KABANATA 9

69 30 4
                                    

Sorry for late update :(

It's already two weeks passed pero walang progress. We were still finding a heart donor for me. Madami ding kailangang requirement sa school kasi one month nalang ay grafuation na kaya mas kailangan magsikap. Kaya ko pa naman, pero hindi na tulad ng dati.

"Girl, okay ka lang ba?" Nilingon ko si Yna nung nagsalita siya.

She already know about my condition. Gusto niya sanang magalit sa akin, dahil hindi ko simabi sa kanya ang kondisyon ko pero hindi niya kaya dahil baka daw atakihin ako kapag nagalit siya.

I'm so lucky to have her.

"O-Of course," I answered.

Ngumiti siya sa akin. "May next class ka ba? Tell me para masabihan ko si Kliox. Meron pa akong class after this," aniya.

Hinawakan ko ang kamay niya para sabihing okay lang ako. Ganito sila ni Kliox this past few weeks. Salitan sila ng paghatid sa akin depende sa schedule nila.

"Wala na akong class. Ikaw? 'Di ka pa ba aalis? Baka malate ka? I'll just wait for Kliox here." Tiningnan ko ang orqs sa relo ko bago siya tinapunan ng tingin.

Nag-aalalangan siyang iwan ako dito mag-isa, nababasa ko sa mukha niya kaya nginitian ko siya. "I'm fine. You can go now." I said softly.

"You sure? Keri lang naman malate e," pakikipagtalo niya.

"Okay lang. Promise," I raised my right hand, as a sign of promise.

Huminga siya ng malalim bago ako niyakap. "Okay fine, I'm going na. Sumbong mo sa akin 'pag di ka sinundo ni Kliox ah, lagot sa akin 'yang boyfriend mo," pagbibiro niya.

Nakipagbeso siya sa akin bago nagwave paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin papunta sa next sub niya. I was just sitting on the bench, sa may garden, nag-aantay kay Kliox dahil sabi niya ay pupunta kami sa bahay nila.

Yes, she's right. Kliox is my boyfriend. Um-oo na ako sa kanya. I remember his reaction when I said yes. Naliligo kami nun sa ulan at 'dun ko sinabing sinasagot ko na siya. Binuhat pa ako ng loko habang simisigaw.

Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng walang mga klase na naghaharutan at nagtatawanan sa ilalim ng puno. I wish I was like them. Sana katulad nalang din nila akong walang sakit. I wish I could live a normal life.

Napangiti ako ng mapait dahil sa nakikita ko. I can be like that, but to much emotion can trigger my heart. Hindi ko pwedeng i-risk.

"Pst, uy!" I snapped out my reverie when I heard his voice. Lumapit siya sa akin at tumabi ng upo sa bench.

"Hi," mahinang sagot ko.

"Hi," ngumisi siya sa akin bago ako tinitigan.

What's with him? Bakit ngumingisi ang isang ito?

"Bakit ka nakangisi?" Takang tanong ko.

He just shrugges while still looking at me. "Papakilala kita kay mama."

Nagulat ako sa sinabi niya at biglang kinabahan. Mabait naman ang mama niya, but I'm still nervous.

Sinuklay niya ang itim niyang buhok bago ako tinitigan. "Tara na?" Tamong niya.

Tumango ako sa kanya bago tumayo. Kinuha niya ang dala kong file case at inakay ako papunta sa kotse niya.

Binuksan niya ang shotgun seat bago ibinigay sa akin ang gamit ko para lumipat sa driver's seat.

Tinitingnan ko lang siya habang seryosong nakahawak sa steering wheel. Diretso ang tingin sa daan peeo nagagawa niya paring maging guwapo sa paningin ko.

Ew, so cringey.

I shrugged my thoughts and looked at the window. Tahimik lang kami parehas habang nakatingin ako sa daan. The silence, it's the comfortable one.

I was thinking, 'pano kapag wala silang nahanap na donor? Ayaw ko pang mamatay, I'm so young, andami ko pang gustong gawin. Ayaw kong may maiwang tao, specially my family, Yna and of course, Kliox.

I don't want to tell them, but this past few days, nahihirapan na akong huminga. Kahit nakahiga lang ako ay nararamdaman ko ang kirot na bigla ko nalang nararamdaman. Ayaw kong mag-alala sila sa akin.

"Are you fine?" Napalingon ako kay Kliox at sa labas ng bintana. Hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng bahay nila. I didn't even notice kasi ang lalim ng iniisip ko.

"Y-Yeah, tara na?" Aya ko sa kanya.

Sa paglabas namin ay kailangan niya pa akong coveran dahil umaambon. It's already 5 PM pero madilim na ang langit. I wonder kung tapos na ang klase ni Yna.

"Ma! Andito na kami!" Sigaw ni Kliox pag pasok nin. Good thing ay nakapasok na kami dahil tuluyan ng lumakas ang ulan sa labas.

Gosh, I'm so nervous!

Nakita kong lumabas mula si kusina si tita na may hawak na sandok at nakasuot ng apron. "Hija! Welcome back."

Natuwa naman ako sa pagbati ni tita kaya ngumiti ako pabalik.

"Ma, girlfriend ko na si Veronica," masayang sabi ni Kliox sa mama niya.

Nakita kong nagulat si tita bago nagtititili.

"Ang anak ko! May girlfriend na, halika dito Veronica," paglapit ko kanya ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Welcome to the family."

"Ma, diyan muna si Nica, magbibihis lang ako," paalam ni Kliox bago umakyat sa taas.

Nagkwentuhan kami ni tita at sa pag-uusap namin ay nalaman kong nakuwento na pala ni Kliox sa kanya ang kundisyon ko.

"Don't worry, we're just here to take care of you hija, puwede kang lumapit sa amin anytime." Aniya.

"Thank you tita," pasasalamat ko sa kanya.

Naramdaman kong tumunog ang cellphone ko kaya nag-excuse muna ako kay tita para tingnan kung sino ang nagtext.

Napakunot ang noo ko ng makita ang pangalan ni mommy at mas lalong sumakit ang dibdib ko nung mabasa ang message niya.

Nica, come to the hospital, it's your dad.

Nanghina ang tuhod ko dahil sa sinabi niya. S-Si daddy? W-What happened to him?

Napahawak ako sa dibdib ko nung naramdaman ko ang pagsikip nito. Sobrang daming scenario ang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi ni mommy.

Dahan-dahan akong napaupo at tuluyan ng nabitawan ang cellphone dahil sa pagsikip ng dibdib ko ko. Nahihirapan akong huminga at butil-butil na ang pawis sa noo ko.

No! Hindi ako pwedeng atakihin dito!

Pjnilit kong habulin ang hininga ko pero hindi ko magawa dahil mas sumasakit ang puso ko.

"Kliox! Si Veronica!" Narinig kong sigaw ni tita. Nakita kong pababa sj Kliox ng hagdan at lumaki ang mata ng makita akong nakahiga ata hawak ang dibdib.

Mabilis niya akong dinaluhan ag himawakan ang pisngi ko. "Veronica, hey. Shit, Veronica!"

Unti-unting nanlalabo ang paningin ko pero kita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha niya.

Naramdaman ko ang pag-angat ko at ang paglabas namin ng pintuan. Rinig ko ang malakas na patak ng ulan at naramdaman ko ang pagkabasa ko, pinipilit pa akong takpan ni Kliox para hindi ako mabasa.

Binuksan niya ang pinto bago ako pinaupo at lumipat siya. Hawak ko pa rin ang dibdib ko at mabilis ang paghinga.

P-Please, stop this. Masakit na.

Umusad ang sasakyan, palingon-lingon sa akin si Kliox habng nag dadrive.

Unti-unting nawawala ang paningin ko. Natatabunan ng sakit ang nararamdaman ako at nagsisimula ng maging itim ang nakikita ko sa paligid.

Pagod na rin akong humabol ng hininga at papikit na rin ang mata ko.

God, please guide us.

"Hold tight. Hang in there, baby," huling salitang narinig ko bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

Love In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon