10

9 0 0
                                    

We battled our way through the students who were making their way to their respective dorms and apartments. It's the next day at hindi na masyadong maayos ang klase namin sa aming mga Prof dahil unti-unting na bi-busy na sila sa pagpe-prepare para sa Sports fest na gaganapin sa aming uni ngayong taon. Yung ibang org naman, kasama yung amin ay nagpapatawag na para mag meeting.

Luckily, Chief was wise enough to have our meeting at 6 o'clock. My last class ends at 5:30. And our building and the journalism office are at the different ends of the big university. Kadalasan namang 5:30 o di kaya'y quarter to 6 mag di-dismiss ang klase ng iilan kaya nagkukumpulan ang mga tao.

My mind started to make a series of cusses. Naaapakan na ang puti kong sneakers at nabubundol pa ang balikat ko sa mga taong nakakasalubong ko. Bwiset 'tong hallway na 'to, hindi man lang nila pinalawak.

"Nga pala Gen, jowa mo ba yung mokong yun?" Willow asked me, nakasimangot ang mukha nya. Grabe yung bakbakan nila ni Veign kagabi, lalo na't hawak-hawak ni Willow ang isang rolling pin na naka display sa counter ng kitchen namin. Ayaw naman kasi paawat yung dalawa. Lalo na si Veign. Kaya ayun, umuwi yung mokong na may maraming pasa sa arms nya.

"Mag fa-file ako ng harassment." That was what he said habang nakabulagta sya sa sofa.

"Nope," I answered, smiling maniacally. Parang hindi na talaga safe kung mag krus pa ang landas nilang dalawa.

"Dapat lang! Gago sya! Tinawag nya akong flat!" Willow hissed. I bursted out laughing. Veign wasn't wrong. Willow was indeed flat. Ewan ko ba kung nasaan sya nung umulan ng dede. Baka na-comatose, habang kami ni Lena, nalulunod na; not to brag though.

"E t-totoo naman e!" I said in between my laughs.

"Aba't— kaloka ka ah!? Akala ko ba kaibigan kita?!" Naiinis nyang sambit. Hahampasin na nya sana ako pero kumaripas ako ng takbo nung naaninag ko na ang office namin.

"Love you, Will! Dun ka na! Hinahanap ka na ng org mo!" Pagtutulak ko sa kanya. Malaki ang gamit ni Willow sa organization nila na Theater Arts. Paano kasi, may pagka plastic din ang gaga. Inirapan nya lang ako saka sya nag martsa patungo sa mini theater hall nila.

"Ay palakang nalunod!" Napasigaw ako nang may tumusok sa tagiliran ko, ang bahagi kung saan ako nakikiliti.

"Hey, babe," A husky voice whispered to my ear, making me shiver, "Namiss mo ba ako?" He added, his arms snaking around my waist.

I smirked and held his hand which was placed on my stomach, "Of course. Sinong bang hindi mamimiss ang mukhang 'to?" Paglalambing ko. I faced him. He was playfully smiling at me and I was doing the same.

"Kaya nga mahal kita e," He said as he started closing the gap that was between us.

"Nag toothbrush ka ba?" His playful grin, grimaced. Tinitigan nya ako na para bang naiirita sya.

"Panira ka talaga sa show natin!" Cassius pouted, stomping his foot continuously.

"Ano ka, kabayo?" I said as I pointed at his pouted lips and stomping foot.

"Di na tayo friends. Napaniwala na sana natin sila oh. Kill joy ka talaga!" He said as he pointed at a huge group of students that were staring at us. Some were even documenting the event.

Napatawa na lang ako. Kahit anong kalokohan na lang talaga ang naiisipan namin ni Cassius kahit hindi namin ito pinaplano, "Sayang, dapat sa Theater Arts na lang sana tayo sumali," Kunwaring nanghihinayang kong sambit.

He frowned too, "Hindi sana nagmukhang lampaso at floor wax ang nag Romeo and Juliet last month," Saad nya na nagpatawa sa akin ng malakas. Kulang-kulang kasi ang mga members ng Org nila Willow nun, kaya napasabak na lang ang isang may lampasong hairstyle na I.T. major na writer lang sana nila at ang isang Secondary Education major na kung maka pag-make up sa mukha nya akala mo cake na maging sina Romeo at Juliet dahil hindi naman pwedeng sumali ang faces of the org na sina Willow at Clark dahil mga director sila.

If We're MeantWhere stories live. Discover now