Dala ko ang jacket ni Kliox on my way to school. Nakakahiya naman na hindi ko agad ito ibabalik kaya dinala ko na ngayon. Alam kong may class pa sila ngayon while 30 minutes pa ang next class ko kaya nag-antay muna ako sa bench na malapit sa class niya."Pre, ano kamusta na 'yung asawa mo?"
Napalingon ako sa nagsalita, si Lucas, kasama si Kliox. Rinig na rinig pa ang halakhak nilang dalawa.
"Ulol, parang gago. Wala nga. Gumawa lang kami ng research sa bahay kahapon," tanggi ni Kliox.
Nag-stop pa sila sa paglalakad dahil pinigilan ni Lucas 'yung balikat niya.
"San kayo gumawa? Sa kuwarto?"
Lakas talaga mang-asar ni Lucas e. Ka-bad trip.
Pabirong sinuntok ni Kliox si Lucas sa balikat. "Tangina, parang gago. Ewan ko sa'yo."
Dumiretso naman siya at saktong nagtama ang pangingin namin. Halatang nagulat naman siya dahil nakita niya akong inaantay siya.
"Kanina ka pa?" Nilapitan niya ako at tumigil sa harap ko. "Kamusta?"
Tiningala ko muna siya. "Kani-kanina lang. Babalik ko lang jacket mo. Sorry 'di ko nabalik nung nakaraan, nagmamadali kasi e." Sabay abot ng jacket na hawak ko. "Thank you."
Tumango naman siya sa sa akin at nagpaalam na umalis bago pa siya asarin ulit ni Lucas.
Pagdating ko ng next class ay kaklase ko si Yna pero hindi ko siya mahanap sa loob ng room kaya umupo nalang ako sa may gilid.
30 minuntes passed but still no sign of professor kaya umalis na rin ako. Kanina unti-unting nababawasan ang mga students sa class na 'to kaya sumunod na ako.
Instead going to the library, napagdesisyunan kong pumunta ng roof top para makalanghap ng fresh air. I know in my self na kailangan ko 'yun.
Habang umaakyat ng hagdan ay naramdaman kong bumigat ang paghinga ko at sumisikip ang dibdib ko. Nahihirapan na rin akong maglakad dahil hindi na ako makahinga. Ang bigat ng puso ko.
No! Hindi ako pwedeng atakihin dito.
Pinipisil ko ang bandang dibdib ko para mabawasan kahit kaunti ang sakit. Huminto rin muna ako sa pag-akyat at humawak sa railings ng hagdaan.
Bakit ko ba nakalimutan na bawal akong mapagod? Why am I so fucking dumb?
Naramdaman kong may kamay na humawak sa balikat ko kaya nilingon ko siya.
Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Kliox. "H-Hey, are you okay?"
Hindi ako makasagot kaya tumango nalang ako habang humihinga ng malalim.
I need to calm down.
Inakay niya ako paupo sa may hagdan at tumabi naman siya sa akin. "Pahinga ka muna."
Pagkatapos ng ilang minuto ay naramdaman kong kumalma na qng paghinga ko at nawawala na ang kirot sa dibdib ko.
Unti-unti na akong tumayo at pinagpatuloy ang pag-akyat sa rooftop habang si Kliox ay nakaalalay lang sa akin.
"Bakit ka ba kasi umakyat dito sa roof top e alam mo namang nakakahingal?" Tanong ni Kliox pagkaakyat namin parehas. Umupo kami sa bench na nandoon.
"I need fresh air," simpleng sagot ko.
"Kamusta? Anong nangyari sa'yo?" Tamong niya habang nakatingin sa akin.
"I'm fine," 'yun nalang ang sinagot ko sa kanya para maiwasan 'yung topic.
"Veronica, you're not very good at lying so tell me, may sakit ka ba?"
'Di ko siya tiningnan at diresto lang ang tingin bago sumagot. "I-- uh.. I have congenital heart disease."
Wala akong response na natanggap sa kanya kaya nagpatuloy ako. "A-All my life, nasa hospital ako. I have a weak heart you know? Kaya alagang-alaga ako nila mommy. Sa mga nagdaang taon, mas lalong humihina ang puso ko, sa point na kailangan ko na ng bagong puso kasi kapag hindi.." napatigil ako saglit dahil nag crack na ang boses ko, ".. k-kapag hindi, mamatay 'yung puso ko, kasama na ako."
I looked at him. Nakita ko na malungkot ang mukha niya kaya nginitian ko siya. "Ikaw palang ang nakakaalam dito sa school kaya 'wag mong ipagkalat ah? Lalo na kay Yna, mag-aalala sa'kin 'yung baliw kong kaibigan."
Hindi ako nagsalita kaya naghari ang katahimikan. Wala rin akong narinig na response kay Kliox kaya tahimik lang ako.
"H-Hindi ako pwedeng mapagod, emotionally and physically. Bawal din akong mastress.." tumawa ako, "share ko lang."
Pinunasan ko 'yung nalaglag na luha sa pisngi ko at inalis ang tingin sa mukha ni Kliox.
"Ikaw pala, anong ginagawa mo dito sa roof top? Bakit ka papunta dito?" Pag-iiba ko ng topic dahil ayoko sa sobrang tahimik.
Ngumit siya sa akin bago sumagot. "Sinusundan 'yung asawa ko syempre."
Parang bumalik 'yung luha ko sa mata ko dahil sa sinabi niya. Bwiset, panira ng moment.
Inirapan ko siya. "Ayan diyan ka magaling, sa pang-aasar."
"Joke, I'm just making you laugh. Ang pangit mo umiyak," Natatawa pa siya sa ginagawa niyang pang-aasar.
"Kliox, pag-ako inataki dahil sa pang-aasar mo, mumultuhin kita."
"Hindi, joke lang 'yun. 'Di na kita aasarin. Takot ako sa multo, lalo na 'pag ikaw." Nawala ang ngiti sa labi niya pero rinig ko parin 'yung saya sa boses niya.
"Hmp! Ewan ko sa'yo lagi kang nang-aasar. Crush mo ata ako e," ako naman ang nang-asar.
Natigilan siya dahil sa sinabi ko. "Pano mo nalaman?"
Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. A-Ano daw?
"W-What?"
"Wala, sabi ko bingi ka. Ang ganda mo pa naman sana," nag-iwas siya ng tingin pero nakita kong namumula ang tainga niya na bigla niya nalang hinawakan.
"So crush mo nga ako? Kasi nagagandahan ka sa'kin?" Natatawa ako sa sinabi ko.
OMG, I like this. Not that part where I thought crush ako ni Kliox ah? Hindi dun. 'Dun lang sa part na inaasar ko siya.
Wait, what the fuck? Bakit mukha akong in-denial?
"Alam mo Veronica, magkaiba 'yung nagagandahan sa crush." Paliwanag niya.
"Oh anong pinagkaiba?" Mataray na tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
Tumayo lang siya at tumalikod pa sa akin. "Swerte mo nga both ka e."
"What? Anong both?" Naguguluhan kong tanong habang nakakunot pa ang noo.
"Both. Maganda ka na nga, crush pa kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/223858957-288-k747681.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Teen Fiction"I love you, just like how much you love the rain." -Kliox It was just a simple rule, but he couldn't control himself to fall for her, hard