"Andrada?" Napatanggal ako sa earphones na suot ko at tinaas ang kamay.
"Here, sir!" Sigaw ko sa prof sa harap.
Nagulat ako nang biglang nagtawanan ang mga kaklase ko kaya napalingon ako sa kanila.
What the, anong meron?
"Andrada na ba ang apelyido mo, miss Anderson?" Natatawang sabi ni prof.
Ay tanga!
Napatakip ako ng mukha at napapikit. Tangina napakabobo ko, Anderson apelyido ko, Anderson hindi Andrada!
"Sorry sir, m-magkalapit po kasi kami ng apelyido." Nahihiya pa ko sa excuse ko.
"I didn't know na kasal na pala ako sa'yo miss Anderson." Napalingon ako sa nagsalita.
Si Kliox. Ang yabang ang puta.
"I didn't notice okay? Hindi ko masyadong narinig." Pakikipagtalo ko.
Ngumisi lang siya sa akin bago sumagot. "Weh, porket crush mo lang ako, mag gaganyan ka na."
And that's it! Simple as that, pinagtatawanan na ako ng buong klase.
I rolled my eyes at him but he just mocked me.
Tumatawa pa ang hayop habang inaasar ako.
"Okay, that's enough. Alam ko nang present kayo parehas," sabi ni prof habang nakangiti.
Amp! Pati ba naman siya tumatawa?
After ilang minutes, bad trip pa rin ako dahil hindi ako tinigilan ng mga kaklase ko at nung pesteng Kliox.
Kung hindi nila ako ngingitian ng nakakairita ay tatawagin nila akong Mrs. Andrada.
Malay ko ba? Alam naman nilang magkatunog ng konti ang apelyido namin. We both starts with 'and', duh!
Buong klase ni sir ay hindi ako nakinig dahil nababadtrip ako, kasama rin siya.
"Start with your research now, huwag na kayong mag-antay ng dead line para magsimula kayo." Paalis na sana siya pero bago pa siya lumabas sa pinto ay nilingon niya ako.
"Reception muna ah? Huwag din kayong magmadali sa honeymoon," pang-aasar ni sir.
Doon ako tinapunan ng samo't saring asar galing sa mga kaklase ko.
"Walang reception reception, prof! Honeymoon na agad!" Sigaw naman nung punyetang Kliox.
What the fuck?
"Yieee."
'Yan, 'yan ang mukhang bibig ng mga kaklase ko.
Isinuot ko ulit ang earphones ko habang binibigyan sila ng nakakamatay na tingin.
Bwiset sila!
Inaayos ko palang ang gamit ko para maghanda papunta sa sunod na subject nung biglang pumasok 'yung supervisor na laging umiikot na parang guwardya.
Dollibee tawag sa kanya ng mga estudyante dito. Do from dora kasi maikli 'yung hair niya and llibee from jollibee cause she's kinda fat and super bida-bida and she's acting like a guard din e.
Biglang tumahimik 'yung mga kaklase ko sa pang-aasar sa akin dahil sa pagpasok niya.
"Oh, bakit biglang tumahimik ang class niyo?" Nilibot niya pa ang tingin sa buong room na parang sinusuri 'yung mga kaklase ko.
Biglang nagsiupuan ang mga kasama ko at parang biglang may dumaang anghel.
Wow, so plastic. Parang kanina nasa palengke kami dahil sa pang-aasar nila tapos biglang ganito?
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Teen Fiction"I love you, just like how much you love the rain." -Kliox It was just a simple rule, but he couldn't control himself to fall for her, hard