Tama ba 'yung narinig ko?"A-Ano 'yun sir? 'D-Di ko po masyadong na pick-up," nahihiyang tanong ko.
"Paulit-ulit? Boomerang ka?"
Nilingon ko naman si Kliox at binigyan ng death glare. Hayup, 'di ko naman kausap sabat ng sabat. 'Yung gago naman ay nginisian lang ako.
"You will teach Mr. Andrada the good conduct until graduation. Mukhang kailangan niya na e, as in right now," natatawang sabi ni sir sa akin.
Umirap ako sa hangin. Bwiset, pati ba naman 'to si sir?
"Is that all sir? Pwede na po ba ako umalis?" tanong ni Kliox.
Tingnan mo talaga itong lalaking ito, napakabastos.
"Yeah, sure. Take your leave."
Sabay kami ni Kliox lumabas ng guidance at dun na kami naghiwalay papunta sa magkaibang room.
Pagdating nung uwian ay nag-antayan kami ni Yna, para sabay kaming maglakad since walking distance lang bahay namin parehas. Never kaming umuwi na ng hindi naglalakad kaya nasanay na kami.
Before we even reach the gate, hinila na ako ni Kliox papunta dun sa may sulok kaya hindi na ako nakapagpaalam kay Yna.
"What the! Anong problema mo?" Hindi ko na napigilan ang inis ko. Argh! Nakakairita talaga ito.
"You didn't take it seriously right?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. Anong sinasabn niyang I didn't take seriously?
"Ha?"
"Hampogi ko."
Napafacepalm naman ako at tiningnan siya ng masama. Nakakainis talaga siya.
"Seryoso kasi!" Bulyaw ko sa kanya.
"The punishment. 'Di mo naman gagawin 'yun di'ba? I mean, pwede nating sabihin na 'tinuturuan' mo nga ko kahit hindi naman, right?" Tanong niya.
"Duh, of course. Ano tayo? Elementary? You can discipline your self naman," I said.
"Good, so it's a deal? Hindi natin gagawin 'yun. 'Kay?"
Napatango naman ako sa kanya habang makatitig sa mukha niya. Mukha siyang stressed dahil medyo magulo ang buhok niya pero kita pa rin ang kagwapuhan. Yes, he's handsome, 'pano siya magugustuhan ng mga babae dito kung hindi siya gwapo right? Famous pa nga siya e.
"Fine, it's a deal."
THE NEXT day, may subject pa rin kami with Mr. Almonte. Kinausap niya na rin kami with the issue about yesterday at nasettle down naman na namin.
Naalala ko tuloy ang pimag-usapan namin ni Kliox kahapon. Na hindi namin seseryosohin ang punishment 'cause we both know it's bullshit.
"Mr. Andrada, let's see if Ms. Anderson was really teaching you," sabi ni sir Almonte.
Lumaki agad ang mata ko. Fuck!
Narinig ko ang tikhim ni Kliox at naramdaman ko rin ang tingin niya kaya tiningnan ko siya pabalik. He wad giving me a save me look pero maski ako ay hindi alam ang gagawin.
"Mr. Anderson, are you paying attention to me?" Nawala ang pag-uusap namin ni Kliox gamit ang mata dahil nagsalita si sir.
"Yes, sir."
"So, what are the things you learn yesterday?"
"About banking and finance sir," nakayukong sagot niya.
What's with him? Para saan 'yung payuko-yuko effect niya.
"Hmm," 'yan lang ang sinagot ni sir.
Uupo na sana si Kliox pero may pahabol pang tanong si sir. "Was Ms. Aderson already teaching you?"
Lumingon siya sa akin bago umiling. "Sad to say but ayaw niya po sir."
The fudge?! Ako pa binaliktad?!
"Excuse me?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Oh bakit? Dadaan ka?" Pang-aasar niya habang nakangisi pa.
Tangina.
Narinig ko ang mga hagikhik ng mga kaklase ko kaya inirapan ko sila bago huminga ng malalim.
"I see. Meet me at my office later. Both of you," narinig kong sabi ni sir kaya napalingon ako, then shift my gaze to Kliox.
"Jerk," I mouthed.
He just mocked me while still smirking. Hmp!
After ng lunch, since late ng 30 minutes 'yung next teacher, nagpunta na ako sa office ni Mr. Almonte.
Nakita ko pa si Kliox na lumabas galing sa CR at nagsmirk pa sa'kin bago ako sinabayan papunta sa office ni sir.
"Kamusta?"
Wow. Ang galing niyang tanungin niyan samantalang pinapahamak niya ako. Hindi lang ako nagreklamo dahil graduating student ako. Ayaw kong sumabit.
"Mukha ba akong okay? Ikaw 'yung nagpahamak sa'kin so shut up," pagalit ko.
"Ha?" What? He did not get it?
"Sabi ko--"
"Hamburger."
That's it. Hinarap ko na siya at binigyan ng death glare.
"You know what? Kung wala kang matinong sasabihin, better shut up. You really need to learn about good conduct. Puro ka nalang ganyan," galit na sabi ko bago dumiretso sa office ni sir para klaruhin ang nangyari.
Ipinagtanggol ko ang sarili ko and we both promised Mr. Almonte na tutuparin and gagawin na namin 'yung punishment.
Nagulat ako nung paglabas namin ay pinagbuksan ako ni Kliox ng pinto at pinauna akong lumabas. Hmm, that's new.
"So first of all, una mong dapat matutunan 'yung word na 'ha'. Ginagamit lang 'yun kapag hindi mo naintindihan or hindi mo masyadong narinig 'yung sinasabi ng kausap mo. Hindi para mang bastos ng tao. Gets?" Paliwanag ko sa kanya habang naglalakad kami paupo ng bench. Wala naman na kaming schedule for two hours kaya napag-usapan naming magstay muna sa bench.
"H--"
Bago niya pa matapos ang word na 'ha' ay pinutol ko na.
"Oops, 'wag mo akong sagutin ng hotdog, hamburger, hampaslupa, hampogi ko, and any other words that starts with 'ha'," pakiusap ko.
Please. Sana naman sumunod siya.
"I-I was going to say, hokay gets ko na."
I rolled my eyes at him. Kahit kailan ka talaga Kliox!
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Anyway, nagstart ka na gumawa ng research?" Tanong ko.
"Nope. Not yet, actually, I need help." This time his tone was serious. Nagulat ako. Akala ko puro lang kagaguhan alam niya.
"Why? Hindi mo alam simulan? Hindi pa naman group work 'yun e. Start palang, like tinetest lang tayo ni sir if we can do it in our own," paliwanag ko sa kanya.
"Yeah, kind of,"
OMG! Hindi talaga ako sanay na ganyan ang boses niya kapag kausap ako. And take note, hindi siya nakangisi sa akin.
"Anong nakain mo today? Bakit parang ang bait mo?"
"Mabait naman talaga ako, mahilig lang ako mang-asar," Sagot niya.
"Well let me inform you, hindi ako natutuwa sa mga pang-aasar mo. I mean, parang ang harsh pag sa akin," reklamo ko.
Tumingin naman siya sa akin tapos ngumiti.
"Ewan, ang cute mo kasi asarin."
Napaubo ako sa sinabi niya. WTF!
"Weh? Ikaw ata may crush sa akin e," pang-aasar ko sa kanya.
"Oo nga."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw? Nagpapatawa ba siya?
Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay naunahan niya na ako.
"Charot."
BINABASA MO ANG
Love In The Rain
Teen Fiction"I love you, just like how much you love the rain." -Kliox It was just a simple rule, but he couldn't control himself to fall for her, hard