Medyo mahaba na 'yung update hihi. Enjoy reading loves!
"Pst, uy, Veronica!" Narinig mong may tumawag sa pangalan ko.
Tumingin ako sa paligid para hanapin kung sino 'yung simisitsit sa akin, only to find out that it is Kliox.
"What?" Mataray na tanong ko. Nasa likod siya banda nakaupo at may isang silya pagitan sa amin.
Kainis, tahimik akong nakikinig dito kay sir e.
"May sasabihin ako sa'yo, pero mamaya na," sabi niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala! Tinawag niya ako habang nakikinig kay sir tapos 'yun lang sasabihin niya? Parang tanga!
"Ano?" Medyo napalakas 'yung boses ko dahil sa iritasyon kaya napaligon sa gawi ko si sir.
"Is there something you want to share Ms. Anderson?"
Patay!
Dahan-dahan akong lumingon. "N-N sir, sorry po," nakayukong saad ko pero sa utak ko ay gusto ko ng sapakin si Kliox dahil sa inis.
Tahimik na ako sa pakikinig nung bigla nalang may kumalabit sa akin at pinasahan ako ng papel.
Antayin mo ko sa labas ng room.
-Poging KlioxNilingon ko si Kliox at parang wala lang siyang ginawa at tumatango-tango pa sa pinagsasabi ni sir.
AFTER NG subject namin kay sir Almonte ay sabay kaming lumabas ni Kliox. Inantay niya muna akong makapag-ayos ng gamit bago kami lumabas.
Good thing is hanggang 2 PM lang ang shedule namin parehas at wala ng sunod na klase kaya maaga kami makakauwi.
"San ba kasi tayo pupunta?" Takang tanong ko kay Kliox na kasabay kong maglakad.
"Sa bahay. Pinapabisita ka ni mama, ayaw mo ba?" Tanong pa niya.
Hmm, hindi naman siguro masama kung bibisita ako di'ba? Tsaka nakakahiya naman kay tita e.
Tiningnan ko muna ang bag ko kung dala ko ba ang gamot ko bago sumagot. "Sige, pero tatawagan ko muna si mommy."
Nasa loob na kami ng sasakyan nung tinawagan ko si mommy. Nung una ay ayaw niya pang pumayag dahil baka daw anong mangyari sa akin pero sinigurado ko naman na ayos lang ako kaya pumayag siya. Kinailangan niya pang kausapin si Kliox para bilinan ng mga bagay na hindi ko pwedeng gawin at sobrang hiya ang naramdaman ko 'nun.
"Come on, we're here." Bumaba si Kliox at punagbuksan ako ng pinto. Bumungad sa amin si tita na naghahantay sa may gate.
"H-Hi po, tita," bati ko kay tita habang may ngiti sa labi.
"Veronica, hija. 'Buti naman at bumisita ka ulit dito," then niyakap niya ako.
"Ma, pasok na tayo sa loob. Doon na kayo magyakapan," masungit na sabi ni Kliox.
Napatawa kami parehas ni tita dahil masungit ang tono na pagkakasabi ni Kliox.
Ano bang nangyayari sa kanya?
"Diyan muna kayo. Maghahanda ako ng snacks. Enjoy watching," she said.
Pagpasok ni tita ay nilingon ko si Kliox. "Really? Pinapunta mo 'ko dito para magnetflix ang chill?" Mataray na tanong ko.
He smiled innocently. "Why? Ayaw mo ba? Masaya naman magnetflix and chill dito ah. Tsaka pinapabisita ka talaga ni mama." Tsk, painosente.
I rolled my eyes. Siya na ang pumili ng papanoorin namin hanggang sa kumulog ng malakas.

BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Teen Fiction"I love you, just like how much you love the rain." -Kliox It was just a simple rule, but he couldn't control himself to fall for her, hard