WAKAS

103 22 15
                                    

Hi Iennaaaas, so since birthday ko ngayon, I want to call my readers Iennaaaas (i-ye-nas) para same tayo na four a's.

I decided na isabay 'yung update ng wakas sa birthday ko para macelebrate ko together with my readers. Thank you for all your support! Love you Iennaaaas


"Pre, kamusta kayo nung Amber ba 'yon? Andrea? Ana? Ano nga pangalan 'non?" Tanong ni Lucas sa tabi ko. Ewan ko ba dito, sobrang interesado sa buhay ko.

"Pre, hindi ko nga maalala pangalan 'non e," natatawang sagot ko sa kanya. Sabay kaming pumasok sa klase ni Mr. Almonte. Nauna pa siya sa upuan dahil nandoon 'yung babaeng nilalandi niya. Mabagal lang ang paglakad ko hanggang sa mabangga ako ng babae.

Ihahanda ko na ang sarili kong pagalitan 'yung babae pero napatigil ako.

Ang ganda, mga erp!

She has this beautiful diamond face, mukhang inosente at good girl. Red lips at mahabang buhok. Her eyes... It took my breath away.

"S-Sorry," malambing niyang sabi at umiwas sa akin.

'Yun na 'yon? Hindi niya ba ako kilala? Ako 'to si Kliox, na kinababaliwan ng halos lahat ng babae tapos hindi man lang siya naattact sa akin?

Well, at least nautal siya di'ba?

Sinundan ko siya at tahimik lang siyang nakikinig sa earphones niya. Mukhang magandang asarin 'to, mukha siyang pikon e.

"Andrada?" Tawag ni sir sa apelyido ko pero bago pa ako makapabtaad ng kamay at sabihing present, may mas nauna pa sa aking gawin iyon.

"Here, sir!" Rinig kong sabi nung babae.

Nagtawanan naman 'yung mga kaklase kong baliw. Kasama na ako.

"Andrada na pala ang apelyido mo, miss Anderson?" Natatawang tanong ni prof.

"Sorry sir, m-magkalapit po kasi kami ng apelyido." Nahihiya pa ang boses niya habang nag-eexcuse.

"I didn't know na kasal na pala ako sa'yo miss Anderson." Pang-aasar ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Nakakunot ang noo at binibigyan ako ng pamatay na tingin.

Sabi ko na nga ba, andali niyang mapikon e.

"I didn't notice okay? Hindi ko masyadong narinig." Pakikipagtalo niya.

Ngumisi lang ako sa kanya bago sumagot. "Weh, porket crush mo lang ako, mag gaganyan ka na."

Naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa paandar ko. She rolled her eyes at me but I just continue teasing her.

"Okay, that's enough. Alam ko nang present kayo parehas," sabi ni prof habang nakangiti.

Kahit naglelesson ay hindi kami nakikinig ni Lucas. Nagkekwentuhan lang kami at biglang tatahimik sabay tango-tango na para bang nakikinig kapag lumilingon sa'min si sir.

"Pre, anong pangalan 'nun? 'Yung Anderson?" Tanong ko kay Lucas.

"Veronica ata pre. Veronica Anderson," sagot niya. Napatango naman ako. Veronica, what a cute name.

"Start with your research now, huwag na kayong mag-antay ng dead line para magsimula kayo." Nilingon ni sir si Veronica ng nakangisi bago siya lumabas.

"Reception muna ah? Huwag din kayong magmadali sa honeymoon," pang-aasar ni sir.

Nagtilian ulit ang mga kaklase namin habang ako ay tuwang-tuwa dahil ang cute niya magkunot noo.

What? Kliox, kelan ka pa natutong tumingin ng cute?

"Walang reception reception, prof! Honeymoon na agad!" Sigaw ko kay sir para mas lalong mainis sa akin si Veronica.

Love In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon