KABANATA 2

122 47 3
                                    


"Oy, bakit nakasimangot ka?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kliox. What the fuck? Anong ginagawa niya dito sa library?

"Anong ginagawa mo dito? At tsaka anong nakain mo? Bakit 'di mo na ako inaasar?" Gulong sagot ko kay Kliox.

"Kasi ikaw 'yung teacher ko di'ba? So kailangan kita irespeto?" Sagot niya sa akin, diniinan pa 'yung word na teacher.

Hinila niya ang upuan sa harap ko at doon umupo.

I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo Kliox. Ano ngang ginagawa mo dito?"

"I was looking for you. Ang cute pala 'pag sinasabi mo 'yung pangalan ko," sabi niya pa.

Like seriously? Anong nangyari dito?

I raised my brow at him. Tinaas niya naman ang kanyang kamay tanda ng pagsuko.

"Okay fine, I was looking for you kasi magpapatulong ako sa start nung research and para tulungan mo ako, kailangan kong maging mabait."

Tumawa ako ng sarcastic. So babait lang siya pag may kailangan siya sa akin?

Bago pa ako makasagot, may tanong na naman siya. "Ikaw? Bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa? Anyare?"

I pout. "'Pano kasi, naputulan kami ng wifi and wala akong karapatan magreklamo kay mommy kasi siya 'yung nagbabayad para sa medi--" hindi ko na tinuloy 'yung dapat sasabihin ko dahil ayaw kong may makaalam.

"Nagbabayad ng ano? Mahirap ka na ba?" Pang-aasar niya.

Nainis na naman ako kaya tinarayan ko siya at nawala na rin 'yung pout. "Parang ganun na nga. Considered."

Wala munang nagsalita sa amin hanggang sa binasag niya ang katahimikan.

"What if.. what if mag deal tayo? You help me with my research then sa bahay ka gumawa ng research mo, may wifi naman e," paliwanag niya.

Nag-isip muna ko. I need to do my research before the deadline so kahit ayaw ko siyang makasama ay papayag na lang ako.

"Okay fine, ayaw ko naman istorbohin si Yna since busy siya sa mga plates niya."

"That's good! Settle na 'yun ah? Walang bawian? Bukas kaya mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Wait, isa-isang question lang. Isa lang ako. Yes, settle na since wala naman akong ibang choice, yes wala na ring bawian and yep, keri ko bukas. What time?"

"How about 11 AM? Sunduin kita dito sa tapat ng school,"

"Hmm, okay. Malayo ba bahay niyo?" Casual kong tanong.

"A little bit. Dadalhin ko nalang 'yung kotse ko bukas," sabi niya naman na parang normal lang.

Weh, edi wow

"Weh," pagdududa ko pa.

"Wehteng."

Tangina. Ano bang dapat kong i-expect. Hindi na yata magbabago ugali niya e.

I massage the bridge of my nose to control my irritation. Naiistress talaga ako sa kanya e.

"Whatever. Dapat 'di na ako nagtanong," I rolled my eyes.

Tumawa naman siya na mas dumagdag sa iritasyon ko.

"Ay, pikon."

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Bahala nga siya. Nakakapikon na talaga e.

"Bahala ka dyan. Uuwi na 'ko," sabay ayos ko ng gamit ko na nakakalat sa lamesa.

"Hatid na kita," pumintig ang tenga ko  dahil sa narinig. Did I heard it right?

Love In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon