Aeri's POV
"May aaminin ako sayo..." basag nya sa katahimikan na namumuo sa paligid naman. Tinapunan ko s'ya ng tingin. Ano naman kaya ang aaminin nya para maging seryoso s'ya? Hindi ako sanay sa pagiging seryoso n'ya. Oo nga masungit 'to pero parang ang seryoso naman ng aaminin n'ya.
"Did you forgot something?" tinignan ko s'ya ng nakakunot ang noo. Anong ibig sabihin n'yang nakalimutan ko? Kanina n'ya pa 'yan pilit na inoopen. Ano bang nakalimutan ko?
"Ano naman makakalimutan ko?"
"Ofle Flower," sambit nito na ikinalaki ng mata ko.
"Ohmygod! I'm dead! Patay na ba ako? Naubos na oras ko!? Wala tayong nakuhang gamot!" natataranta kong sabi habang kinakapa ang buo kong katawan.
"Pfft!" pagpipigil n'ya ng tawa. Hinampas hampas ko s'ya sa balikat dahil sa pagtawa nya. Anong nakakatawa! Aba!
"Aray! Aray!" hiyaw nya sa sakit sa paghahampas ko. Nakalimutan kong may sugat pala sya sa braso kaya agad akong napatigil. Napalitan ng pag-aalala ang aking mukha ng makita kong namimilipit na ito sa sakit dahil sa pagpalo ko.
"S-sorry," naguguilty kong sabi.
"The truth is," paninimula n'ya.
"It was just a joke" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong it was just a joke? anong pinagsasabi nya?
"Huh?"
"Ofle Flower has no poison. pffft! I'm just messing you," natatawa nitong sabi. Hahampasin ko pa sana sya ng makita ko ang mukha nyang namimilipit sa sakit.
Arrrgh!!!! Nakakainis!
So 'di pala talaga ako mamatay yung lason na sinasabi nya hindi pala 'yon totoo!? Muntik na akong mamatay 'doon sa kakahuyan na 'yon para lang makuha 'yung pesteng bulaklak na 'yon! Tapos sasabihin n'ya lang joke lang 'yon?
Napahamak pa s'ya, nagkasugat at kamuntik-muntik ng mamatay para lang sa pisteng bulaklak na 'yon! Ano bang mayroon 'doon ba't gustong-gusto n'yang makuha.
"Muntik na tayong mamatay kanina tapos sasabihin mo sa 'kin joke lang 'yon!?" tinakpan nya ang bibig ko pero nagpupumiglas pa rin ako.
"Stupid! pag ikaw narinig ng mga studyante na may kausap gusto mo bang maissue sa 'kin?" natahimik ako sa sinabi n'ya. Bahagya kong inalis ang kamay nya saka inirapan sya. Nakakainis ka talaga Dark kahit kailan talaga wala kang ibang ginawa kundi bwesitin ako.
"Tommorow will be the presentation ng Assignment natin" pagbabasag nito sa katahimikan, is he telling me about sa Assignment namin na muntik na naming ikamatay.
"You didn't listen to Prof Theresa, Aren't you?" tumango lang ako saka s'ya tinignan. Nakatingin ito sa kisame na parang may malalim na iniisip.
"Pinakuha tayo ng mga bagay especially living things. Mga distinct things na minsan lang matatagpuan sa Enchantes," kwento nito, tumango na lamang ako bilang tugon.
Wala talaga akong ideya kung paano namin gagawin ang assignment namin. Kailangan ba magreport? Ipresent gamit manila paper, cartolina o baka naman isusulat gamit ang wand. Ano find the findings lang ang peg. Feeling thesis 'teh!
"Magpahinga kana muna d'yan. Teleport ka na lang pag-okay kana,"
Nang makapagpahinga na s'ya hinayaan ko na s'ya sa sofa. Bahala na s'ya roon. Panigurado aalis rin naman sya pagkaya na nyang gumamit ng mahika.
"Saan ka pupunta?" tanong n'ya sa'kin ng akmang lalabas ako ng pintuan.
"Sa library lang, reresearch ako about sa mga species na nakuha natin." tumango lang s'ya saka pumikit na nakahiga sa sofa. Panigurado mamaya pagbalik ko aalis na rin yan dyan sa dorm.
Pumunta ako sa library ng school, nasa harapan lang iyon ng dorm kaya madali lang akong nakapunta. Sa pintuan pa lang alam mo na hindi ito isang ordinaryong library.
Bumungad sa 'kin ang mga nagliliparang libro, mga kusang gumagalaw na hagdan sa paligid at parang may sariling buhay ang mga libro upang bumalik sa bookshelve na dapat kalagyan nito. Napakalawak ng library na ito, hanggang sa itaas mayroon mga libro.. Marami rami rin ang mga estudyanteng pumunta ngayon. Mukhang lahat kami ay abala sa mga assignment namin.
Napansin kong hindi nila tinitignan ang title ng libro. Iniwagayway lamang nila ang kanilang wand. At hola! kusa ng lumilipad ito palapit sa kanila.
Nakakamangha sana alam ko rin ang tamang spell para mahanap ang librong nais kong mabasa. inikot ko na ang aking mga mata sa mga librong nakakalat sa baba.
Agad naman may pumukaw ng atensyon ko ng mabasa ko ang pamagat ng libro.
"The WizChantes Kingdoms"
Kingdoms? Means plural? Maraming kingdom. Bigla ko tuloy naalala ang kwento ni Eunice about sa four kingdom pero sabi nya may ika-limang kingdoms pa raw pero bigla nalang itong nawala. Nacurious ako sa laman ng librong iyon kaya dinampot ko ito upang basahin. Pagkabuklat ko pa lang ng libro bumungad na sa 'kin ang mapa ng buong Enchantes.
Gaya nga ng inaasahan ko, tanging apat na kingdom lamang ang nakasulat rito. Walang ikalima. Mas lalong nakapagtataka dahil sa mismong gitna ng mapa walang nagmamay-ari o kahit man lang pangalan. Dito na siguro ang 5th Kingdom matatagpuan.
Akmang ililipat ko na ito sa ikalawang pahina ng kusa itong nagsilipatan hanggang sa tumigil ito sa pinaka-huling pahina.
"Perdita regnum" binasa ko ang nakasulat sa pahina. Ano 'yon? Magic spell? Enkantasion? Ba't ito lang ang nakasulat?
Nagulat na lamang ako ng kusang lumabas ang mga letra na nakatago. Magic spell nga!
The lost kingdom
The Aerys Kingdom
It was rule by King Arthur Aerys. He has a wife name Queen Diana Aerys. There kingdom is one of the powerful and strongest at all four kingdom. But suddenly, it ended. Some said, they dissappeared because it's powerless and has been attacked by dark wizards but other said it was a curse. A curse that one kingdom will dissappeared and all of the people in the kingdom will die.
After mabasa ko ang history ng ikalimang kingdom hindi ko inaasahan na may malaglag ditong isang picture.
Isang picture ng isang puting dragon pero hindi lang 'yon ang nakakatawag ng atensyon ko. Kundi ang batang sanggol na nakasakay sa likuran nito. Kinusot-kusot ko ang aking mata at tinignan uli kong tama ba ang nakita ko na may sanggol na nakasakay sa dragon.
-🌸
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasyAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...