AeriNagising ako dahil sa mahinang bulong na nangagaling sa harapan ko. Animo’y mga bubuyog na patuloy sa pagbulong.
“Huwag ka maingay Eunice baka magising sila.” tinig ng isang babae.
“Ang sweet nila Krissy tignan mo oh!” dagdag pa nang isa. Dahil sa mga kaluskus at bulong-bulongan napamulat ang aking mga mata. Hinanap ko agad kung kanino nanggaling ang mga boses na ‘yon.
Doon ko lang napagtanto na nasa harapan ko ang tatlong babae. Ang dalawa’y pawang kambal dahil sa magkahawig nitong mga wangis samantalang ang isa naman ay ang pinakamatalik kong kaibigan, si Eunice.
Akala ko’y sila lang ang narito sa harapan ko ngunit may isa pang pumasok na babae. Kumpara sa tatlo mas boyish ang itsura nito. Walang pakialam sa kanyang uniformeng lukot lukot ang manggas. Tumabi sya sa tatlo saka naka crossed arms na tumingin sa ‘kin.
Sino sila?
"Nagising sya sa ingay nyo" sambit ng lalaki sa aking gilid. Halos malaglag ako sa kinaupuan ko nang mapansing may lalaking nakatabi sa aking higaan. Doon ko lamang napagtanto na katabi ko palang matulog si Dark kagabi. Shet na malagkit!
Humihikab na bumangon ito sa pagkakahiga. Isinuklayan nya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri saka walang buhay na tinignan ang mga taong nasa harapan namin.
Pagkaraan ng ilang minuto tahimik itong naglakad na palabas ng kwarto nang hindi kami nililingunan.
“Goodmorning Aeri!” bungad sa ‘kin ni Eunice. Masayang masaya nya akong niyakap dahilan para mapahiyaw ako. Paano ba naman ang sugat ko pa ang nasagi nya. “Ohmy! Sorry! Sorry!” natataranta nyang paghingi ng tawad sa ‘kin. I just gave her assurance that I’m fine. I glance a smile to the three girls infront of me.
Pamilyar ang kanilang mga mukha. Kaklase ko ba sila?
“Oh before I forgot, kaklase natin sila sa room. Naalala mo ba?” paninimula ni Eunice. Isa-isa nyang tinuro ang mga nasa harapan ko saka ito ipinakilala sa ‘kin.
“Ito si Krimmy,” turo nya sa babaeng may kulay brown na buhok. Kapareho sa kakambal nito ang pinagkaiba lang mas mahaba ang buhok ni Krimmy unlike sa isa.
“Hi Aeri!” masiglang bati sa ‘kin ni Krimmy. Binati ko rin sya pabalik saka bumalik sa pagpapakilala ni Eunice. “At ito naman ang kakambal ni Krimmy,” turo ni Eunice sa babaeng maiksi ang buhok. Unlike kay Krissy, napaka tahimik nya. Walang kainer-inerhiya syang bumati sa ‘kin. Siguro ganito talaga ang kambal. Iyon siguro ang pagkakaiba nilang dalawa. “Krissy” walang emosyon nitong pagpapakilala
“And lastly, Hannah!” pagpapakilala ni Eunice. Nakapusod ang buhok nito samantalang nakalukot ang sleeve ng manggas nito. Inilahad nito ang palad nya na agad ko naman kinuha. “Nice meeting you!” sambit nya. Masasabi mo talagang hindi sya ‘yung type na babae kundi babae ang type nya dahil sa gilos at galaw nya. Pero kung titignan, maganda naman si Hannah.
“Inuunahan na kita wag mo akong tatawaging sister or any nakakadiring tawag pambabae. Eww!” nandidiri nitong sambit na ikinatawa namin maliban kay Krissy na nakatingin lang sa ‘min.
“Pasensya ka na sa kambal ko ah, ganyan talaga ‘yan suplada.” natatawang bulong sa ‘kin ni Krimmy. Nakita ko ang pagtalim ng tingin ni Krissy sa kakambal nya dahil siguro’y narinig nito ang binulong sa ‘kin.
“Matagal ko na silang kaibigan Aeri kaso ngayon lang nagkachance na ipakilala ko.” malungkot na sambit ni Eunice. Tumango lang ako sa kanya saka nagsalita. “Nice to meet you all”
“Simula ngayon, kung sinong kaibigan ko ay kaibigan mo na!” masiglang sambit ni Eunice.
“Anyway, ayos naba pakiramdam mo?” pangangamusta ni Krimmy sa ‘kin. Nataranta naman tinignan ni Eunice ang tagiliran ko kung saan ako sinaksak. “Masakit pa ba? Sorry talaga Aeri ‘di ko sinasadyang masagi” nagpout sya sa harapan ko habang nakataklop ang dalawang palad animo’y nagmamakaawang patawarin ko na sya. Napatawa na lamang ako sa inasal nya.
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasyAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...