It's already 4 PM at nakadalawang beses na kami kumain ng snacks.His mother was so kind tapos samantalang siya halos buong maghapon pang-aasar lang ang ginawa sa akin.
"Hoy, uuwi na 'ko," tawag ko sa pansin niya.
Nilingon niya naman ako. "Uuwi ka na agad? Ang aga-aga pa." Tumingin pa siya relo na nasa bisig niya.
"Oo uuwi na 'ko. Kumukulog na oh, I need to go home na," pamimilit ko.
"Takot ka sa kulog? Para kang bata," pang-aasar niya.
Parang gago amputa. Hindi ako takot sa kulog, kailangan ko lang talaga makauwi bago mag alas syete.
Inirapan ko siya. "Paki mo? Tapos naman na tayo parehas e, rereviewhin nalang at keri mo na mag-isa 'yun."
Nagsimula na akong ayusin ang gamit ko nung sumabat siya bigla.
"Hatid na kita," nagulat ako sa sinabi niya.
"Luh."
"Totoo, I'll take you ho--"
"Luhngganisa," bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay binara ko na siya.
Nakita kong sumeryoso 'yung mukha niya kaya natawa ako. Halatang nagulat din siya na binara ko siya.
"Ngayon alam mo na 'yung feeling? Kanina ka pa ganyan," pagalit ko sa kanya pagkatapos ay tumayo na para makapag-paalam.
Sakto namang lumabas galing sa kusina si tita kaya nagpaalam na ako.
"Uhh.. tita, uwi na po ako. Thank you po,"
"Kliox, hatid mo siya. Huwag ka lang umupo diyan. Ako na magliligpit dito," sabi ni tita kay Kliox kaya inilingan ko naman si tita.
"Hala tita, okay lang po. Kahit hindi na po. Kaya ko naman po e," nahihiyang sabi ko.
"Hindi, ihahatid ka ni Kliox, babae ka pa naman. Hala siya, sige na gumayak na kayo."
Shocks, ayaw paawat ni tita huhu.
"Sige ma, una na kami," nakita ko namang nag-ayos si Kliox ng sarili, "tara na."
Hindi pa kami nakakaabot sa may pinto ay niglang kumulog ng malakas at pumatak ang ulan.
Parehas kaming natigilan ni Kliox pati na rin ang mama niya.
"Kaya pala makulimlim kanina. Kliox, lend your jacket to Veronica, lalamigin 'yan pauwi."
Hindi ako nakasagot dahil mataray na ang look ng mama niya at nakakahiya naman kung tatanggi ako. Siguro tatanggalin ko nalang pagdating namin sa sasakyan.
Akward akong tumingin kay Kliox bago siya umakyat sa taas para kumuha ng jacket. Pagbaba niya ay may dala siyang black na jacket at inabot sa akin.
"T-Thank you."
Tumango lang siya sa akin at nauna na palabas.
"T-Tita, una na po kami. Thank you po," nginitian naman niya ako at nagpatuloy sa pagliligpit.
"Ingat kayo. Balik ka dito if may time," sabi ni tita.
Ako naman ang napangiti at tumango sa kanya. "S-Sige po. Thank you po ulit."
Sinundan ko si Kliox na nasa tabi na ng kotse niya. Binuksan ko ang shot gun at sumakay na.
Mas lumakas ang ulan kaya medyo mabagal ang pagpapatakbo ni Kliox.
"Kahit hanggang sa school lang. I can manage na," Kausap ko sa kanya kahit hindi ko siya tinitingnan.
"No, sabihin mo nalang address mo, hahatid kita 'don. Umuulan na e," pilit niya sa akin.
Wala naman akong nagawa kun'di pumayag nalang dahil wala naman patutunguhan 'pag nakipag-away ako. Wala rin naman akong dalang payong kaya okay na rin 'yun sa akin.
Nagiging familiar na 'yung mga establishments na nadadaanan namin kaya alam ko na, na malapit na kami. It's already nearing 6 PM pero madilim na dahil nga umuulan.
"Diyan nalang sa gilid. Thank you," then I started un-buckling my seat belt.
"Mayaman ka naman pala, bakit hindi niyo pinakabit ulit 'yung wifi niyo? Tapos lagi kang naglalakad papuntang school?" He asked me.
Feel ko nang-aasar lang siya pero pagod na akong patulan siya kaya ngumiti nalang ako sa kanya.
"I can't. Hindi ako pwedeng gumastos ng gumastos. We need to earn money, kailangan magtipid. Hindi biro ang gagastusin namin para sa opera ko, so, no," simpleng sagot ko sa kanya.
Nakita ko namang may bahid ng gulo, gulat at pag-aalala na nabalot sa mukha niya.
"Thank you ulit a? Pasok na ko."
Hindi ko na inantay na makasagot siya at bumaba na ako. Niyakap ko lang ang dala kong bag para hindi mabasa dahil nasa loob ang laptop ko.
Pagsilong ko sa gate ay kinawayan ko 'yung kotse ni Kliox para makapagba-bye bago pumasok sa loob ng bahay.
Sinalubong ako ni mommy na nag-aalala ang mukha bago ako niyakap. "Nica! At last your home! How's your heart? Napagod ka ba?"
Niyakap ko din si mommy pabalik. "I'm fine mom, just a little bit tired. Sorry pinag-alala ko kayo."
Bumitaw siya sa yakap bago ako tiningnan sa mukha. "Are you sure? Kumain ka na ba? Eat now so you can rest tapos makainom ka na ng gamot."
"Not yet mom, magshower lang po ako then iinom na ako ng gamot," nginitian ko si mom for assurance.
Pagpasok ko ng kuwarto ko ay nagpahinga muna ako bago makapagshower.
Why do I feel something's off? Parang may hindi normal.
Tiiningnan ko ang sarili ko sa salamin at 'dun ko lang narealize na suot ko pa rin ang jacket ni Kliox. Hinubad ko siya pero hindi nakalagpas sa pang-amoy ko 'yung amoy nung jacket.
Ang bango, shet.
Dumiretso ako sa shower para maglinis ng katawan at para hindi rin ako lagnatin. Pagkatapos ay kinuha ko ang robe ko at lumabas ng CR, sakto namang kumatok si mommy at may dalang gamot.
"Nica, here's your medicine, baka makalimutan mong uminom," paalala ni mommy.
Umupo ako sa kama bango siy tiningala. "Mom, thank you."
"Anything for you anak. I was worried earlier, iniisip ko kung napagod ka ba or nastress? Kasi 'yun 'yung dapat iniiwasan mo di'ba?" Tumabi siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"I'm fine mom, don't worry."
Katahimikan muna ang naghari bago ko marinig ang malalim na paghinga ni mommy.
Nangunot ang noo ko. "Mom, may problema po ba?"
"Anak, I'm sorry. Your dad called me. H-He wants you to know that he's sorry," mahinang bulong niya.
Mas nag-alala naman ako kay mommy, pati na rin kay dad. Ano bang pinagsosorry nilang dalawa?
"Sorry po saan?"
"Sabi ng doctor kailangan ka ng maoperahan as soon as possible di'ba? W-We're sorry anak.. kasi hanggang ngayon wala pa rin kaming nahahanap na heart donor," pumatak 'yung luha ni mommy kaya may nagbabadyang luha na sa mata ko.
I hate seeing them like this. Parang halos buong buhay ko lagi naalng silang umiiyak.
"M-Mom, hey, look at me. Makakahanap din tayo."
Lumingon naman siya sa akin ng umiiyak. "H-How? Saan tayo hahanap ng heart donor within five months? I don't want to loose you baby. A-Ayaw ko."
Niyakap ko lang siya para aluhin kahit may tumutulong luha na sa mata ko.
Ako rin mom, I don't want to leave yet.
I don't want to die yet.
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Teen Fiction"I love you, just like how much you love the rain." -Kliox It was just a simple rule, but he couldn't control himself to fall for her, hard