Ang Hinihintay Mo'ng Ending

121 6 0
                                    

"PUWEDE ka nang umalis. Salamat sa paghahatid," malamig na wika ni Rebecca nang malabasan si Je-o sa labas ng kuwartong kinuha niya para kay Leila.

Napakunot-noo ang pulis. Larawan ang buong mukha ng pagtataka.

Tumaas tuloy ng kung ilang dali ang kilay ni Rebecca roon. "Kailangan mo pa bang magkunwari? Nakita ko, Je-o. Nakita ko. At nakayakap ka sa kanya. At..." Napalunok siya roon. "... maiintindihan ko kung gusto mo nang kumalas sa relasyon natin. Ayokong ipilit o itali ka sa akin kung hindi ka na naman masaya sa piling ko."

"Sweetheart, listen-"

"Is everything okey?" bigla na lang na may nagtanong na boses-babae.

Bago pa magsalubong ang kanyang kilay sa sobrang pagkainis nang mabuglawan nag bruhang si Almira, gilalas siya nang sumunod naman doon si Egimar na may dala-dalang bugkos ng bulaklak at isang basket ng sari-saring prutas.

Hindi tuloy siya kaagad nakapag-react na napamata sa dalawa.

Nag-aalanganin tuloy ang naging reaction ni Almira na napakapit sa isang bisig ni Egimar nang makita ang nakabadhang ekspresyon sa mukha niya.

"H-honey, you think we better go? Mukhang wrong timing ang dating natin. Kahit hindi nagsasalita ang dalawang ito, mukhang nag-aaway," kunwari bulong pa ng babae kay Egimar pero sa lakas ng boses ay dinig sa buong hallway.

On cue, nakahakbang paurong si Egimar at akmang tatalikod nang kasama si Almira kaya bigla niyang hinabol ang mga ito. Nalilito siya bigla sa nangyayari sa harapan niya.

"Sandali. Sandali...!" Walang pangiming kinuha niya kay Egimar ang mga hawak-hawak nito bago niya tinignan nang diretso ang kasama nitong babae. "Almira, nakita kitang yakap-yakap mo ang talipandas na boyfriend ko kanina pero pagkatapos, nandito ka at tinatawag mo namang honey ang ex ko. May hindi ba ako nalalaman?" Tumaas ang dalawang kilay niya ulit. Pero may warning na nakasulat sa mukha niya. Magkakamali ng sagot ang mga nasa harap niya at hindi siya mangingiming manampal nang wala sa oras at baka magsigising ang mga ito.

Hindi kaagad nakasagot ang tinanong niya na sandaling napamata sa kanya bago kay Je-o na natatawa na.

"Well, totoong niyakap ko siya. Pero wala nang malisya iyon. Yakap na iyon para sa isang kaibigan at siyempre sa kinakapatid. You see, ninong ni Je-o ang daddy ko. I just ask his forgiveness sa lahat ng ginawa ko'ng gulo sa buhay niya. Being thankful sa ginawa naman niyang pagpapatawad sa akin kaya hayon nasugod ko ng yakap. Pero nadatnan mo naman kami kaya I deduct, nagseselos ka na naman sa isiping nilalandi ko ang boyfriend mo," taklesang saad nito.

Umirap siya bilang panlaban sa naramdamang pag-iinit ng mukha niya dahil sa pagkapahiya. "Hindi mo ako masisisi. Pagkatapos ba naman ng mga kadramahang ginawa mo sa harap ko. At ikaw, Egimar, girlfriend mo din ang babaeng iyan?" hindi pa rin makapaniwalang usig naman niya sa kanyang ex at kaibigan.

Ngumuso si Almira. "Uy, ha? Sa tingin mo ba, wala ako'ng karapatang mag-move on nang ganoon kabilis? Kung dati, mukha na ako'ng aso'ng bubunto-buntot na lang lagi sa lalaking iyan dahil sa pag-aakala ko'ng mahal ko talaga, hindi makatarunga'ng magmukmok na lang ako sa isang sulok at lunurin ang sarili ko sa luha at sipon pagkatapos niya ako'ng bastedin nang bongga. Excuse me, that's not my style, my dear. Kaya maniwala ka sa nakikita mo ngayon."

"Huwag ka na kasing magtaka, 'uy," singit naman ni Egimar. "Ayon sa Science, opposite attracts. Heto ang resulta. Itong babaeng ito, matindi ang nangyari sa kanya noong hinalikan ko. Naaalala mo pa? And yet, todo ang ginawang pag-deny sa totoong nararamdaman pagkatapos nu'n. Kung kaya itinodo rin ang ginawang paghahabol sa boyfriend mo sa pag-aakalang iyon ang tamang solusyon. Pero hindi rin nakatiis, kinuha niya ang phone number ko kay Benjie. Tapos kunwari inaaway-away ako-sa text, sa phone, sa personal. Iyon pala nagpapapansin na. Siya pa ang nanligaw sa akin. Mas makulit pa ito sa surot, eh. Eventually, hindi rin ako nakatiis, 'di pagbigyan."

Hand's Off, I'm In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon