KABANATA 8

84 33 5
                                    

Medyo sabaw ang update for today. Sorry for typos and wrong grammars, minadali ko na kasi✌️
Para sa gustong mapakinggan 'yung kanta, andyan sa taas, trust me guys, maganda siya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kliox sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse niya.

Sinundo niya ako para sumama sa akin sa appointment ko sa doctor dahil hindi makakasama sa akin si mommy. Understood ko naman kung bakit dahil mas mahalaga ang paghahanap ng donor kesa dito. Kaya ko naman sana na mag-isa kaso parehas na ayaw ni mama at ni Kliox.

Tumango ako sa kanya at nag thumbs-up bago ikinabit 'yung seatbelt ko. Inistart niya na ang sasakyan at umalis na.

Tahimik ang paligid kaya ako na naghanap ng kanta para ipatugtog. Hindi naman nagsalita si Kliox kaya alam kong ayos lang.

Pumili ako ng isang kanta hindi familiar ang title. Unang linya palang ng kanta ay napangiti na agad ako.

"Naaalala mo pa 'to?" Nakangiting tanong ko kay Kliox.

Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo at umiling. "Hindi, 'san ba 'yan?"

I pouted. "'Yung sa ano 'yan, 'yung pinanood natin na movie kahapon," paliwanag ko sa kanya.

"Uhh.. I don't remember," sagot niya sa akin.

The house that you live in don't make it a home

But feeling lonely don't mean you're alone

People in life, they will come and they'll leave

But if I had a choice I know where I would be


Sinabayan ko 'yung kanta habang nakatingin sa daan at nag eenjoy. How I love this song! Kahit isang beses ko palang napapakinggan ay pwede na isama sa favorites ko.

Nakita kong nakakunot pa rin ang noo ni Kliox hanggang sa chorous.

Through the lows and the highs, I will stay by your side

There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light

When the sky turns to grey and there's nothing to say

At the end of the day, I choose you


Habang sinasabayan ang kanta ay pabaling-baling sa akin ang nakakunot niyang mukha. Kahit ganyan ang itsura niya ay hindi maitatago ang kagwapuhan niya. Actually mas gumwapo pa nga dahil seryoso ang look niya.

"What?" Maang na tanong ko pagkatapos sabayan ang chorous. Inabot niya ang cellphone na pinanggagalingan ng kanta at pinatay.

What? Why?

Pinalo ko ang kamay niya. "Bakit mo pinatay? Ang ganda-ganda na ng pagkanta ko e," reklamo ko.

He just shrugged at me and continue driving. Umirap naman ako sa kanya nung hindi siya nakatingin.

Akmang aabutin ko ang cellphone para iplay pero mas mabilis pa siya sa akin.

"No, I don't want to hear you singing that again."

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Bakit? Ano bamg ginagawa sa kanya ng kanta?

"Bakit? Masama bang kumanta?" Tanong ko.

"Hindi masama kumanta. Ayaw ko lang ng lyrics nung kinakanta mo," he simply said. Ngayon ko lang din napansin na nakatigil na kami sa gilid ng daan.

Love In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon