naglaho. Bakit ang dalawang Goddesses ang nagpakita sa'kin? Una ay si Zapheria ngayon naman ay si Eurice. Sino ba talaga ako?
Hanggang sa nagising na ako ay hindi ko na alam ang kasagutan.
~~~
"Hoy Yazzy! Bakit tulala ka ata diyan?"
Biglaang sigaw ni Claria na naging dahilan upang mabalik ako sa sarili ko. I just smiled at her tapos ay umiling. Ang paglabas ng mga kapangyarihan ko at yung humahabol sa'kin na black shadow. Ano ba talaga ang nagyayari ngayon? Simula nang napunta ako sa mundong ito ay unti-unting naging weird ang lahat.
Isinawalang-bahala ko na lamang ang mga nasa isip ko at itinuon ang pansin ko sa paglalakad. Plano kasi namin ngayon na maglakad-lakad para exercise daw at magparelax para mamaya then hindi muna kami gagamit ng ability namin ngayon just like an ordinary person. Naglalakad lang kami hanggang sa nadaanan namin ang Detention room.
'Isa pa'to kahina-hinala'
Nang lumampas kami sa room na yun ay agad akong nagtanong kay Claria.
"Sino ang namamahala sa Detention Room?"
"Hindi ko alam Yazzy sorry. Sa tinagal ko na dito ay hindi pa ako nakapasok diyan pero may nakapasok na ilan diyan at sabi nila na grabe daw ka-halimaw ang nandoon. Pero sabi sa'kin ni Leon noong KAMI pa ay empty room lang yan at walang halimaw diyan"
Napaisip agad ako sa sinabi niya. Tsaka diniinan niya pa yung 'KAMI' ah haha. Kapag tapos na ang battle field ay maghahanap ako ng impormasyon patungkol sa room na yun. Grabe! Nakaka-stress talaga ang buhay ko ngayon eh. Nung nasa mortal world pa ako I feel free kaya lang sagabal yung pamilya-pamilyahan ko dun. Masyadong EPAL.
"We're here!"
Hindi ko akalain na may pa hot spring-hot spring pala ang mga weirdo dito haha. Loka self, weirdo ka rin kasi kagaya ka nila eh tss. Madami-dami din ang mga taong nandito. Hindi ko din akalain na may mga fafa akong makikita dito. O my virgin eyes na hindi na ulit virgin.
"Yazzy! Tara na! May room na tayo!"
Hindi ako nakaangal dahil sa hinila na ako nito at pumasok na kami sa isang room. This place is really incredible! Kami lang dalawa ni Yazzy dito. Natatakam na akong maligo at magbabad. Aktong tatalon na ako ng hilahin nanaman ako ni Claria.
"You should take off your clothes first"
"Ano?!!!"
She pointed something behind her. At nakita kong may sign ito na 'No swimming with clothes on' at may isa pa na 'If you disobey it will be deducted into 500,000 mana' tas may isa pa na 'We keep an eye on you'
Napasimangot ako sa mga patakaran nila dito.
"Kailangan talaga hubad lahat? As in lahat?"
Tumango lang siya at nakita kong unti-unti na siyang naghubad at tumalikod agad ako. Kahit na babae siya mah respeto din ako noh. Baka matitibo ako at kasalanan ito ng hot spring!
Narinig ako ng pag splash ng tubig kaya lumingon ako. Hindi na kita ang katawan niya dahil sa mga smoke na nandito kung baga dahil sa init ng hot spring.
Hindi na ako umangal at naghubad na lang din ako. Natatakam na ako sa tubig eh gusto ko nang makapag relax. Wala naman atang cctv dito eh. Sumunod na ako kay Claria at bumabad sa tubig.
"Oh yeah"
Kasabay nun ang pagsandal ko sa malaking bato. Katamtaman lang ang tubig hindi masyadong malalim at mababaw. Hi di din siya masyadong mainit at nakakarelax talaga siya. Parang nawawala ang stress ko.
'You're really beautiful'
Agad akong napaupo ng maayos dahil sa may nagsalita.
"Ano Ria? May sinasabi ka?"
"Wala naman ah"
She said at bumalik sa pagrerelax niya. Naguguluhan man ako ay sumandal ulit ako at nag relax hanggang sa ako'y makatulog.
Maya-maya ay biglang nag picturize ang mga mukha ng isang lalaki. Sobrang gwapo niya and he's almost perfect. Lahat ata ng mga kababaihan ay pagpapantasyahan siya.
BINABASA MO ANG
Ain't Nobody
FantasyYazna came from the mortal world and found herself in a world that everything is IMPOSSIBLE. In a world where she accepts her true fate. She thought by herself that she's NOBODY but she make her world realize that she AIN'T NOBODY. A girl who posses...