Hi loves! Sorry for late update. Ito na pambawi, mwuah.
Totoo nga 'yung sinasabi ng iba. Too much sweetness can hurt. Hindi nakakabuti ang sobrang kasiyahan.
After nung aminan session sa ulan, punauwi ako ni mommy. Hindi naman siya nagalit dahil alam niya naman na mahilig ako sa ulan. Nag-alala lang daw siya sa akin dahil baka mapagod ako.
Buong gabi kong inisip ang sinabi ni Kliox habang pangiti-ngiti. What can I do? I can't stop my self from smiling!
Sa araw din na lumilipas, nararamdaman ko rin na mas humihina ang puso ko. Kahit ang walking distance ng bahay at ng school ay napapagod ako, that's why kinailangan ni daddy na ihatid sundo ako sa school.
"May lakad ka bukas?" Nawala ang pag-iisip ko nung may nagsalita. Nilingon ko naman at nakita ko ang gwapong mukha ni Kliox.
He was smiling sweetly at me. Ibang-iba sa Kliox na una kong nakilala, 'yung nakakainis at masarap hampasin.
"Hmm? Wala naman. B-Bibisita lang ako sa doctor ko bukas," sagot ko sa kanya.
"You want me to accompany you?" He asked me.
Umiling ako sa kanya bago ngumiti. "Kahit huwag na. Kasama ko naman si mommy kaya, no worries," paliwanag ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya bago ngumiti sa akin na tila ba may naisip na magandang ideya.
Parang baliw, ngumingiti nalang bigla.
His smile is cute. Hindi ko maitatanggi 'yun. Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti.
I giggled with that thought. Kumubot naman 'yung noo niya sa akin. "Anong meron?"
Ngumiti ako sa kanya bago pabirong hinampas ang mukha niya. "Wala, ang cute mo kako."
"Sabi ko na crush mo rin ako e. Ang gwapo ko talaga," he smirked. "By the way, punta ako sa bahay niyo."
Nagulat ako sa huling niyang sinabi.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Wala lang. Pakilala mo ko kay tita, dali." Sabay hatak sa akin papunta sa kotse niya. Good thing ay may meeting ang mga teachers hanggang uwian kaya pwede naman kami magskip ng class.
After ilang minutes, nakarating na kami sa harap ng bahay. Todo alalay pa siya sa akin at konti nalang at bubuhatin na niya ako.
"Ano ba Kliox, hindi ako pilay. Kaya kong maglakad."
"Still, baka mamaya matisod ka o ano tapos kailangan ka na pala isugod sa ospital--" napalingon ako sa sinabi niya.
Ang OA nito masyado. Kung ano-ano iniisip.
"Ewan ko sa'yo. Tara na nga."
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si mommy na nasa sala at nagbabasa ng magazine. Ngumiti siya sa akin bago inilipat ang tingin kay Kliox.
"Kliox this is my mommy and mom this Kliox my--" hindi pa ako nakakatapos sa sasabihin nung sumingit agad siya.
"Manliligaw po, manliligaw," nakangiting sagot niya na ikinalingon ko. Tiningnan ko ang reaksyon ni mommy pero nakangiti lang siya.
"Welcome hijo. Have a seat. Paghahanda ko kayo."
Umupo kami sa malapad na couch, kaharap ng TV. Inabot ko ang remote at pinindot ang netflix. Maybe we can chill a little bit.
Bumalik si mommy na may dalang foods, sabay umupo sa single couch.
"Hijo, didiretsohin na kita. Alam mo ba ang kondisyon ng anak ko?"

BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Novela Juvenil"I love you, just like how much you love the rain." -Kliox It was just a simple rule, but he couldn't control himself to fall for her, hard